Share

SPIN-OFF 9

Chapter • Nine

Kinabukasan ay maaga akong nagising kahit na kung tutuusin ay madaling araw na ako dinalaw ng antok.

Matapos ang pagligo at iba pang kailangang gawin, isinuot ko na ang uniporme ko saka ako dumiretso sa kusina sa first floor kung saan kami kumakaing mga taga-silbi. Naabutan ko si Mrs. Perkins at ate Beth na nagkakape. Ang amoy ng bagong burong kape at ng kumukulong baka ang bumalot sa buong kusina.

"Good morning po." bati ko sa kanila. Nabaling naman ang kanilang mga tingin sa akin. Napansin ko kaagad ang makahulugang ngisi sa labi ni Mrs. Perkins.

"Ang aga mo yata masyado ngayon, anak?" ani Mrs. Perkins na may ngisi pa rin sa labi. Hindi ko maiwasang magtaka. It's very unusual to see her like this

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status