Hilaw na tumawa si Mia saka napailing, hinarap niya ng maayos si Aiden. Mababasa mo na ang lungkot sa mga mata niya pero ayaw niyang paniwalaan lahat.“Enough, will you? Please Aiden, I want to live peacefully. Tama na, huwag mo na akong pahirapan pa. Gulong gulo na ako at huwag mo ng dagdagan pa.” napakunot ng noo si Aiden dahil naguguluhan siya sa sinasabi ni Mia. Nagpunta siya rito para aminin ang nararamdaman niya para sa dalaga. Sa maliit na panahon na nagkasama sila, maraming nagagawa si Mia na hindi pa nagagawa ng iba kay Aiden.“I don’t understand,” aniya.“Ano ba ang hindi mo maintindihan? Nahihirapan na ako Aiden, sinabi mo ng tama na, ihinto na natin but why are you here? What are you doing here? Umaasa na naman ako, umaasa na sana totoo na lang lahat ng ipinapakita at ipinaparamdam mo sa’kin.” Umiiyak niya ng saad, masakit pa rin, bakit ba ganito kasakit, akala mo nakikipaghiwalay ka sa taong mahal na mahal mo pero hindi kayo pwede. Mapait siyang ngumiti saka niya pinalis
“Why would I? Napakaganda ng panahon Aiden at natatakot akong pagdating ng araw kamuhian ko ang dagat, kamuhian ko ang ganitong lugar.” Makahulugan niyang aniya, hindi nakasagot si Aiden at nakatingin lang din siya sa lawak ng karagatan at ilang mga turistang naglalakad sa dalampasigan.“Please stay Mia, stay no matter what happened. Stay with me kahit masakit.” nakikiusap niyang saad, gusto niyang manatili, gustong gusto niya, gusto niyang makasama si Aiden pero paano? Saan siya kukuha ng lakas ng loob para lumaban kung ito lang siya, ganito lang ang buhay niya at walang maipagmamalaki. Paano niya ipaglalaban ang taong gusto niya kung maraming hadlang sa paligid nila? “Maging sapat sanang dahilan mo ang pagmamahal mo sa’kin para manatili ka. Maging sapat nawa ako Mia.” Dagdag pa niya, tipid na ngumiti si Mia at dahan-dahang tumango.Bakit hindi niya subukan? Hindi naman nila malalaman kung hindi nila susubukan. Kung mahirap man, kakayanin naman nila yun kung sabay silang lumalaban, k
Nakabalik na sila ng Manila at hindi mawala ang ngiti sa labi ni Mia. Para bang isang panaginip, napakagandang panaginip. May pangamba man sa puso niya ay hindi niya na iyun masyadong iniisip pa saka na lang niya iisipin siguro kapag may nangyari na, kapag nagiging komplikado ang lahat dahil sa paligid niya, dahil sa pagmamahal na walang kasiguraduhan.Maagang nagising si Mia, kanina pa siya gising pero nananatili pa siyang nakahiga. Pagkarating nila kagabi ay dito na siya inihatid ni Aiden sa penthouse. Ginabi na sila kahapon dahil iyun ang kagustuhan ni Aiden, ang manatili pa sa lugar na yun, tila ba naging magical place iyun para kay Mia. "Ano? Kumusta naman ang bakasyon? Panigurado marami kang nakilalang boys dun." tinusok tusok pa ni Stella ang tagiliran ni Mia. Marami nga siyang nakita pero isa lang ang tumatak sa mata at isipan niya. Napabuntong hininga si Mia, paano ba niya sasabihin sa kaibigan na hindi siya nagtagumpay sa plano niya? "May nangyari ba?" nag-aalala ng tanong
“I can’t help it, nakakainggit ang skin mo, napakaperfect. And I also want to remember every part of your face, ayaw kong kalimutan kahit na kaunting details.” Hindi naiwasan ni Aiden na hindi kiligin kaya napalingon siya kay Mia na nakapangalumbaba pa habang nakatitig sa kaniya. Napasimangot na lang si Mia nang pisilin ni Aiden ang ilong niya.“Ouch,” daing pa niya.“You’re so gorgeous, Mia. Why didn't I meet you earlier? Bakit lang kita nakita?”“Siguro dahil hindi pa tamang oras? Siguro dahil may dahilan ang lahat?” patanong pa niyang aniya, hinarap ng maayos ni Aiden si Mia saka niya ikinawit ang mga tumakas na buhok sa likod ng tenga ni Mia.“Should I thank your ex? That he wasted a woman like you? Should I thank that you’re drunk that night? Dahil kung hindi nangyari ang lahat ng yun, wala ka sa tabi ko ngayon.” Nakagat ni Mia ang pang-ibaba niyang labi, hindi na maalis ang pagkakangiti niya. Tama naman si Aiden, paano nga ba kung hindi sila naghiwalay ni Jaxson? Kung hindi siya
Hindi mapakali si Mia sa paghahanap nang isusuot niya ngayong gabi, gusto niyang paghandaan ang lahat. Gusto niyang maging maganda ngayong gabi.“Mauubos na lang din iyang laman ng closet mo wala ka pang napipili.” Naboboring na wika ni Stella habang pinapanuod ang kaibigan na walang ginawa kundi ang ihagis ang mga damit niya sa kama kapag hindi niya nagustuhan. Napasimangot na lang si Mia.“Wala kasi akong mapili, ano bang dapat kong isuot?” nilingon niya na ang kaibigan na kanina pa nakaupo sa kama niya.“Kung saan ka komportable, kung paano ka manamit. You don’t need to look like an elegant Mia, kung ano ba talaga ang gusto ng puso mo iyun ang sundin mo. Nakakalabas naman kayo ni Sir Aiden ng hindi ka nahihirapan sa paghahanap nang isusuot mo diba? Be yourself, yun lang ang kailangan mo.” napangiti naman si Mia, bakit pa nga ba niya pahihirapan ang sarili niya sa paghahanap ng damit kung ni minsan ay hindi naman nagreklamo si Aiden sa paraan ng pananamit niya.Inayos niya na ang m
Pareho na silang nakatingin ngayon sa kalawakan, maraming bituin ang nagkalat at masaya nila iyung tinititigan. Pareho silang nakahiga sa gilid ng veranda ng penthouse.“I want to stop the time, spin of the world para mas makasama pa kita ng matagal sa bawat araw.” Anas ni Aiden, nilingon ni Mia si Aiden na nasa kalangitan pa rin ang tingin. Paanong nangyaring ang lalaking tinitingala ng lahat ay ganito pala ang buhay? Tila napapaligiran ng kadiliman.Inihilig ni Mia ang ulo niya sa dibdib ni Aiden.“Hindi mo kailangang hilingin na ihinto ang oras dahil sa bawat paglipas ng araw ako ang kasama mo. Ako ang magiging ilaw mo sa madilim mong mundo.” Matamis na napangiti si Aiden saka niya mahigpit na niyakap si Mia. Tila isang kuryenteng dumaloy sa katawan ni Mia nang dumampi ang labi ni Aiden sa ulo niya. Isang simbolong nirerespeto ka ng isang taong mahalaga sayo.“Thank you for coming into my life, Love. Wala na akong ibang hihilingin maliban sa huwag mo akong iiwan. Natatakot ako na m
Muling napabuntong hininga si Mia, hindi maalis sa isipan niya ang sinabi ni Mrs. Hernandez. Hindi niya maisip kung ano bang nagawa niyang mali para kaayawan siya ng ginang. Is it because of money? Dahil ba sa wala siyang maipagmamalaki kundi ang pagmamahal niya sa anak nito?Naupo siya sa sofa, naging masaya ang gabi at ang buong magdamag niya pero nasira lang ang mga iyun sa isang saglit lang.“Am I really not enough?” tanong pa niya sa sarili niya. Ano nga bang dapat niyang gawin para magustuhan siya ni Mrs. Hernandez? Gusto niya lang namang magmahal at mahalin siya, bumuo ng sariling pamilya kahit simple lang ang buhay. Hindi niya naman minahal ang binata dahil lang sa pera nito o sa katayuan niya sa buhay.“What do I need to do?” inihilig niya ang leeg sa sofa at tinitigan ang kisame. Gusto niya talagang maging sapat para sa pamilya ni Aiden. Gusto niyang patunayan ang sarili niya pero sa anong paraan? Wala naman siyang kahit anong kayamanan na ipagmamalaki.“Babe?” mabilis na na
“Ano ka ba? Anong gagawin ko dun? Saka mas kailangan ako dito. Gawin mo ang kailangan mong gawin dun at ako naman dito, okay?” aniya, wala naman ng nagawa si Aiden. Mas mabuti na nga rin siguro yun para makapagfocus siya dahil baka habang nandun siya tapos kasama niya si Mia ay palagi na lang siyang nagmamadaling tapusin ang dapat niyang gawin.Nanatili pa ng ilang minuto si Mia sa opisina ni Aiden pero hindi kalaunan ay nagpaalam na rin siya. Kahit Boss niya na ang nagsasabi na manatili siya sa opisina nito ay ayaw pa rin niya lalo na at alam naman ng lahat ang relasyon nilang dalawa. Ayaw niyang itake advantage yun.“Mia, ipinapatawag ka sa room 4037. Ikaw daw ang kailangan.” Wika sa kaniya ni Annie.“Sige papunta na.” aniya saka muling bumalik sa elevator para makapunta ng room 4037. Kumatok lang siya ng ilang beses saka binuksan ang pintuan. Sumalubong sa kaniya ang mataray na babae, nakataas pa ang kilay nitong tiningnan ang kabuuan ni Mia.“Come in,” maarte niyang aniya, pumasok