“Steph’s POV”
Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala matapos matagpuan ang aking sariling walang saplot kalapit ang aking asawa sa iisang kama na kapwa hubad rin. Pinamulahan ako ng pisngi ng maalala ang buong detalye kung paano ito nangyari.
Hindi pa rin ako makabago sa aking hinihigaan dahil sa sakit ng aking buong katawan at sa pagkakadagan ng kanyang hita sa akin. Masarap ngunit masakit ang aking naranasan n gaming unang gabi ng pagsisiping at hindi koi to kakalimutan kailanman.
Minasdan ko ang bawat detalye ng kanyang mukha at maingat na kinapa ko ang kanyang mukha gamit ang aking daliri, at masayang nakangiti habang ginagawa ito at binabalikan ang kaganapan sa pagitan naming kagabi.
Mabilis kong inaangat ang aking daliri palayo sa kanyang mukha at pinikit ang aking mata nang mapansin kong imumulat na niya ang kanyang mga mata.
Naaninag ko ang pagtayo niya kahi
Nagulat si Aly sa kanyang nakita at lumingon sa spot na natagpuan niya ang asawa ng kaibigan na may kahalikang ibang babae, she sighed in relief thinking that her best friend did not witness what happened.Muli niyang binalik ang kanyang tingin sa kaibigan ngunit ilang minuto lamang ang lumipas nang nawala ang kanyang paningin dito ay nawala na rin ito agad.“Asan na siya? Saan kaya siya nagpunta?” Nagtataka nitong tanong sa sarili habang iniikot ang paningin sa buong paligid.Nakarating si Caspian sa labas ng kampo kasama ang babaeng kanina pa niya kalandian, sobrang dikit ng dalawa sa isa’t-isa na parang ayaw na nitong maghiwalay, ang mga kamay niya ay nasa ibabaw ng bewang ng babae at hinihimas-himas ito kasabay ng paghalinghing ng babae habang ginagawa niya ito.Ang hindi alam ng dalawa ay may nakasunod sa kanila at ito ay ang galit na asawa ni Caspian, binaltak ni Steph ang buh
“Caspian’s POV”Alam kong nasaktan ko siya at wala akong magawa upang pawiin ang sakit na kanyang nadarama dahil mas gugustuhin kong kamuhian na niya ako habang buhay kaysa naman patuloy niya akong mahalin dahil hindi ko kayang suklian ang pagmamahal na maibibigay niya sakin.Pinagmasdan ko siyang maglakad papalayo at parang hinang-hina, mukhang ilang lakad lang ay babagsak na sa lupa.Masakit para sakin ang makitang nahihirapan siya ng dahil sa akin pero wala ng mas sasakit pa kapag mangyari sa kanya ang nangyari noon… Baka mas lalong hindi ko mapatawad ang sarili ko.Napasandal ako sa guard house ng kampo at inalala ang nangyari noon at yun ang panahong gabi gabi kong bangungot.Flashback…“Caspian, I can’t wait to see you soon! Gusto ko sa first break mo magde-date tayo, ha?” Hiling sakin ni Irene mula sa te
Hindi mawala sa isipan ni Caspian ang kanyang misis kahit pa ilang linggo na ang nagdaan simula ng huli silang magkausap nito. Alam niyang nasaktan ito sa nangyari noon lalo na at itinanggi rin niya ang nangyari sa kanila, pinalabas niya iyong hindi niya ginusto ang namagitan sa kanila ng gabing iyon.Mahigit dalawang linggo nang hindi umuuwi ng bahay si Caspian upang iwasan ang asawa at hindi na mahulog pang muli ito sa kanya ngunit nag-aalala siya rito dahil hindi rin ito tumatawag o nag-iiwan ng mensahe man lang kaya’t umaga ng sabado ay napilitan siyang umuwi ng walang pasabi.Pagkabukas na pagkabukas ng pinto ni Caspian ay bumungad sa kanya ang anak ng kanyang commandant na si Elise at kasalukuyang doon pa rin tumutuloy.“Nasaan si Steph?” Tanong ni Caspian, nilagpasan niya ang babaeng sumalubong sa kanya at bago pa man ito makasagot sa tanong niya ay nanakbo na ang lalaki papunta sa kwarto nito up
“Miss, are you alright?” Tanong ng isang lalaki nang makita ang pagsemplang ng motorsiklong sinasakyan ni Steph sa kalagitnaan ng kompetisyon ng mga riders. Agad niyang minaneobra ang kanyang sinasakyang motor ng makita ang aksidenteng naganap at nanakbo upang bigyan ng saklolo ang babae.Marahan niyang inalis ang helmet na suot ni Steph at tila huminto ang oras ng masilayan niya ang isang magandang mestisang babae na hindi nalalayo sa kanyang edad, maamo ang mukha nito at may mapupulang labi na nakakaakit.Sinuring mabuti ng doktor ang walang malay na dilag at nakahandusay sa kalye hanggang mapahinto ang kanyang paningin sa tuhod nito na panay ang agos ng dugo.“Miss… Miss,” he was trying to wake her up habang unti-unti nitong iminumulat ng tila diwata na dilag ang kanyang mga singkit at kulay tsokolateng mga mata.“Tumawag kayo ng ambulansya!&rdquo
“Aly’s POV”Papunta na ako sa address na sinned sakin ni Steph ngunit napaatras ako pabalik ng aking opisina nang makita ko ang paparating na sina Luigi at Caspian. Gusto ko sanang magtago dahil ang bilin sakin ni Steph ay wag kong sasabihin kahit kanino kung nasan siya.“Aly! Masaya kong nandito ka,” bati sakin ni Luigi.Napangiwi ako at sinuri ang mukha niya na parang may nais malaman mula sa akin, ngumiti lamang ako sa kanya kahit kinakabahan.“Tinawagan ka ba ng aking asawa at alam mo ba kung saan ang kinaroroonan niya?” Nabaling ang aking paningin ng magtanong ang mister ng aking kaibigan.Napalunok ako at hindi makasagot sa tanong niyang yun, nagpabalik balik ang aking tingin sa dalawang lalaking nakatayo sa aking harapan, kinakabahan ako na parang ini-interrogate sa loob ng kulungan at hindi ako makapagsalita dahil iniisip ko pa ri
“Bok, nakabalik na ba si sir Ardiente?” Tanong ni Lawrence sa kanyang mga kaibigan. “Hindi ko pa rin siya nakikita sa kanyang office,” sagot ni Ivan. “Hindi pa siya bumabalik and I am sure the he isn’t coming back today,” singit ni Brent na busy sa kakatitig sa screen ng kanyang cellphone. Napansin naman ng kanyang mga kaibigan ang segu-segundo niyang pagsulyap sa kanyang selpon. “Kaninong message ang hinihintay mo, bok?” Tanong ni Jerome kay Brent ngunit hindi ito kumibo. “Wag mong sabihin saming nagpapaloko ka na naman sa babae,” sarkastikong sabi ni Ivan. Hindi pa rin makasagot si Brent sa mga kaibigan na naging dahil upang magkaron ng haka-haka ang mga ito tungkol sa kanya. Nagkatinginan ang tatlong magkakaibigan at nagngitian na para bang naiintindihan nila ang ibig nilang ipahiwatig sa isa’t-isa, naglakad si Jerome patungo sa
“I heard na hindi ka umuuwi ng condo, where did you spend New Year’s Eve?” Tanong ni Caspian bago pa man niya i-start ang sasakyan. “It doesn’t concern you,” malamig niyang tugon dito saka dumungaw sa bintana ng sasakyan na parang na aalibadbarang makita at makasama siya sa loob ng kotse. “Wala akong sinabing wag kang umuwi, paano na lang kung hindi lang yan ang nangyari sayo? Anong gagawin ko? Ano ang—” “Ano ang sasabihin mo sa parents ko? Simple lang, tell them that you don’t know,” tugon niya kahit nakatanaw pa rin sa malayo. “Ganun lang ba yun? Hindi na tayo bata para sarili lang natin ang intindihin natin, we have our parents na nag-aalala satin,” desperadong pagkakasabi ng mister niya na umagaw ng atensyon ni Steph para lingunin ang asawa. “I know that, Caspian.” Kalmado niyang sagot sa frustrated niyang mister, hindi makaimik ito dahil ngayon na la
Naupo si Luigi sa sofa katabi ng kaibigan, “anong nangyari sayo?” “Hmm. As you can see,” nginuso niya ang kanyang labi sa kanyang tuhod. Napatawa naman si Luigi sa kanya dahil hindi iyon ang tinutukoy niya, “that’s not what I mean,” wika ni Luigi. Pinihit ni Steph ang kanyang katawan upang makaharap siya, “kung ganun, anong ibig mong sabihin?” “Sa pagkakatanda ko, your husband came to look for you at siya ang dapat kasama mo pag-uwi… Bakit ikaw lang ang nandito at wala siya?” Marahan niyang tanong upang hindi masaktan ang kanyang kaibigan sa pagdeliver niya ng question. Tikom ang kanyang bibig saka isinandal ang likod at ulo sa sandalan habang inaalala ang nangyaring pag-iwan nito sa kanya. “Sinundo ka ba niya?” Nakita niya ang pagtango ni Steph, “nasaan siya ngayon?” Follow up question ni Luigi sa kanya. Umil