Share

Chapter 12 - New Job

Pagtunog sa aking telepono ang gumising sa mahimbing na tulog ko. Sa mga nakapikit na mata ko ay pilit ko na inabot iyon mula sa lamesa sa gilid ng aking kama. Mabagal ang kilos ko dahil pakiramdam ko ay sobrang aga pa para may tumawag sa akin.

"Hello." antok na antok na sagot ko sa tawag.

"Tamara." Bigla ako na napadilat at namilog agad ang mga mata ko nang marinig ang malakas na boses na iyon sa kabilang linya. "Mukhang tulog na tulog ka pa ha. Sobrang sarap na ba ng buhay mo ngayon at prenteng-prente ka na lamang diyan sa mansyon ninyo? Prinsesa na ba ang pamumuhay mo ngayon kaya hindi ka na nakakaalala? Baka nakakalimutan mo na may responsibilidad ka pa sa pamilya na ito. Pinapaalala ko lang sa'yo na kahit kasal ka na at may asawa ka na ay parte pa rin kami ng buhay mo."

"Ano ang kailangan mo, Chad? Ang aga-aga nagsisimula ka na naman.”"

"Ano pa ba sa tingin mo ang dahilan sa pagtawag ko sa'yo? Ubos na ang huling naipadala mo at kailangan na dagdagan mo at dalasan ang pagpapada
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status