Share

Kabanata 14.1

Halos hindi ako nakatulog ng maayos kagabi dahil sa kaiisip sa Mommy ni Sir Aiden. Ganun ba talaga siya? kinikilabutan ako, para bang kaya niyang gawin ang lahat, kaya niyang sirain ang lahat.

Naipilig ko na lang ang ulo ko, baka masyado na naman lang akong nag-iisip. Baka may pinuntahan lang siya malapit dito at sakto naman na nakita niya ang sasakyan ng anak niya. Bumangon na ako sa kama ko para makapagluto, sa loob ng maraming taon ay nasanay ako sa schedule ko pero ngayon hindi ako sanay na walang gagawin pagsapit ng umaga lalo na kung duty ko ng gabi. Hihintayin ko pa ang tawag sa’kin ng Boss ko.

Mamayang gabi pa rin ang sinasabi niyang pupuntahan naming dalawa, nakakabagot naman. Maghihintay ako maghapon dito? Hindi rin naman ako puyat para matulog maghapon.

Napalingon ako sa labas ng marinig ko ang pagdoorbel. Sino naman kaya ito? Imposible namang si Aling Ana dahil bihira lang yun pumunta rito lalo na kung nakuha niya na ang renta. Lumabas na ako para tingnan kung sino itong a
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status