Share

Chapter 5

Umakyat na ako para mag make-up at para makapagluto na rin.

Bumaba na ako para tignan ko kung naiprepare na ni manang ang mga kasangkapan para sa lulutuin ko. 5:23pm na, kaya may oras pa para maluto ang paborito niyang adobong manok. Mabilis lang naman lutuin yun. Tinignan ko ang mga sangkap na inihanda ni manang. Kompleto naman. Sibuyas, bawang, luya, paminta, at patatas. Kaso ang liit ng luya na ginawa niya kaya dinagdagan ko pa. Dinamihan ko dahil isa ng luya para mas lalong sumarap at maging malasa ang manok at medyo may anghang na konti. Lahat ng klase ng luto ng manok ay talagang dinadamihan ko ng luya.

Ilang sandali pa ay naluto ko na ang adobong manok. Sakto naman ang pagkarinig ko ng ugong ng sasakyan hudyat na nandito na si Andrew. Naghain na ako sa mesa para naman uupo na lang siya at kakain na kami. Tinulungan naman ako ni manang Fely para maghain sa mesa. Pagkatapos namin maghain ay sakto naman ang dating niya. Mukha siyang pagod dahil sa ayos niya. Umupo na ako at ganun din siya. Hindi man lang niya ako pinansin. Nakita kong sumandok na siya ng pagkain niya at kumuha na din siya sa adobo na niluto ko. Hinintay ko muna siyang sumubo bago ako sasandok ng sarili kong pagkain.

" Ya?" tawag niya kay manang. Si manang kasi ang nag alaga sa kanya simula pa noong bata pa siya. Kwento ni manang kanina habang nagluluto ako kanina.

"Ano yung senyorito?" Sagot naman ni manang.

"May kakaiba po ngayon sa luto niyo. Mas lalo pong sumarap. Ipagpatuloy niyo lang po ya."

" Actually senyorito, hindi po ako ang nagluto. Si Hannah po ang nagluto senyorito." turo sa akin ni manang. Nakangiti naman akong tumingin sa kanya.

Mataman lang akong tinignan at agad din niyang iniwas saka tumingin sa pagkain niya.

"Bakit siya ang hinayaan niyong magluto Ya. Baka nilagyan niya ito ng gayuma." bintang niya sa akin.

" Grabe ka naman sa akin. Anong akala mo sa akin ah. Nauubusan ng lalaki. Akin na nga yan." sabay kuha ko sa plato niya at inilayo sa kanya. Magluto ka ng para sayo tse! " inis kong sabi sa kanya sabay irap ko.

" Sino ba kasi ang nagsabi na magluto ka hah. "asik niya sa akin.

" Bakit bawal ba? Sa pagkakaalam ko ay bahay ko na din ito simula noong nagkapirmahan tayo. Ibig sabihin, may karapatan akong gawin lahat ng kung anong gusto kong gawin sa loob ng pamamahay na ito dahil asawa mo ako! " Sigaw ko sa kanya.

Akala ko pa naman magiging maayos na kami dahil ito sana ang sorry gift ko sa kanya. Nag effort pa akong magluto dahil akala ko magiging okay na kami. Kahit maging magkaibigan lang o di kaya sibil lang ang pakikitingo namin sa isat isa pero nagkamali ako.

" Aba malay ko ba kung may inilagay kang lason o di gayuma dyan sa ulam."

" Kung may nilagay akong lason edi sana bumubula na ang bibig mo. At kung gayuma naman edi sana hindi mo ako inaaway ngayon at pinagbinintangan ng kung ano ano. Lumayas ka na nga sa harap ko." taboy ko sa kanya.

" Wow ibang klase ka din ano? Sariling kong pamamahay pinapalayas mo ako. Akin nga yan. " hatak niya sa pinggan niya na kinuha ko.

" Huwag mong kainin yan. Baka bumula pa ang bibig mo o di kaya mamaya niyan ay baka nakalingkis ka na sa akin na parang ahas." kinuha ko ulit yung pagkain niya. Nilantakan ko naman kaagad ang pagkain na nasa pinggan niya kanina.

"Hmmm. Sarap. Gusto mo?" Nakanganga lang siya sa harap ko at lumulunok pa ng sarili niyang laway, naririnig ko na rin ang tunog ng tiyan niya. Siguro dahil sa pagod niya ay nagutom na din siya at mas lalo ko pa siyang tinakam sa pagkain kaya mas lalo niyang ramdam ang gutom niya. "Mag order ka na lang ng pagkain mo para hindi kita magayuma o di kaya malason."

Hindi na namin pinansin si manang na kanina pa nanonood sa amin.

Dahil hindi naman ako ganun katakaw ay hindi ko naman naubos yung nasa plato niya kanina. Niligpit ko na din ang mga pagkain na nakahain.Pagkatapos kong hinugasan ang pinagkainan ko ay saka na ako aakyat sa kwarto ko. Pero laking gulat ko na nasa mesa na ang palayok at hindi man lang niya inilagay sa bowl ang adobo. Tapos para siyang patay gutom kung kumain. Na akala mo'y hindi kumain nang isang linggo. Punong-puno ang bibig niya, hindi ko alam kung nakakahinga pa ba siya sa pagsubo niya.

" Oh akala ko ayaw mo yang niluto ko." tanong ko sa kanya. Inilagay ko sa bulsa ang mga kamay ko dahil nabura ang prosthetic sa kamay ko. " Hindi na ako magtataka mamaya kung lilingkis ka sa akin na parang ahas mamaya." pang aasar ko sa kanya.

Bigla naman itong nabilaukan. Sinusuntok niya ang kanyang dibdib. Nag mala kamatis na ang kanyang mukha kaya nataranta na kami ni manang. Pumunta naman ako sa likod niya at niyakap siya mula sa likod at nilagay ko ang mga kamay ko sa bandang sikmura niya.

" Pag sinabi kong talon, talon okay. One two three Talon." at bigla kong diniinan ang pagkakayakap kanina." Isa pa. One two three talon." ganon ulit yung ginawa namin. Mabuti na lang at nailabas niya ang patatas. Grabe ang laki ng nilunok niya. Sinong hindi mabibilaukan dun. Parang kamao ng sanggol ang laki nun.

" Yan kasi ang takaw mo. Para kang patay gutom kung kumain. Parang ngayon ka lang nakakain ng adobo tsk. "sermon ko sa kanya. At uminom na din siya ng tubig.

" Kalasanan mo ito kung hindi kasi kung ano ano ang sinasabi mo, hindi ako mabibilaukan. " Sumbat niya sa akin.

" At ako pa ang sinisi mo. Eh kung sumubo ka kanina para isang linggong di ka kumain. Pero kumusta ka na. Hindi na ba masakit lalamunan mo." May pag aalalang tanong ko at hagod hagod pa rin ang likod niya.

Buti na lang brown ang polo niya ngayon dahil hindi halata sa suot niya na medyo nabura ang prosthetic sa kamay at sa braso ko.

" Masakit pa rin."

" Heto uminom ka ng malamig na tubig para maibsan ang pamamaga ng lalamunan mo. Sigurado akong mamaga iyan. Dahil parang nabugbog ang lalamunan mo." Inabot ko sa kanya ang malamig na tubig. Mabuti naman at kinuha niya ito.

" Bagay na bagay talaga kayong dalawa kahit aso't pusa kayo." Biglang sabi ni manang. Hindi ko alam na nandito pa pala siya at pinapanood ang mga ginagawa namin.

" Ya anong pinagsasabi mo?" Inis na turan ni Andrew. pagkasabi niya nun ay umubo ubo siya.

" Wala namang masama. Maganda si Hannah. Ikaw naman ay gwapo rin." turo ni manang sa amin. Pinandilatan ko naman siya ng mata at alam kong napansin niya ang mata ko.

" Yaya malabo na po ba ang mga mata niyo. Dadalhin po kita bukas sa doctor para makita niyo po kung maganda ang sana harap niyo."

" Senyorito, wala naman sa panlabas lang na anyo kung maganda ang isang tao. Nasa loob po yun senyorito. Oh siya maiwan ko na kayo baka kung anu ano pa ang makita ko at baka aatakihin ako ng puso sa inyong dalawa. Matanda na ako para manood ng bangayan niyong dalawa." Paalam ni manang sa amin.

"Oppss, bago ka umakyat ay iligpit mo itong pinagkainan mo. Maliwanag. " Sabi ko sa kanya saka ako tumalikod. Ginawa ko naman siyang parang bata kung utusan.

Nakaawang lang ang kanyang labi dahil sa sinabi ko.

" Sino ka para utusan ako. Marami akong kasambahay dito para gawin ito at pagsilbihan ako. " sigaw niya sa akin.

" Alam mo Mr. Valencia. hindi sa lahat ng oras ay iaasa ko sa kasambahay lahat. Matuto ka naman sa gawaing bahay. Malay mo paggising ni Ashley ay mas lalong mainlove yun sayo kung marunong kang magluto at maghugas ng pinggan. And take note huwag ka munang sisigaw sigaw dahil baka mamaos ka bukas dahil mas lalong bugbog na bugbog na ang lalamunan mo. Sige ka hindi mo na ako masisigawan bukas." panghahamon ko sa kanya.

" At talaga isinama mo pa si Ashley dito sa usapan. "

" Sige na goodnight. Baboo. "

Sabay kaway ko sa kanya.

Umakyat na ako dahil pagod na akong makipangbangayan sa kanya.

Marami pa akong trabahong gagawin lalo na ngayon na nag merge na ang company namin at ang company ni Andrew. Ako pa rin ang nagdedesign ng mga kailangan na idesign na damit, sapatos, tsinelas, sumbrero at etc.

May plano din akong pumunta sa opisina pagdating ng araw na ipapatawag niya ako

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status