Share

Kabanata Setenta y uno

GUMUHIT ANG SAKIT sa katawan ni Marcus matapos bumulagta sa kalsada. Humampas ang ulo niya sa semento at saglit na nahilo. Matapos ay napansin na lang niyang nakahiga na sa ibabaw niya si Kurt na walang-malay.

Natigilan pa siya ng ilang segundo dahil akala niya'y katapusan na niya ‘yun. Na ang umalingawngaw na putok ng baril ay nagmula kay Kurt. Ngunit hindi…nagmula ito sa isang naka-unipormeng pulis.

Unti-unti itong lumalapit sa kanila. May kung anong sinasabi ngunit hindi naman maunawaan ni Marcus. Binalik niyang muli ang atensyon kay Kurt saka ito marahang tinulak sa tabi, paalis sa ibabaw niya.

Muli ay nagsalita ang pulis habang nakatutok ang baril sa walang-malay na si Kurt. Inilayo ni Marcus ang nakatutok na baril saka inalam ang naging tama ni Kurt.

Napuruhan ito eksakto sa likod. “Call an ambulance!” utos niya sa pulis habang binibigyang diin ang tama ni Kurt sa likod. Kailangan na mahinto ang pag-agos ng dugo bago pa maging huli ang lahat.

Naguluhan naman ang pulis kaya siya n
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status