Share

Chapter 14.1 - First Day Low? cont.

"Saan ka nanggaling, Tamara, at hindi mo man lamang naisipan na mag-text o mag-iwan ng mensahe kay Diane?"

Kung inaakala ko na nakaligtas na ako sa sermon ng asawa ko ay nagkakamali ako. Habang nagmamaneho siya pauwi ay ito na nga at nagsimula na naman ang kan’yang machine gun na pagratrat sa akin.

"Paulit-ulit tayo, Mikel. Hindi ba at nabanggit ko na kanina, nasabi na rin ni Diane, kumain lamang kami ng tanghalian sa katabing building ni Wyatt."

"Sinabihan ko si Diane na bumili ng pagkain natin dahil inaasahan ko na sabay tayo na kakain. And guess what? Pagbalik ko sa opisina ay walang asawa na naghihintay sa akin. And you know what else? Kumain ako na mag-isa dahil ang asawa ko na dapat ay kasabay ko ay mas pinili na sumabay sa iba."

Nakokonsensya rin ako lalo na at nalaman ko buhat kay Diane na kaya rin nagalit si Mikel ay dahil inaasahan niya na sabay kami na magtatanghalian. Pero hindi ko naman alam ang balak niya, at isa pa ay nagutom na ako.

"I said I’m sorry. Hindi ko nama
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status