Share

Chapter 6

Hannah's POV

Late na ako nagising dahil ang dami kong hinabol na i-dedesign. Madaling araw na ako natapos. Dumeretso na din ako sa banyo para maligo. Paglabas ko ay tinignan ko kung anong oras na 10:48 na pala. Tinignan ko din kung may email sa akin ang secretary ko pero wala naman. Bumaba na muna ako para kumain. Hindi na din ako nag abalang naglagay ng mga prosthetic dahil nasa trabaho naman na si Andrew. Breakfast lunch na ang gagawin ko dahil madami pa rin akong tambak na trabaho. Through email ko ipinapasa lahat ng gawa ko. Bahala na yung secretary ko na magpasa sa CEO kung approve ang mga gawa ko. Paakyat na sana ako ng may tumawag sa akin, ang secretary ko.

" Yes Trish."

" Ma'am gusto daw po kayong ma meet ng bagong CEO."

" Bakit naman daw. May problema ba sa mga gawa ko. Hindi ba niya nagustuhan ang mga gawa ko?" sunud-sunod kong tanong sa secretary ko. Biglaan naman yata na gusto niya akong makita. Ito na siguro ang panahon para magamit ko ang katauhan bilang Brigette.

" Actually po ma'am nagustuhan niya daw po. Ang sabi po niya, bakit daw po ako ang laging nagpapasa at palagi daw po kayong wala sa office niyo po. Ipinaliwanag ko naman na po sa kanya na work from home ka po pero ayaw daw po niya ng ganun po ma'am. Dahil daw po sa unfair daw po sa ibang employee na nagtatrabaho daw po dito sa kumpanya." Mahabang paliwanag niya sa akin.

Napapikit na lang ako at napahawak na sintido ko.

" Okay magbibihis na ako. Set me a meeting for him."Ibinaba ko na ang tawag.

Siguro oras na ulit para ipakita ko naman ang katauhan ni Brigette sa kanya at paglalaruan ko ulit siya. Natatawa na naman ako sa pinag iisip ko.

Nakasuot ako ngayon ng White fitted dress na may mahabang manggas pero may hiwa naman hanggang siko, nasuot ako ng white para naman magmukha naman akong kagalang galang. Hindi na din ako naglagay ng prosthetic para mainlove siya sa akin charot. Ano ba itong pinag iisip isip ko. Parang nagiging malagkit na tuloy ang isip ko. Hindi ko kasi mapigilan ang saliri ko. Ang gwapo ba naman kasi ng asawa ko pero napakasungit. Simpleng make up lang ang ginawa ko.

Pagkatapos kong nag ayos ay tinignan ko ang cellphone ko kung what time ang appointment ko kay Andrew.

Buti naman ay 2pm pa kaya may oras pa ako.

Inutusan ko yung driver ko na kunin niya ang kotse sa bahay namin at dalhin niya dito sa mansion ni Andrew. Hindi kasi pwede na kotse ni Andrew ang gagamitin ko. For sure mabubuking ako kaagad.

Nakarating na din ako sa office ko 15 minutes bago ang appointment namin.

" Ma'am mabuti nandito na po kayo." salubong sa akin ng secretary ko.

" Eto nga pala. Dinala ko na din yung mga tinapos ko lang kanina. Ayusin mo na din ang mga kailangan ko at ang mga ididiscuss ko kay Mr. Valencia." utos ko kay Trish.

Agad naman siyang tumalikod para ayusin ang mga kailangan ko.

Dumating na din ang oras para sa appointment ko sa asawa ko.

Kumatok naman ang secretary ko sa pinto ng Office of CEO na dati ay malaya akong pumapasok noong si dad pa ang CEO. Mula kasi ng magkapirmahan kami ni Andrew ay siya na ang CEO ng kumpanya namin pero hindi alam ni Andrew na ako ang COO. Naging kuntsaba ko na din sila daddy na Brigette Fuentes ang pangalan ko kung wala akong prosthetic. Sinabihan ko na din ang Secretary ko tungkol dun kaya agad niya pinalitan ang pangalan ko sa taas ng mesa ko.

" Come in." Boses ni Andrew sa loob hudyat na pinapapasok na kami.

Binuksan naman ni Trish ang pinto.

"Hello Mr. CEO I mean Mr. Valencia and welcome to our company." bati ko sa kanya sabay lahat sa kamay ko. Agad niya naman itong nakipagshake hands. Akala ko titignan niya lang ulit ang kamay ko katulad ng una naming pagkikita.

"Thank you Miss Fuentes. How are you related to the Former CEO?" Agad naman niyang tanong.

" I'm his niece. I am also the COO of this company." Pagyayabang ko sa kanya.

" Oh. I finally meet you Miss COO. I don't know that you are the COO. I thought its my wife position." napalunok naman ako sa sinabi niyang wife. Kumabog bigla ang dibdib ko. Para akong kinabahan sa sinabi niya na "wife".

" Actually we already talked about. My cousin wants me to take the position knowing that she has a ahmm you know." Itinuturo ko ang mukha ko.

"Yeah. I know, I get it." mapait naman siyang ngumiti.

" Sayang nga eh. Kung sana ako na lang ang napangasawa mo." naputol ang sasabihin ko ng bigla siyang nasamid sa sarili niyang laway." Are you okay. Sorry my bad. I'm just joking Mr. Valencia. " matamis tamis naman akong ngumiti na tila inaakit ko siya. Palihim naman akong natawa.

" By the way, what is your reason that you're working from home. "Straight niyang tayong sa akin.

" In that case Mr. Valencia."

" Just call me Andrew. "singit niya.

" Okay Andrew, My reason is, I don't know how to draw and design here. I mean, if I am here, my mind is too crowded. And I want to draw in peace and no one can disturb me. That is my reason Andrew. I am pretty sure that you understand me. I know it's pity but that's true."paliwanag ko na may panguso nguso pa akong nalalaman.

" Okay, my point here is. It's too unfair for them." turo niya sa mga empleyado sa labas ng office niya.

" Yeah I know but. My design is the face of the company. So if I work here. Don't expect the good work from me. Because I'm pretty sure that I can't draw here. Even a single design, I can't finish it the whole day." sagot ko sa kanya.

" Okay but, Weekly I want a report from you. "

" No need Andrew because Everyday I will always email my secretary about my work. See this one." Ipinakita ko sa kanya ang mga gawa ko kanina lang.

" Wow! Impressive." puri niya sa gawa ko. Samantalang yung luto ko kagabi kung makalait wagas. Napairap na lang ako sa kawalan.

" So I think this is my proposal now to stay at home, Andrew! " sana naman pumuyag ang lokong ito. Dahil kung hindi ay hindi ko na alam. Wala pa naman akong back up plan.

" Sige, pumapayag na ako." nakapaskil sa labi niya ang matamis na ngiti.

Mabuti naman at pumayag siya kaagad. Iba talaga ang kamandag ng ganda ko, no say no siya sa akin.

"Thank you Andrew." binigyan ko siya ng nakakaakit na ngiti.

"Your welcome, you deserve it."

" Oh by the way Andrew, How's your girlfriend now, I mean how's is Ashley? Alam ko naman na may girlfriend ka bago kayo ikinasal ni Hannah. Ewan ko nga sa kanila ni tito kung bakit ka ipinilit na ipasakal sa pinsan ko." Biglang tanong ko. Nawala tuloy ang kanyang ngiti sa labi niya. Makikita mo sa mga mata niya ang lungkot at galit. Yung mukha niya kanina na masaya biglang naging malungkot na awra.

"She is still unconscious. Okay lang naman na ikinasal ako sa pinsan mo. May kapalit naman iyon." Nakikita ko sa mukha niya ang lungkot. Hindi tuloy siya makatingin sa akin ang diretso.

"I'm sorry for that. I want to visit her. Can you come with me." May pagkamaarte kong sabi sa kanya. At para naman mai-comfort ko siya.

" Sure. Wala naman na akong gagawin. So let's go." aya niya sa akin.

Sabay na kaming bumaba.

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Honey Vanz
kala ko ba mahiyain c Hannah, bakit prang hindi nmn..ok nmn Ang kwento..
goodnovel comment avatar
Marasigan Bulan Ylevol
maganda ang story simula pa lang nakaka excite ng basahin.
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status