Share

Kabanata 13

Paggising ni Caspian kinabukasan ay naamoy niya na ang mabangong pagkain na nagmumula na naman sa kusina. Nung una ay nagtaka pa siya dahil wala namang magluluto sa bahay niya pero naalala niyang may kasama nga pala siya at si Davina yun. Nasanay kasi siya na walang magluluto ng kakainin niya, siya ang palaging nagluluto para sa sarili niya at kung tinamad naman siya ay umoorder na lang siya.

Habang palapit siya nang palapit ay mas lalong naaamoy ang bango ng pagkain sa kusina. Ilang taon na nga ba siyang namumuhay ng mag-isa at walang kasama sa bahay? Hindi niya na matandaan, ngayon niya na lang uli naranasan ng maaabutan niya na ang hapag kainan na may nakahanda na at ngayon na lang uli na may magluluto para sa kaniya.

Pumasok na siya sa kusina at kita niya naman na si Davina na nakatalikod sa kaniya at may suot na apron habang nakaharap sa gas stove. Nakatitig lang siya sa dalaga at pinapanuod ang bawat kilos nito. Napaayos na lang ng tayo si Caspian ng mapansin na siya ni Davina.

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Nerissa Mendoza
ganda tlaga
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status