Eliha's POV:"Nais na namin ng inyong ama na magkaroon ng apo. Handa na ba kayong mag-asawa?" tanong sa amin ni ina. Nasa isang malaking lamesa kami ngayon. Pinapanuod ko sila habang umiinom ng dugo, medyo awkward para sa akin pero tanggap ko na."Eliha, gusto mo na bang magkaroon tayo ng anak? Kung hindi ka pa handa ay handa naman akong igalang ang iyong desisyon sapagkat para sa akin, ang isang babae ay hindi dapat pinipilit sa ganitong usapin."Keegan, hulog ka ng langit! Bakit ba napakabuti mo?! Kung hindi ko alam na bampira ka ay mapagkakamalan kitang anghel. Pero sa totoo lang ay gusto ko na ring magkaanak dahil sa pangarap ko ang isang buong pamilya. "Gusto kong magkaroon tayo ng anak, Keegan. Hindi ako tatanggi sapagkat kasal na tayo at nais ko rin na maranasan ang maging isang ina."Ngumiti nang malaki si Keegan. Hindi ko alam pero kumikinang talaga ang mga mata niya sa tuwing ngumingiti siya. Naalala ko, bago sabihin ng isang lalaki na kasal na kami ay nakita ko ang mga mat
Eliha's POV: "Eliha, anak,"Nang tumingin ako sa tumawag sa akin ay nakita ko si Dad sa aking harapan. Napangiti ako nang sobra dahil sa wakas ay nakauwi na ako. Pero mayroon sa puso ko na mami-miss ko si Keegan. Sorry, Keegan, sana ay hindi ka malungkot ngayon. At sana ay magkita pa rin tayo sa aking panaginip. "D-Dad!" masayang sigaw ko sabay lumapit ako sa kanya. Hinawakan niya ako sa pisnge sabay may tumulong luha sa mga mata niya. Teka, nagbabago na ba siya? Nakonsensya na ba siya sa ginawa niya sa akin noon?"Patawarin mo ako, anak." Niyakap niya ako nang mahigpit. Tuluyan nang tumulo ang aking luha. Humarap ako sa kanya. "Pinapatawad na kita, Dad!""Talaga, anak? Kung gano'n ay pinapalaya na kita." Nagulat ako nang biglang mawala si Dad. Napabalikwas ako sa kama. Nang tingnan ko ang paligid ay wala namang nagbago. Nandito pa rin ako sa kwarto namin ni Keegan.Teka, panaginip lang ba 'yun? Pero paano? Paano ako mananaginip kung nasa isang panaginip ako? O sadyang nag-travell
ELIHA"Isang malaking balakid na nagpakita sa inyo si Deriba. Kailangan na nating maghanda," pangaral ni ina. "Keegan, nais kong magsanay kayo ngayong araw upang mas mapabilis ang ating paghahanda," hikayat ni ama. "Masusunod, ama at ina. Pero maaari bang tatlo lang kami? Hindi ko kasi batid kung nais bang magsanay nila Karagon, Manaron at Eli." Sagot ni Keegan sabay lumapit sa akin."Maaari naman ang iyong nais. Hindi rin kasi tayo sigurado kung sa atin ba susuporta ang inyong mga pinsan," pagwawari ni ina. "Ano ang inyong pinag-uusapan? Maaari ba akong makinig?" Eli asked. Umirap bigla si ina kaya natawa ako. "Umupo ka, Eli," tugon ni ama. Tumingin sa akin si Eli sabay kumindat. Nainis ako nang bigla siyang umupo sa pagitan namin ni Keegan. Pero pagpapasensyahan ko siya. "Gusto mo bang magsanay kasama nila Keegan, Eliha at Pluma?" tanong ni ama kay Eli. "Bakit naman hindi? Masaya ako na makasama sila sapagkat kasama ko si Keegan.. at syempre ang aking pinsan na si Eliha!" masa
ELIHA Nang imulat ko ang mga mata ko ay katabi ko si Keegan habang tulog. Nang tumingin ako sa bintana ay nakita ko si Pluma na nakasilip. Kaagad kong binuksan ang bintana. "Ano ang ginagawa mo rito?"Gumalaw lamang ang buntot niya. "Hintayin mo ako." Dumiretso ako sa banyo para maligo at para magbihis.Nang matapos ako ay nandoon pa rin si Pluma habang naghihintay sa akin. Tumalon ako sa bintana, nagulat ako nang bigla niya akong saluhin. "Jogging tayo!" masayang sabi ko. Gumalaw lang ang buntot niya habang sumusunod sa akin. Hindi ko alam pero.. sobrang gaan ng loob ko kay Pluma. At mayroong kakaiba sa kanya na kailangan ko ring malaman dahil sa mayroon siyang alam sa aking kasalukuyan. Pero hindi ko muna aasikasuhin ang sikrero niya dahil masaya ako sa tuwing kasama ko siya."Malalaman ba ni Keegan na kasama kita ngayon kapag nagising siya?"Muli niyang iginalaw ang kanyang buntot. Tumango lang ako. Habang nagjo-jogging ako ay sobrang sarap ng pakiramdam ko. Nakarating kami u
ELIHA"Eliha, bakit wala ka pang anak? Wala bang gana sa 'yo si Keegan? O hindi mo siya mabigyan ng anak? Mahina kang nilalang kahit na makapangyarihan ka." Sabi ni Eli habang nagsisindi ng kandila. Dahan-dahan kong hinawakan ang pisnge niya. She smiled and smirked at me. Sinampal ko siya nang malakas. "Kailan ka pa nagkaroon ng permiso para pasukin ang buhay namin ni Keegan? Ang pagkakaroon ng anak at hindi muna pagkakaroon ng anak ay dapat walang diskriminasyon. Ano bang alam mo? Isa ka lang namang hamak na basura sa paningin ko.""Alam mo?! Parang hindi ikaw 'yung Eliha na kilala ko. Hindi ka palaban!""Ibahin mo ako ngayon, Eli. Huwag kang papansin dahil hindi ka naman kapansin-pansin."Bumalik ako sa lamesa kung nasaan si Keegan pati sila ina at ama. Umiinom sila ng dugo.Inantay kong matapos si Keegan sa pag-inom. I also served blood for his parents."Keegan, gusto mo bang matuto ng martial arts? Naalala mo? 'Yung sinabi ko sa 'yo no'ng nakaraan!" hikayat ko habang yakap ang ka
ELIHAMasaya akong bumangon mula sa kama. Pero kumunot ang noo ko nang may makapa akong ibang katawan. Nang tingnan ko kung sino ay si Eli. Nasa gitna namin siya ni Keegan. Hindi ko napigilan ang aking emosyon. Kaagad kong hinila si Eli at ibinalibag ko. Masama siyang tumingin sa akin. Ngunit si Keegan ay hindi man lang nagising. "Anong klaseng mahika ang ginamit mo kay Keegan?!""Hulaan mo." Tumayo siya habang inaasar ako gamit ang mga mata niya. Inilahad ko ang dalawa kong kamay kaya mayroong lumabas na apoy. Gulat na gulat si Eli. "E-Eliha, h-hindi ko naman sinasadya na gamitan ng pampatulog si Keegan. Teka, gigisingin ko na siya."Mayroong ginawa si Eli. Mabilis namang nagising si Keegan. "Eliha, bakit hindi pa rin nawawala ang apoy sa dalawang kamay mo?" natatakot na tanong ni Eli. "Eliha, delikado ang apoy sa akin. Ano bang nangyari?" pagtataka ni Keegan. "Ang babaeng 'yan! Ginamitan ka ng mahika para matagal kang magising at tumabi pa sa pagitan natin habang tayo ay tulo
ELIHA"Kung sa mundo ng mga tao, ang masasama ay napupunta sa impiyerno. Ano sa tingin niyo ang mundo natin? Tinatapunan ba ng mga masasama o mabuti?" kuro ni ina. Napakaganda niya talaga, hindi halatang matanda na. Sabagay, likas naman sa mga bampira ang pagiging immortal.Ako, si Keegan at si ama ay nakaupo sa couch habang nakikinig kay ina. Sa katunayan ay kanina pa siya nag-di-discuss about sa mundong ito pero wala akong maintindihan. Iniisip ko kasi si Eli dahil dalawang araw na rin na hindi siya bumabalik. Oo, aminado akong mali ang ginawa ko kahit na kasalanan naman niya kaya ako nagalit. "Gusto mo bang pumunta ulit tayo sa lugar na may niyebe?" bulong ni Keegan. "Pero may sinasabi pa si ina, Keegan."Ngumiti lang siya sa akin at kumindat. Nakita ko na lang na nasa lugar na kami na mayroong snow. Napahawak ako nang mahigpit kay Keegan nang may marinig akong alulong. "Hindi ko pala nasabi sa 'yo mahal na malapit ang lugar na ito sa mansyon ng mga taong lobo. Siguro kaya mayr
KEEGANNagagalak ang aking ina at ama nang makita nila si Hopa. Si Hopa ay ang aming buhay ngunit mahal niya si Deriba kaya mas pinili niya ito. Winawasak ang puso ko ngayon sapagkat hindi ko kasama si Eliha. Ngunit nang dahil sa ang kanyang ina na ang nagdesisyon ay wala akong magagawa. Matagal ko nang iniisip ang mukha ni Eliha. Pakiramdam ko ay nakita ko na siya noon pa lang. Unang kita ko pa lang sa kanya noong nililigawan ko siya ay sigurado na ako na nakita ko siya noon pero wala akong maalala. "Ikinasal ka na pala kay Eliha, masaya ako para sa iyo, Keegan." Niyakap ako ng aking kapatid. "Mahal kita, Hopa. Sana ay mapatawad mo ak-""Keegan, napakabuti mong kapatid. Kailan man ay hindi ako magtatanim ng sama ng loob sa 'yo. Ang tanging itatanim ko lang ay ang mga alaala natin. Keegan, hindi ko kaya na mapalayo kay Deriba kahit na gano'n siya sa akin.""Hopa, batid mo na tutol ako sa inyong relasyon pero kung saan ka sasaya ay susuportahan kita.""Salamat, wala ka bang balak na