Share

Episode 41: Called Off The Wedding

Maria's POV

Tili ni Denise ang halos bumasag sa tainga niya nang sugurin nito ang nagulat na kakambal. Sa isang iglap, hawak na nito ang mahabang buhok ng totoong Venice na napaiyak nang malakas nang sabunutan ito ng kapatid. Napa-oh na lang siya nang sakyan pa ng babae ang natumbang kakambal nito. Agad namang umawat si Benjamin nang hatakin nito si Denise. Sa wakas, alam niyang wala nang kasalang magaganap dahil sa eskandalong ito.

"Aaah!" hiyaw niya nang maramdaman ang hapdi sa mukha nang pakawalan ni Denise ang malakas na sampal bigla. Ramdam niya ang hapdi dahil sa mahabang kuko nito nang sumayad ito sa mukha niya.

Nakaturo ang kamay ni Denise sa kanya at panay ang palag nito sa pagkakahawak na ng tauhan ni Benjamin, "You! Isa ka pa! Pareho lang kayo ng kapatid kong 'to, mga mang-aagaw kayo! Kung kelan natagpuan ko na ang lalaking iniibig ko, saka kayo susulpot nang ganito. How dare you!"

Hindi siya nakahuma sa bilis ng pangyayari. Si Venice lang ang pinagdidiskitahan nito kan
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status