Share

Chapter Two

BEFORE the Sun Rises I am already on the office checking for the reports and status of yesterday's delivery and the reports of other departments too.

Kailangan kong mag habol para kung sakaling magtanong si Mr. President ay meron akong maisagot ,isa isa ng nagdatingan ang mga staff namin pati na din ang ibang intern's.

Kinalabit ako ni Rica kaya tumingin ako sa kanya "Kamusta yung wedding girl?wala bang sumigaw ng "itigil ang kasal" noong nagsisimula na?" Natawa ako sa sinabi nya baliw talaga eh.

"Awa ng diyos wala, matinong tao yung pinakasalan ng batchmate ko noon kilala ko sila ano ka ba" sabi ko sa kanya habang inaayos yung mga file na dapat nakalagay na sa tamang folder.

"Well, people change you know" bawi ni rica habang binubuksan ang computer nya at ini isa-isa tanggalin ang mga nakadikit na sticky notes sa monitor nito.

Natawa ako ng tinapon nya ang iba pagkatapos basahin "bitter ka lang tlaga "sabi ko at tinawag ang isang intern na nasa malapit na xerox machine.

"Mary lapit ka muna may itatanong ako" tawag ko at lumingon sa akin ang intern bago lumapit.

"Yes Ms. Lia?" Kinakabahan sabi nya.

"What did I tell you about these files ?" I strictly asked her while arranging each documents.

"U-hh ayusin po sa at ilagay sa tamang folder at papirmahan kay Ms. Lina para maise-send na ng ibang planner sa supplier" sabi nya habang nakayuko at hindi makatingin sa akin.

Napabuntong hininga ako ng sumulyap sa kanya at tumingin sa ibang staff " then bakit andito pa din sya sa table ko ngayon?worst is ako pa yung nag-ayos oh" para na syang maiiyak at hindi maka tingin sa akin.

"S-sorry mam, inutusan po kasi ako ng isang staff sa QA kahapon na dalhin yung ibang documents na hawak nya sa engineering department natagalan ako doon kaya nawala po sa isip ko yung ibinilin nyo " napakunot ang noo ko sa sinabi nya.

"Wait what?someone that is not in this department ordered you to run for their errands? Kailan pa yun pinayagan gawin dito?" Sabi ko sa kanya 

"Uh eh, tinanong po kasi ako kung nag ojt daw ba ako dito ang sagot ko po ay oo tapos binigay nya lahat ng files sa akin at ayun po." Napakamot ito sa ulo habang nagpa-paliwanag sa harap ko.

Tumayo ako at sinenyasan syang sumunod sa akin , I have a serious yet dangerous look while walking kaya napapa ilag ang mga nakakasalubong ko even our department's supervisor just look while me and Mary continued walking ,sumakay kami sa elevator at pinindot kung saan ang floor ng QC department.

"Ms. Lia bakit po tayo pupunta sa QC department ?" Mahinang sabi nya habang naghihintay kaming makarating doon.

I glanced on her at the back and she felt nervous "You are not the QC's intern,so they don't have the right to order you to do things for them you can voice it out in front of their faces" seryosong sabi ko kay mary.

Lumunok muna sya bago nagsalita "natakot po kasi ako mam baka pagalitan ako at sabihin na nagmamalaki agad " napailing ako sa sinagot nya sakin. 

Bumukas ang elevator door kaya lumabas kami matapos ang ilang hakbang ay  binuksan ko ang pintuan ng department lahat ng nandoon ay napatingin sa amin.

Tinaasan ko sila ng kilay bago nagsimulang magsalita "Sino ang nag utos sa intern na ito kahapon?"tinuro ko si mary na nasa gilid ko ,nakayuko sya at tila nahihiya kaya inangat ko ang mukha nya para makita nila.

"Ah si Ms. Fernandez po Ms. Lia nandoon po sya sa loob ng opisina ni visor" sagot ng isang staff na nsa malapit samin.

Tumango ako at nagpasalamat bago naglakad papasok sa office ng supervisor nila ,hindi ako kumatok at binuksan agad ang pintuan kaya nagulat sila ng makita ako.

"Ms. Lia your being rude ,don't you know how to knock on someone's door?!" Galit na sigaw ng Supervisor ng QC tinaasan ko sya ng kilay bago ako tumingin kay Ms. Fernandez.

"One of your staff is rude also that's why i bring one of MY Interns here." Giniya ko papasok si mary tumingin sa kanya ang dalawa bago ko sinara ang pintuan ng makapag usap kami in private.

Tila walang alam sa nangyayari ang supervisor nila kaya tumingin ito sa akin ng may pagtataka "Im sorry but what do you mean?"

Tinignan ko lang sya bago lumipat ng tingin kay fernandez. "What did you ask from her yesterday?" Tinuro ko ulit si mary na nasa gilid.

"Ahm? Inutusan ko syang dalhin ang mga files sa Engr. Department kailangan ng pirma yun saka regarding sa machines na tumigil at inaayos humingi kasi sila ng kopya inutos ko sa kaniya bakit intern lang siya dito ah?" Maangas at tila naiinis pa nyang sagot sa akin.

Tinignan ko ang supervisor nila na mukhang naintindihan na ang ginawa ng staff nya "Are you aware of the Company Rule's Ms. Fernandez?"sabi ko sa kanya.

"Of course I am, why are you asking those kind of question, ano bang problema?" Galit na sagot nya sakin.

"Ms. Fernandez, umayos ka ng sagot ano ba she has the right to ask you because you clearly broke one of the company rules" sabi ng supervisor niya sa kanya.

"Huh?,Im sorry Mam but I never broke any rule care to enlighten me please" tinaasan nya ko ng kilay siguro hindi nya ako kilala mukhang bago lang sya or lagi sigurong pang nigh shift.

"One of this company's rule is, wala kang karapatan utusan ang kahit sino mang intern na hindi naman under your department, and clearly she is our intern yet you still ask her to do your work .Gaano kahirap magpunta sa Engineering  at iniutos mo pa ?" I folded my arms over my chest and look at her while stating the company rule.

She looked shocked and then later on she looked embarassed, ngayon lang siguro nag sink-in sa utak nya ang ginawa.

"I-uhh Im sorry for the trouble Ms. Lia--" i cut her off before finishing her words.

"Don't apologize to me, tell it to our Intern here Mary , dahil sa inutos mo hindi nya nagawa ang dapat na trabaho nya are you really reading the contract your signing ?Don't you have Orientation before starting to work?" I ask her those questions ,pagkatapos ay bumaling ako sa supervisor nila himingi din ito ng pasensya sa naging abala kaya umalis na kami ni Mary pagkatapos.

Habang nag lalakad kami pabalik sa department ay naramdaman kong may gustong sabihin si Mary kaya tumigil ako sa paglalakad at hinarap sya.

"Oh? What do you want to say?" I told her that napayuko sya noong una ngunit nagsalita na din pagkalipas ng ilang segundo.

"Thank you mam, Im sorry for the mess also promise pagbubutihin ko na po" tumingin sya sa akin but I just raised my eyebrows at her.

"Fine, let's get back to work" masungit na sabi ko.

Madami kaming trabaho na ginawa ng araw na iyon, I gave the interns some easy works to make them get familiarize here ,minsan sumasama sila sa ibang planner kapag nagche check sa warehouse or production ,while me ganoon din I responded from a lot of emails na sinend sakin since yesterday nagkaroon ako ng dalawang meetings that day regarding on the delayed shipments from japan and china.

Pagod akong sumandal sa swivel chair ko noong araw na iyon."haggard na ko girl my gosh " sabi ni Rica na nasa gilid ko at may hawak na kape ang dami din nyang ginawa kanina.

"Me too feeling ko binawian ako sa leave kahapon "pag sang ayon ko sa kanya habang minamasahe ang balikat ko.

Natawa din sya at sumandal sa sariling upuan "bakit ba tayo pinapahirapan ng ganito nagtataka ako sa sunod sunod na delay sa delivery ng local girl ,sino ba may problema tingin mo?" Napaisip din ako sa sinabi nya na iyon.

"We need to set a meeting tomorrow sa mga planners regarding that, baka kasi mamaya sumugod na nman sila Mr. Araki dito kung hindi pa tayo gagawa ng report" sabi ko kay rica at napatango lang sya.

"Yeah we should do that, puno na din ang white board natin ng reports at pending cases eh magwawala na yan sila kung hindi pa natin masolusyunan ito" napailing ako sa sinabing iyon ni Rica tama sya doon.

Nag isip ako ng pwedeng solution ng magsalita si Rica ulit napaka daldal talaga nito. "I heared sinugod mo ang QC dept. Ha balita na naman sa buong building " sabi nya sa akin habang pinipigilan matawa.

"Yeah I did, mali naman kasi ang ginawa nung isang staff nila like hello?intern nga sya pero hindi nyo under bakit mo uutusan?" Naba badtrip tlaga ako sa mga taong akala mo kung sino umasta.

Binato ako ni Rica ng chocnut na hawak nya "well andyan ka naman para ituwid ang mga baluktot nilang katwiran eh, hot topic ka sa lahat ng department girl" napa irap ako pero kinain pa din yung binigay nya.

"Dati na kong hot topic dito insecure sila sakin kaya kung makapag chismisan wagas hindi na lang intindihin ang buhay nila hmp." Sabi ko kay Rica habang nginunguya ang chocnut.

"Bakit hindi ma insecure sayo, Ilang beses kang inalok sa mataas na posisyon pero ilang beses mo ding tinanggihan ,girl lahat ng department memorize mo ang galawan kulang na lang ikaw ang magmana nitong company eh "napabuntong hininga ako sa sinabi ni Rica.

Totoo ang sinabi nya na iyon I always turned down the offer for a higher position, I think d ko pa deserve that's why I am still stuck here...Or maybe Im just scared.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status