Share

Kabanata 4

KABANATA 4

MYCA’S POV

Pinagtulungan akong asarin nina Allison at Jilo. Hindi ko alam pero natatawa na lang din ako dahil sa mga pinagsasabi nilang dalawa. Alam ko naman na pareho lang silang natutuwa na naging interesado akong makipag-date. I am only doing this for my sake. Wala akong ibang motibo maliban doon. Umalis si Jilo nang nag-ala una na dahil sa flight niya. Nalulungkot ako na hindi ko man lang siya naihatid papunta sa airport dahil siya na mismo ang nagpumilit na hindi na ako sumama sa kanya. Nagdrama pa ako sa kanya dahil totoong mamimiis ko siya. Kaya naman ay sa hapon na lang din ako bumaba sa kwarto ko para sa opisina naman ako mamalagi hanggang sa malalim na ang gabi.

Paliko na sana ako sa kaliwang bahagi ng corridor para pumasok sa opisina ko nang matanaw ko sa unahan ng lobby ang lalaking pinagkakaguluhan ng mga babae. He is filling up the form on the reception desk while girls flock to his side just to stare and admire his handsomeness. He doesn’t seem bothered though. Mukhang sanay na sanay siya na ganyan umakto ang mga babae sa harap niya. Napailing na lamang ako nang mamukhaan na si Wallace Tessimond iyon, ang pinsan ni Ian na tinutukoy ni Allison kanina na mas kilala sa pangalang Ace. Akala ko pa naman ay jinojoke time lang ako ni Alli para sakyan si Jilo pero totoo palang nandito iyang lalaking iyan.

“Ms. Fortezo, kilala mo po ba ang lalaking iyan?”

Halos mapatalon ako sa gulat nang magsalita si Gigi sa likod ko. Mukhang kagagaling niya lang sa taas. Napahawak ako sa aking dibdib dahil sa lakas ng kalabog ng aking puso. Magugulatin na talaga ako.

“Oo,” sagot ko sa kanya habang kinakalma ang sarili.

“Hinahanap ka nga kanina eh kaya ako umakyat sa taas pero nauna ka na palang bumaba rito. Tawagin ko po ba, ma’am? Total ay nandito ka naman na sa baba ay sa opisina mo na lang siya patuluyin.” Umamba pa siyang maglalakad patungo sa gawi ni Ace.

Pinigilan ko siya. Umiling ako. There is no way I am going to accompany him at this hour. Baka ma-issue ako rito o ano. Nakakahiya naman kay Ace na nandito lang para magbakasyon at magrelax. At saka, totoo kaya na ibinigay ni Allison ang number ko sa kanya? Maybe he is asking me from Gigi because he is aware that I am the owner of this resort. Mabait naman na tao si Ace kaya normal lang na itanong niya ako sa mga staff ko dahil kilala niya ako.

“Hindi na. Magkakilala lang kami pero hindi naman kami malapit sa isa’t isa. At isa pa ay customer siya rito,” tugon ko kay Gigi at lumiko na para makapasok sa opisina ko.

I spent my time in reading the written report from one of the maintenance personnel of my resort in Palawan. This is the best way to track the progress and the state of my resort while I am away. May ipinaparenovate rin ako sa rest house namin sa Palawan dahil mukhang mamamalagi muna roon ang isa sa mga tito at tita ko na kagagaling lang sa ibang bansa. Sumandal ako sa aking swivel chair. Saka ko lang naramdaman ang pagod nang sumakit ang batok ko. Tinapos ko rin kasi ang ginagawa kong design para sa villa na nasa private island ko sa Palawan. Kakabili ko lang nito noong isang buwan. Naisip ko kasi na ipangalan dito ang resort ko sa Palawan para may maging interesado. Gagawin ko itong isang magandang lugar para sa mga bagong kasal na gustong mapag-isa sa isang isla kaya maaari kong iparenta ito sa loob ng isang linggo kapag natapos na. I still need to find a good engineer and a good architect. Pero gusto kong ako mismo ang magdisenyo sa ipaparenovate ko kaya mabuting natapos ko iyon ngayong araw.

Hindi ko na namamalayan ang oras ay nag alas nuebe na pala ng gabi. I haven’t taken my dinner yet because I was so focused on finishing my design. Kaya naisipan kong sa mini resto na lang ako dumiretso dahil bukas naman kami palagi para sa mga customer na gabi na nag-che-check in. I picked the simple and light meal. Baka kasi sumakit ang tiyan ko kapag nakatulog ako agad at hindi pa nadi-digest nang maayos ang kinain ko.

“Hi. May I join you?”

Magsisimula na sana akong kumain nang may magsalita sa gilid ko at inilapag ang tray niya sa kabilang gilid ng table. Inangat ko ang tingin ko sa taong iyon at nakita ang nakangiting mukha ni Ace. Nanlaki ang mga mata ko.

“A-Ayos lang… Upo ka na,” medyo nahihiya kong tugon sa kanya.

Nagulat ako na nandito siya. I thought he is with his cousin or he is on his room to relax. Nakakapagtaka naman na late na rin siyang kakain ng dinner niya. Tahimik kaming nagsimulang kumain. Pasulyap-sulyap ako sa kanya dahil napapansin kong kanina pa pabalik-balik ang tingin niya sa akin. Nakakaasiwa naman. This is actually my first time eating with someone I am not close with.

“You already know me, right? I am Ace, pinsan ni Aamon. We have hang out before in Washington. Alam ko na ikaw ang best friend ni Tatiana, hindi ba?” sambit niya para magsimula ng usapan.

I nodded my head and have a sipped on my water. “Yes…”

“I haven’t seen you around this afternoon. Busy ka? Ang sabi ni Tatiana ay dito ako dumiretso sa resort mo dahil maganda ang view dito at ito-tour mo ako. I was actually looking forward to it…” He flashed a simple smile.

Bigla akong namula dahil sa aking narinig. Hindi ko alam kung uunahin ko bang isipin ang ginawa ni Alli o ang sagutin muna si Ace? I am not ready for this. Medyo nakakahiya naman na magmalaki ako sa harapan niya. Dati ay wala akong pake kahit pa mga turista ang sinasamahan kong mamasyal at maglibot-libot dito. Pero ngayon ay nakakaramdam ako ng hiya.

“I’m sorry about that. Nabanggit nga sa akin ni Alli ang tungkol doon. I was too busy with my work so it slipped my mind. Kaya nga late akong naghahapunan ngayon,” pagdadahilan ko.

Tumawa siya nang mahina. “Kidding. Alam ko naman na busy ka kaya naiintindihan ko. Pero sana ay masamahan mo ako nang kahit isang araw lang. Isang lingo lang kasi ako rito dahil uuwi rin ako agad sa America.”

“Yes. Sure. Bukas ay pwede ako.” Bakas ang kaba sa aking boses pero mukhang hindi naman niya iyon napansin.

Hindi ko alam ang gagawin ko, iyon ang totoo. I haven’t accompanied someone like him. Parang ang hirap niyang masiyahan sa mukha pa lang. ganoon ba kapag mga lalaki? Parang nakalimutan ko pa kung ano ba ang unang bagay na i-o-offer ko sa kanyang gawin namin bukas. What about scuba diving? Snorkeling? Island hopping? Or surfing? I don’t know what to offer first. Parang nakakahiya na mauuna akong magsalita.

Tumikhim ako at agad na tinapos ang pagkain ko para makaalis na ako roon. Pakiramdam ko ay ang init nang buong pisngi ko. Hindi ko alam pero sumasagi sa isip ko ang mga sinabi nina Alli at Jilo kanina kaya hindi ko mapigilan ang hindi mamula. Iniisip ko kasi kung kaya ko ba na aminin sa kanya na gusto kong subukan naming mag-date. I suck at this so I don’t know what to say! Ako ba ang kailangang maunang mag-aya o magsabi? But Ace has no other intention but to enjoy his days here. Ibang lalaki na lang kaya ang piliin lo? Iyong hindi namin kilala ang isa’t isa para hindi naman awkward masyado. Pero saan ako hahanap?

I was spacing out for the whole minutes I am walking towards the elevator kaya naman ay hindi ko napigilan ang sarili ko na mabangga sa isang tao. Sinapo ko ang noo ko dahil iyon ang tumama sa kanyang dibdib. Ang tigas naman! I caressed my forehead a little. Jusko, parang pader. Parang namula ang noo ko.

“Sorry,” paghingi ko ng paumanhin dahil ako naman ang hindi tumitingin sa aking dinadaanan at hindi ko na lang tinignan kung sino ang taong iyon.

Kagagaling niya lang sa elevator kaya bukas pa iyon. Sinubukan kong pumasok na roon para makaakyat na ako sa taas at makapagplano nang maayos pero naramdaman ko ang paghawak ng isang kamay sa siko ko.

“I’m sorry about that. Is your forehead alright?” a man asked using his husky voice.

Parang automatic at nag-angat ng tingin ang aking mga mata para siguraduhin na tama ang taong kilala kong nagmamay-ari ng ganoong boses. Lumamig ang mukha ko nang malinaw na bumungad sa akin ang mukha ni Ian.

“Masakit ba?” tanong niya na tinutukoy ay ang noo ko.

I saw the ghost of smile on his lips. Nainis na agad ako nang makita ko ang nangingiti niyang mukha. He looks like he is mocking me! Naalala ko na naman ang sinabi niyang nakakapanot ang magbabad sa trabaho.

Sinamaan ko siya ng tingin. “Oo! Alangan na hindi ka masaktan kung kasing tigas ng semento ang nakabangga mo! Huwag ka nga paharang-harang sa daan!” inis kong sambit.

Inalis ko ang pagkakahawak niya sa siko ko at inirapan ulit siya bago pumasok sa loob ng elevator. Narinig ko ang halakhak niya nang pasarado na ang pinto ng elevator. How dare he laugh at me! Kaya naman ay sira na naman ang mood ko nang ganun-ganun na lang. Mainit ang ulo ko sa buong oras na nag-iisip ako ng magandang gawin bukas kasama si Ace kaya ang naging resulta ay hindi ako nakapag-isip nang maayos kaya natulog na lang ako agad.

Kinabukasan ay maaga akong nagising para maghanda na rin. I received a text from an unknown number but the name of the sender is indicated on the last part of his message. Si Ace iyon. Ang sabi niya ay sabay na kaming mag-almusal para sabay na rin na aalis mamaya. Pumayag naman ako agad kaya naligo ako para makababa na. Since I haven’t decided on what activities we will be doing today, I am going to ask him instead. Baka kasi gusto niya palang maglakad-lakad lang kami sa tabi ng dalampasigan tapos ako ay go naman sa scuba diving o di kaya ay snorkeling. Does he like fish? I wonder if he likes gold fish or any tropical fish. Pero laking America siya kaya baka hindi rin gusto ni Ace ang anumang klase ng mga isda.

“Good morning. Sorry, kanina ka pa ba?” bati ko sa kanya pagkaupo ko sa harapan niya.

I kind of find this unbelievable. Parang ang bilis ng lahat. Ganito ba ang normal na nangyayari? Wala naman sigurong malisya ito. I am just going to accompany him because he is a customer and Alli asked me to do this. Ako lang siguro ang nag-o-overthink.

“Hindi naman. I ordered us a food already. Sana ay hindi ka namimili ng kinakain,” aniya.

“Nope. I am not a picky eater. Thanks for choosing my breakfast.”

I looked around to see if anyone is looking at us. Pero mabuti na lang at mukhang normal naman ang ganito sa mga tao. Nakahinga naman ako nang maluwag.

“By the way, I haven’t mentioned that Ian will be joining us today. Mag-isa raw kasi ito kaya inaya ko na lang siya na sumama na lang sa atin. Total ay dalawa lang naman tayo kaya sa tingin ko ay mas masaya kapag mas marami,” untag ni Ace na nakapagpatameme sa akin.

Kakabanggit niya lang sa pangalan ng pinsan niya ay nakita kong papasok ng mini resto si Ian habang nakangiti nang malapad at nakatingin sa amin nang diretso. Nalaglag ang panga ko. Oh no, this is not a good idea because he can surely ruin my mood without even trying! At paano ko aayain si Ace na lumabas kami na kaming dalawa lang kung kasama namin si Ian?!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status