Share

Kabanata 3

THREE

Chleo

Napakurap-kurap si Lou Ann at Bently nang marinig ang sinabi ko. Ang mga mukha nila ay halos hindi ko maintindihan kung nagulat ba o hindi naniniwalang kaya kong gawin iyon.

"Oh—kay? Paano naman natin mapapasok ang Vourden? I mean, do you plan to seek your Dad's help?" Tanong ni Lou Ann saka itinali ang kanyang maikli ngunit kulot na buhok. I've actually been friends with Lou since first grade and I hate the fact that other kids bully her because of her curly blonde. Tingin ko ay bagay iyon sa maliit niyang mukha. She has this protruding dark brown eyes she normally hides under her glasses. Walang problema ang mga mata niya. Gusto lang talaga niyang nagsusuot ng salamin nang magmukha naman daw siyang matalino.

Drako hopelessly sighed. Naiirita niyang ginulo ang kanyang buhok saka ako hinatak pabalik sa upuan. "Of course her Dad won't tolerate this insane plan. Kilala nating lahat si Alpha Lucius. Pinaka-galit iyon sa mga tanga at ayaw no'n ng mga aksyong hindi napag-isipan. Isa pa, hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na ang nakababatang kapatid ng Alpha King ang dahilan kung bakit may malaking pilat sa mukha si Alpha Lucius." He said, pertaining to my Dad's scar on his left cheek.  Bumaling siya sa akin, galit na. "Kaya kung ayaw mong ma-grounded tigilan mo 'yang naiisip mo."

Sinimangutan ko siya. "But my Dad applauses those who makes the impossible, possible. Nakakalimutan niya ang galit niya kapag napapabilib siya."

Naningkit ang mga mata ni Drako. "Don't push it, Chleo. Stay on the safe side atleast just for once, will you?"

"May point naman si Drako, Chleo, pero kung hindi ka talaga magpapapigil, willing akong samahan ka." Ani Bently dahilan upang mabaling sa kanya ang atensyon ko.

Napawi ang inis sa aking mukha at napalitan ng saya. "Talaga?"

"Ako rin sama ako. Parang masaya 'yan isa pa hindi niyo ba naririnig ang mga chismis? Madalas wala ang Alpha King sa Vourden. Kung ang mga assigned Delta lang naman ang naroon siguro naman makakapasok tayo. Sabi nila puro puting lobo ang pinadadala roon. We all know Luna Yngrid and Alpha Pierre. They do not train inconsiderate lycans. Siguro naman maiintindihan tayo ng mga iyon." Dugtong ni Lou Ann dahilan para lalong mayamot si Drako.

"Eh paano kung matyempuhan natin ang Alpha King, hmm? Gusto niyo bang madagdag ang mga ulo natin sa koleksyon niya?" Pananakot nito kaya nagtinginan ang dalawa.

Kinurot ko ang tagiliran ni Drako. "Puro ka kontra. 'Wag kang sumama kung takot ka. Tapos."

Muling nagpakawala ng mahabang hininga si Drako. Seryoso niya akong tinitigan bago niya itinaas ang makapal at lalakeng-lalake niyang kilay. "Hindi ka talaga magpapapigil, ano?"

Mapang-asar akong ngumisi saka ko dinampot ang frappe ko. Maingay akong humigop saka ko iniling ang aking ulo. "Nope." I said, popping the p.

Umigting ang panga niya saka ako inirapan bago niya tinapunan ng nagtatanong na tingin ang dalawang kasama namin. "At susuporta talaga kayo sa kahibangan nitong si Chleo?"

Nagtinginan muna ang dalawa bago sila tumango dahilan para magulo ni Drako ang buhok niya. Napipikon na 'to pero sumusuko na. Basa ko na 'to kaya alam ko na ang ibig sabihin ng paggulo niya sa buhok niya.

He licked his lower lip after a moment of silence. "Fine. Let's all go. Nakakahiya naman mamaya mamatay kayong tatlo roon tapos ako humihinga pa kinabukasan."

Sinipat ko ang kanyang braso saka ko siya pinaningkitan ng mga mata ngunit tanging irap lang ang iginanti niya sa akin. "Sasama ako kasi wala akong tiwalang kaya niyong lumabas ng buhay doon."

"So ikaw kaya mo?" Mapanghamon kong tanong.

Ngumisi siya saka pinitik ang noo ko. "Kahit subukan mo pa ko..."

Vourden used to be the only city in Remorse. Now it's just nothing but a lonely lair for the original ruler of our district. Madalas pag-usapan sa aming history class ang nakaraan ng Vourden, at kung paano naging pinakamalungkot na bahagi ng Remorse ang dati ay puno ng buhay na lugar na ito.

Its history was never kept from the lycans of Remorse, but a lot about the Alpha King remained hidden in the shadows for decades.

Dumaan kami sa kakahuyan ng Brenther at lumusot sa napakakipot na basag sa pader na naghihiwalay sa Vourden at sa limang syudad ng Lycans na nakapaligid dito. The walls have been isolating the Alpha King's territory for more than hundred years, but only those who are in position know the real reason why it was built.

Pinasadahan ni Drako ng tingin ang paligid, sinisigurong walang mga bantay na nagkalat sa daraanan namin bago niya kami tinawag. Look at this lazy boy? Siya itong numero unong kontra kanina pero siya pa itong nangunguna sa grupo namin ngayon.

I don't know why I find it weird to not see a lot of Deltas roaming around. Tila ba nasa isa kaming walang buhay na bayan, at iilan lamang ang mga taong nadaraanan namin. They are neither Deltas nor related to the Alpha King. Tingin ko nga ay naroon lamang sila upang magsilbing tau-tauhan, mga walang ibang pagpipilian kung hindi ang manatili lamang sa lugar na ito dahil kailangan. Tinitignan nga lang nila kami ng may blangkong ekspresyon at tila walang pakialam.

Huminto kami sandali sa isang eskenita saka nilabas ni Drako ang boteng binili niya kanina sa isang herbal shop. Nagspray siya sa kanyang sarili saka niya iyon ipinasa sa amin. "We have to cover our scents. Siguradong mas mahigpit na sa kastilyo kumpara sa dinaanan natin." Aniya sa seryosong tono.

Kumunot ang aking noo nang kunin ko sa kanya ang bote. "Bakit alam mo ang tungkol dito? Tsaka parang alam na alam mo kung saan dapat na dumaan?"

Maliit ang ngisi na gumuhit sa kanyang mga labi. "Layco and I loves exploring Remorse. Dalawang beses na kaming pumunta rito nang hindi nahahalata."

Layco? Naggagala sa Remorse ang kapatid ko? Ang isang iyon talaga. Mas mahigpit pa naman si Daddy sa kanya.

Sumilip sandali si Drako sa paligid. "The Alpha King usually sends back the Deltas Alpha Pierre assigns to help guard Vourden. Kaunti lang ang bantay sa kastilyo pero sigurado akong hindi pa rin magiging madali sa atin ang makapuslit lalo na apat tayo."

"Bakit mo naman alam ang tungkol sa Deltas? Sinong nagsabi sayo?" Nagtataka kong tanong.

Drako looked at me before he took the bottle and sprayed more on me. Napaubo pa ako nang malanghap ang tila basang lupa nitong amoy. Mayamaya ay suminghot siya bago nagsalita. "There. Ayos na. At yung tungkol sa Deltas, narinig ko lang noong isama ako ng mga magulang ko sa Crescent. Tinanong ng Daddy ko kung bakit umuwi galing Vourden ang mga Deltang pinadala ni Alpha Pierre. Sabi ni Alpha Pierre ayaw daw ng Alpha King na pinadadalhan siya ng mga bantay. Ah basta. Napakakumplikado ng Alpha King kaya mas mabuti siguro kung hihintayin niyo na lang ako sa labas ng kastilyo. Ako na lang ang pupuslit para kunin ang journals."

Nalukot ang aking noo. "Ano? Hindi pwede paano kung may mangyari sayo doon wala kaming kaalam-alam."

He sighed. "Chleo focus your senses. Kahit naman hindi pa fully developed ang mga kakayahan natin bilang lycans, may pakinabang pa rin. Basta wag ka na lang makulit."

"Pero Dra—"

"Walang pero-pero. Ako lang ang papasok. Tapos ang usapan."

Natutop ko ang aking bibig nang marinig ang mga yabag sa pasilyo. Malakas na tumatambol ang aking dibdib at ang pawis ay namuo na sa aking noo habang nakatago ako sa likod ng makapal na kurtina sa may sala.

Palakas ng palakas ang mga yapak, senyales na palapit sa sala ang taong naglalakad. Shit! Bakit kasi ang tagal ni Drako? Halos isang oras na kaming nagtatago nina Lou Ann at Bently sa mga puno mula nang pumuslit si Drako sa loob ng kastilyo. Natakot akong baka kung ano na ang nangyari sa kanya kaya iniwan ko ang dalawa naming kasama para sundan siya pero nahilo na ako kakaikot nang patago sa kastilyo ay hindi ko pa rin siya nahahanap.

There was no Deltas around. Mukhang pinauwi nga ng Alpha King sa Crescent ang mga Delta at tanging ilang kasambahay lamang ang nakita ko...at alam kong hindi sila tulad ko. They're just normal people and do not have the ability to sense me.

Ngunit ang parating...ramdam kong kauri ko ito.

Nakagat ko ang ibaba kong labi at halos pigilan ko ang aking paghinga nang biglang tumigil ang mga yapak. Oh God. Did the potion wear off already? Naamoy kaya niya ako?

I didn't dare to move a muscle, until I heard footsteps again. Nakahinga ako nang maluwag nang maramdamang papalayo na ang tunog ng mga yapak sa marmol na sahig.

Ngunit nang akala kong tuluyan na itong umalis, ganoon na lang ang gulat ko nang biglang may humawi sa kurtina. Nanlaki ang mga mata ko at halos tumigil ang aking puso sa pagtibok nang tuluyan kong nasalubong ang pares ng gintong mga matang nakatitig sa akin. Hinawakan niya ang aking braso at hinatak ako palayo sa pinagtataguan ko dahilan para manlamig nang tuluyan ang aking buong katawan.

The man towered over me, scanning my face with a hint of amusement in his golden pools. "I didn't know someone would agree to play hide n seek inside a monster pit?"

Unti-unti itong nagbago ang kanyang mga mata hanggang sa naging kulay asul ang mga ito, at nang gumuhit ang isang makahulugang ngisi sa mapulang mga labi ng lalake, hindi ko na napigilang lunukin ang sarili kong laway.

"You're cute." He sniffed my hair before he chuckled softly. "Sadly being cute isn't enough to get out of this place alive once my brother finds you here. Looks like it's your lucky day. Ako ang nakakita sayo."

Nanlaki ang aking mga mata at umawang ang aking mga labi. "I—It's you!"

Unti-unting lumawak ang kurba sa kanyang mga labi hanggang sa tuluyan itong maging ngisi. "Oh, yes, young lady. I was the one who scarred your Dad's face for stealing my girl."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status