Makalipas ang ilang linggo ay malaki na ang tyan ko. Medyo nahihirapan na rin akong kumilos dahil pakiramdam ko ay malaking sanggol ang nasa loob ng tyan ko. "Eliha, wala ka bang gustong kainin? O pagmasdan?" Kein asked. "Wala,""Ang sungit mo ha!""Naiirita lang ako!!!""At bakit?!""Ang bigat ng tyan ko. Pero hoy! Alam mo ba? Ang gusto kong pangalan niya ay Keha kapag babae at kapag lalaki naman ay-""Keho?!" natatawang tanong niya.Hinampas ko siya sa braso. "Hindi! Kapag lalaki ay Kayan.""Ayaw mo sa Keina at Keino? Biro lang!""Mukhang masaya kayong dalawa, ah? Mamaya ay magkakaroon tayo ng bisita," sabat ni Keg."Sino, ama?""Ipapatawag ko na lang kayo." Naglaho siya. "Kailangan ba na humarap ako sa bisita?" nagtatakang tanong ko."Sa palagay ko ay depende sa sasabihin ni ama."Yumuko na lang ako. "Wala ka bang gustong puntahan?""Tinatamad akong kumilos, Kein.""'Yun nga ang nakikita ko. Sa palagay ko ay mas may iba ka pang gusto, sino kaya?" "Anong sino? Wala 'no.""Sigur
Iminulat ko ang mga mata ko dahil naramdaman kong sumipa si baby. Umupo muna ako sa kama pero mayroon akong napansin sa bintana. May nilalang kaya roon na sumisilip sa akin?Lumapit ako sa bintana. Laking gulat ko dahil bumungad sa akin si Keegan na may dalang 'di ko alam na pangalan ng prutas. "A-ano bang ginagawa mo rito?!""P'wede ba na makasama kita kahit ngayong gabi lang?" pakiusap niya. "Ano bang sinasabi mo?! Gagawin mo ba akong kabit?""H-hindi sa gano'n-""Gano'n 'yun, Keegan! Sana naman ay isipin mo ang mararamdaman ng asawa mo at ang nararamdaman ko ngayon!""H-hindi ako aalis rito, gusto ko na makasama ka at ang ating magiging anak.""Ayaw ko.""Gusto ko.""Wala akong pakialam sa gusto mo.""Pero, Keegan! Hindi ikaw ang masusunod."Hindi siya sumagot. Bagkus niyakap niya ako nang mahigpit. Napapikit ako dahil 'yun ang gusto kong gawin niya pero hindi naman ako selfish.Itinulak ko siya. "Kung gusto mo akong makasama ay huwag kang tatabi sa kama ko. Matulog ka sa baba at
Ang taong nakita ko na napatay ko dati na leader yata ng gangster group na inabangan kami ay walang iba kundi si Keegan.Kaya ba nakatadhana na magkita kami para makahingi rin ako ng tawad sa kanya sa kasalanan ko noon? Na kung tutuusin ay hindi ko naman talaga sinasadya. Na na-provoke lang ako at ang mga kasamahan ko na lumaban. Pero kasalanan pa rin ang pumatay ng tao. Nasa kwarto ako ngayon, nagkukulong. Sumipa ang baby sa tyan ko, nararamdaman niya siguro na sobrang lungkot ko. Anak, pasensya na kung noong tao pa kami ng papa Keegan mo, aksidente ko siyang napatay. Sobra akong nakokonsensya dahil iniisip ko palagi na baka marami pang gustong gawin sa buhay niya 'yong napatay ko. Pero kasi, ang yayabang nila, ano ba naman ang laban naming mga babae. Hindi rin naman namin akalain na makakapatay talaga kami. Walang araw na hindi ako hinabol ng konsensya ko dahil kasalanan sa Diyos ang nagawa ko.So, si Keegan ay na-reborn bilang bampira. Hindi ko talaga inaasahan na magtatagpo p
**"Keha! Anak!"Kanina ko pa hinahanap ang anak ko. "Mama!" masayang sigaw ng aking prinsesa mula sa likod ko. Pagharap ko, nakita ko siya with Keegan. Dalaga na kaagad ang anak ko. Ang bilis niyang lumaki. Ganu'n talaga kapag bampira. Nahirapan ako sa panganganak sa kanya noon, pero masasabi kong worth it."Mama! Alam mo ba, nagpaunahan kami ni papa na tumakbo papunta sa lugar na may nyebe!""Talaga, anak? Sobrang saya mo 'no?""Yes mama! Sobra! Sa susunod, gusto ko na kasama ka na namin ni papa."Ngumiti lang ako sa kanya. Matagal na kaming hindi nag-uusap ni Keegan. Pero kapag kasama si Keha, kahit papaano ay nag-uusap kami. Biglang um-appear si Kein sa harapan naming tatlo. "Kein!" masayang tawag ni Keha kay Kein. Kumaway si Kein kay Keha at binigyan niya ng malaking ngiti ang aking anak."Eliha, ang aking am-" hindi natuloy ni Kein ang sasabihin niya.Sumulpot si king Keg sa harapan namin. Ngumisi siya sa amin. Tinitigan niya ng mabuti ang aking anak.Tumitig si Kein sa a
Kasalukuyan akong nasa terrace."Hi."Napalingon ako kay Keegan. "Ikaw pala. Kumusta ka na? Alam kong hindi naging madali ang pagluluksa mo para kay Eliha."Nagulat ako nang bigla niya akong yakapin. 'Yung yakap na sobrang higpit. "Matagal kang naging mabuti sa akin, Keegan. Kaya nandito lang ako para makinig sa 'yo.""Walang katumbas na salita kapag ika'y yakap ko, Eliha." Hinimas niya ang buhok ko. "Maraming salamat."Huminga lamang ako ng malalim. Humiwalay ako kay Keegan. "Keegan, mayroon akong sasabihin. Alam kong hindi ka maniniwala at hindi mo maiintindihan pero... gusto ko pa ring sabihin sa 'yo."Hinawakan niya ang kanan kong pisnge. "Handa pa rin akong makinig. Habambuhay akong makikinig sa 'yo."Mariin ko siyang tinitigan, "Keegan, patawarin mo ako sa nagawa ko noon. Mahirap man na sabihin 'to at paniwalaan, naging tao ka noon."Ikinuwento ko ang lahat kay Keegan. Simula sa pag-aabang nila sa amin ng members niya. At ang malala na naging laban namin."Hindi rin pala magan
Eliha's POV:Habang nagtatrabaho ako as virtual assistant ay bigla akong hinila ng taong kinaiinisan ko. Dinala niya ako sa aking kulungan.Hindi ako bilanggo pero ganito ang aking buhay. "Tumakas ka raw kahapon?! Ano ang karapatan mo?""Oo dahil gusto kong maging masaya at maging malaya pero pinagkait mo 'yun!"Kaagad siyang pumasok sa kulungan ko sabay sinampal ako. Ang sakit ng sampal niya kaya naman dumugo ang bibig ko. Nilagyan niya ng posas ang mga kamay ko. At nilagyan ng tali ang mga paa ko. "Hanggang kailan mo ba ako ikukulong?" Nagwawala na tanong ko. Tumawa siya nang tumawa, "Habambuhay! Dahil hindi ka makakatakas sa akin!""Hindi naman ako katulad ng taong iniwan ka! I already graduated and got a job pero ayaw mo pa rin akong palayain! Ang gusto ko lang naman ay magkaroon ng sariling buhay at sariling pamilya kasama ang taong mamahalin ko!""Mahal na mahal kita! Hindi p'wede na mawala ka sa akin." Sinabunutan niya ako sabay binuhusan niya ako ng yelo. Tumitig ako nang
Eliha's POV:Nagulat ako dahil may biglang humila sa mga paa ko. Nang imulat ko ang mga mata ko ay nakita ko siya."Bitawan mo ako, Dad!""Manahimik ka! Akala mo ba ay hindi kita mahahanap dito?"Hindi na lang ako sumagot. Habang hinihila niya ang mga paa ko ay natatamaan ang likod ko kaya sobrang sakit. Gusto kong umiyak pero never niyang makikita na may tumutulong luha sa mga mata ko. Iintindihin ko siya dahil mayroon siyang disorder. Nakarating kami sa sala. Kinuha ako ng mga tauhan ng aking ama sabay itinali ako sa upuan. "D'yan ka lang, Eliha. Mayroon lang akong aasikasuhin sa aking business." Naglakad si Dad papalayo kasama ang kanyang mga tauhan. Hindi ko alam pero sobra akong nasasaktan. Mas nakaka-heart-broken pala kapag ang mismong tatay ang nanakit sa anak . I never forget you, Dad. Pero medyo nabawasan ang galit ko sa 'yo dahil sa mayroon kang sakit.Nagulat ako nang makita ko si Tita na dahan-dahan na lumalapit sa akin. "Akala ko ba ay umalis ka na, Tita?!""Bumalik a
Eliha's POV:Nagising ako dahil sa sobrang init at sa pawis ko na tumutulo. Napangiti akong umupo sa kama dahil alam kong nasa bahay na ako. Pero nagulat ako dahil nasa isang madilim na kwarto ako habang nakaupo sa malaking kama. Tanging kandila lang ang nagbibigay ng liwanag. Ganito 'yung.."Aking mahal, gising ka na pala," bulong ng isang lalaki sa likod ko. Kinilabutan ako dahil narinig ko na ang boses niya. Dahan-dahan akong lumingon. Pagkalingon ko ay nakita ko ang.. ang lalaking pinakasalan ko. Grabe, kasing pula ng kanyang mga mata ang kanyang labi. At magulo ang kanyang buhok. Bigla siyang ngumiti. Natakot ako dahil ang haba ng pangil niya. "Handa ka na bang idiin ko ang aking pagmamahal sa iyong pagkababae, aking mahal?" A-ano r-raw?Nagulat ako nang bigla niya akong yakapin. Dahan-dahan niyang hinawakan ang aking braso sabay pinisil. Pero hindi ako komportable kaya kaagad ko siyang tinulak. "Stop!" malakas na sigaw ko, "mainit kasi rito! Wala man lang hangin. Wala bang e