Share

SPIN-OFF2 10

Chapter • Ten

Iniwan ko si Jace sa kusina matapos kong makapagluto ng pagkain. Pakiramdam ko antok na antok na ako dahil sa kakulangan ng tulog. Dumiretso ako sa kwarto saka humanap ng pantulog bago ako pumunta ng banyo.

Pagkalabas ko ng kwarto ay kumakain na siya. Talagang hindi na ako hinintay, nauna na siyang kumain. Hinayaan ko na lang siya. Sandali niya lang din akong tinapunan ng tingin saka siya uminom ng beer at nilunok ang pagkain sa bibig niya.

"Ang alat mo magluto." Untag niya.

Tumaas ang kilay ko dahil sa narinig. Humalukipkip ako saka siya matalim na tinignan. "Ikaw na nakikikain ikaw pa nanlalait. Ibang klase ka rin." Inis kong sabi. Kapal niya ah? Wala pang nanlait sa luto ko siya lang.

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status