Share

Chapter 78: Cutting Strings

MATAPOS na malaman nina Stefan na sina Astolfo at Gretta ang may kagagawan ng pagkamatay ng kanyang lola ay nagsimula na silang magmanman at magplano ng kanilang gagawin para mahuli ang mga ito.

“Are you sure you’ll be okay here? Don’t you want to come to my office with me?” nag-aalalang tanong ni Stefan kay Eunice.

Ngumiti si Eunice at hinaplos ang pisngi ng kanyang nag-aalalang asawa. “Ayos lang ako dito, Mahal. Wala ka dapat na ipag-alala.”

“But—”

“Trabaho ang pupuntahan mo, Mahal. Ayoko na maging sagabal ako sa pagtatrabaho mo kaya ‘wag ka ng mag-alala. Ayos lang ako rito,” pangungumbinsing saad ni Eunice.

Gustuhin man ni Stefan na umangal dahil nag-aalala siya na baka kung ano ang mangyari sa kanyang asawa habang hindi siya nakatingin dito lalopa’t ngayon na alam niya ng sina Gretta at Astolfo ang may kagagawan kung bakit namatay ang kanyang lola. Natatakot siya na baka may gawin din itong masama kay Eunice.

Inabot ni Eunice ang pisngi ni Stefan at hinalikan ito roon dahilan para
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status