Share

Kabanata 4

FOUR

Chleo

Hindi ako makapaniwala sa klase ng emosyong nakaguhit sa mga mata ng kapatid ng Alpha King. Nakatikwas man pataas ang kanyang mamula-mulang mga labi, hindi nito maitatago ang selos na kahit taon na ang lumipas, halatang nasa puso niya pa rin.

I gasped for air when he gently brushed his fingertips on the side of my face, his pair of lonely blue pools wandering to see every detail of my face. Mayamaya'y umismid ito na tila may naisip.

"It's undeniable. You really are Mellian's daughter. Kasing ganda mo ang nanay mo kaso mukhang minana mo ang klase ng lakas ng loob ni Lucius na siguradong magpapahamak sayo pagdating ng araw." He inhaled my scent once more before he flashed another mischievous smile, his set of pearl-white teeth in display. "I wonder what brought you here?"

Nalunok ko ang sarili kong laway. Nanatiling tikom ang aking mga labi ngunit nang bumaba sa aking balikat ang kanyang mga kamay saka niya ikinalso ang aking likod sa pader, muling umusbong ang takot sa aking sistema.

The Alpha King's brother seems too young for my mom. Way too young. Tingin ko nga ay ilang taon lamang ang tanda niya sa amin, pero ang asul niyang mga mata, tila ba masyado na itong maraming bagay na nasaksihan.

"Sagot..." Mapanuya nitong ani sa malambing na tinig.

What should I tell him? Dapat ba ay magsinungaling ako? Pero aktibo na ang Lycan side niya. What if he'd sense my lies? Baka lalo lamang akong malagot.

I breathed deeply. Bahala na.

I was ready to tell a good lie when someone came running towards us. Sabay nabaling ang aming atensyon sa pamilyar na bultong puno ng galit at pag-aalala habang tumatakbo patungo sa amin.

"Chleo!" Sigaw ni Drako. Nanlaki ang aking mga mata nang dambahin niya ang kapatid ng Alpha King. "Takbo, Chleo!"

Hindi ako nakagalaw, dahil bago ko pa man maihakbang ang mga paa ko ay mabilis nang tumilapon si Drako sa kabilang bahagi ng silid. Naihagis siya patungo sa fire place at binalot ng abo ang kanyang puting damit at katawan hanggang sa kanyang ulo.

"Drako!"

Uminit ang aking katawan na tila may mitsang biglang sinilaban sa aking dibdib nang makita ko ang dugo sa kanyang kanang braso. Nasugat siya dahil sa pagtama sa bakal, ang kanyang katawan ay umani na naman ng panibagong markang sisimbolo sa isa na namang pagkakataong iniligtas niya ako.

Gumuhit ang kirot sa kanyang mukha habang pumapatak sa sahig ang kanyang dugo. Lalong nagliyab ang galit ko. Ang aking mga kamao ay tuluyang kumuyom at isang hindi pamilyar na pakiramdam ang tuluyang namayani sa aking sistema.

I stared at the man who threw Drako to the fire place with so much fury. Tumakbo ako patungo sa kanyang direksyon na buhay na buhay ang aking dugo na tila may iba pang kumokontrol sa aking katawan.

I hit him on his chest...with claws I never thought I'd have before I turn fifteen. Nag-iwan ng sugat ang pagtama ng mga kuko sa kanyang dibdib, at pagtapos ko siyang tignan sa kanyang mga mata, hindi ko na alam ang sunod na nangyari.

Nagising na lamang akong nakasakay na ako sa likod ni Drako habang tinatahak namin ang daan paalis sa bungad ng kastilyo.

I groaned as pain enveloped my body. Nang mapansin ni Drako ang paggising ko'y maingat niya akong binaba saka ako mabilis inalalayan ni Bently at Lou Ann.

Nahihilo ako. Ano ba ang nangyari?

Tila nabasa ni Drako ang tanong sa aking isip. Nagpakawala siya ng isang marahas na buntong hininga saka niya hinilamos ang kanyang palad sa kanyang maruming mukha dahil sa abo.

"Hindi ka dapat nagpadalos-dalos, Chleo. Sinabi ko na sayo na ako na lang ang papasok. Paano kung nasaktan ka roon? Paano kung walang restrain na bitbit sa kanyang bulsa ang kapatid ng alpha king?" Galit niyang tanong, ngunit dama ko ang nakatagong pag-aalala sa kanyang seryosong tono.

Lumunok ako at tinignan ang aking palapulsuhan. May marka na roon ng paso dulot ng restrain bracelet. Kung ganoon ay nagising ang wolf ko kanina? Pero wala pa ako sa hustong gulang? Paano nangyari iyon?

Nagtatanong ang mga mata kong binalik ang tingin kay Drako. "Hindi ka ba niya nasaktan ulit?" Nahihiya kong tanong bago ko binaba ang tingin sa natalian na ng panyo niyang braso.

Iniwas ni Drako ang tingin ngunit nanatiling nakaigting ang kanyang panga habang salubong pa rin ang makapal niyang mga kilay. "Bakit ako pa ang iniintindi mo eh ikaw 'tong mas muntik mapahamak? Chleo we all know how powerful the Magnison bloodline is. Paano kung hindi kinaya ng katawan mo ang biglang paggising ng wolf spirit mo? You could have died in that place na wala man lang akong magagawa para iligtas ka." Sa kanyang huling salita, doon lamang niya ako muling tinapunan ng tingin.

He's mad. So mad that he can no longer hide his emotions. Drako Lafrell is not a transparent person, but once he lose control, bawat isang emosyong nadarama niya ay ipapakita ng kanyang mga mata.

Hindi magawang kumibo ng dalawa naming kasama, tila parehong naninimbang sa amin ni Drako kaya sa huli, pinili kong ibaba ang pride ko. Humakbang ako ng isang beses palapit kay Drako saka ko hinawakan ang laylayan ng kanyang puting t-shirt. "I'm sorry. Nag-alala lang ako kaya ako pumasok do'n."

Sinamaan niya ako ng tingin ngunit nakita ko ang paglambot ng ekspresyong nakaguhit sa mga mata niya. "'Wag mo nang uulitin 'yon. Maswerte tayo at maganda ang mood ng kapatid ng Alpha King. Siya ang nagkabit ng restrains sayo saka ka niya tinatawanang binigay sa akin at inutusang iuwi ka. Pareho raw kayo ng nanay mong hinimatay no'ng first time makabitan ng restrain. Pambihira." Nailing-iling niya ang kanyang ulo.

Bigla akong tinamaan ng matinding hiya dahil sa narinig. But hey, my mom passed out, too on her first time to have restrains. Baka ganoon talaga ang epekto no'n. Pangungumbinsi ko sa aking sarili ngunit sa huli nahihiya ko na lamang na iniling ang ulo ko.

"Hindi na. Huling pangangahas ko na rin itong ilagay ang buhay ko at buhay ng iba sa panganib." Tinapunan ko ng tingin sina Bently at Lou Ann. "I'm sorry. Wala tayong napala sa pagsugal natin."

Ngumisi si Bently saka niya binuksan ang kanyang bag. Mayamaya'y pinasilip niya sa akin ang laman no'n.

Gano'n na lang ang gulat ko nang makita ang journal. "Paano niyo nakuha 'yan?" Hindi makapaniwala kong tanong.

"Si Drako ang nakapuslit nito palabas. Nagsalisi kayong dalawa kaya no'ng nalaman niyang pumasok ka para hanapin siya, bumalik siya sa kastilyo at iniwan 'to sa'min." Tugon ni Bently.

Nilingon ko si Drako pero nanatili siyang nakatingi sa ibang direksyon habang halatang nagtatampo pa rin. Tignan mo itong isang 'to. Puno talaga ng surpresa kahit saksakan ng tamad at reklamo.

"Thank you." Sambit ko habang may matipid na ngiti sa labi.

Sinulyapan niya lang ako saka niya tinango ang kanyang ulo. "Basta huli na 'to. Muntik mo na kong patayin sa pag-aalala kanina kung alam mo lang. 'Wag mo na kong tatakutin ng gano'n ulit." Tugon niya habang pahina nang pahina ang tinig. At bakit namumula ang mukha niya habang sinasabi ang huling parte?

"Para akong nanonood ng LQ ng paborito kong love team." Bigla na lamang sabi ni Lou Ann.

Nanlaki ang mga mata ko at pareho naming tinignan ni Drako ang mga kasama naming makahulugang nagtinginan saka sabay na tumawa nang nakakaloko dahilan para lalong sumama ang ekspresyong nasa mukha ni Drako. Iniwas agad niya ang tingin nang saglit kaming magkatinginan habang ako naman ay pinamulahan ng pisngi sa hindi malamang dahilan. Lalagnatin yata ako sa kalokohan ng groupmates ko.

Drako cleared his throat. "Pa—Para kayong gago." Inirapan niya ang dalawa. "Tara na nga mamaya may makakita pa sa atin di—"

Naputol ang sinasabi ni Drako nang sa pagharap niya sa daan ay huminto ang isang pamilyar na asul na kotse. Nang makilala namin ang lulan ng sasakyan, pakiramdam ko ay halos hindi kami humingang pare-pareho. Nanlaki ang mga mata ko at animo'y nawalan ng dugo ang aking katawan.

The man stooped out of his car and scanned our faces in a confuse way. "What the hell are you kids doing here?" Natutok sa akin ang kanyang berdeng mga mata. "And you, alam ba ng tatay mong nandirito ka?"

Halos hirap kong nilunok ang aking laway habang hindi na maipinta ang ekspresyong mababakas sa mukha ko. "A—Alpha Pierre..." Nakagat ko ang aking ibabang labi. I hopelessly looked at Drako who happened to gazed at me at the same time. Halos sabay kaming napabuga ng marahas na hininga saka namin ibinalik ang tingin kay Alpha Pierre na galit na ang ekspresyon habang nakatingin sa aming apat.

Lagot.

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status