Hindi mapakali si Mia sa paghahanap nang isusuot niya ngayong gabi, gusto niyang paghandaan ang lahat. Gusto niyang maging maganda ngayong gabi.“Mauubos na lang din iyang laman ng closet mo wala ka pang napipili.” Naboboring na wika ni Stella habang pinapanuod ang kaibigan na walang ginawa kundi ang ihagis ang mga damit niya sa kama kapag hindi niya nagustuhan. Napasimangot na lang si Mia.“Wala kasi akong mapili, ano bang dapat kong isuot?” nilingon niya na ang kaibigan na kanina pa nakaupo sa kama niya.“Kung saan ka komportable, kung paano ka manamit. You don’t need to look like an elegant Mia, kung ano ba talaga ang gusto ng puso mo iyun ang sundin mo. Nakakalabas naman kayo ni Sir Aiden ng hindi ka nahihirapan sa paghahanap nang isusuot mo diba? Be yourself, yun lang ang kailangan mo.” napangiti naman si Mia, bakit pa nga ba niya pahihirapan ang sarili niya sa paghahanap ng damit kung ni minsan ay hindi naman nagreklamo si Aiden sa paraan ng pananamit niya.Inayos niya na ang m
Pareho na silang nakatingin ngayon sa kalawakan, maraming bituin ang nagkalat at masaya nila iyung tinititigan. Pareho silang nakahiga sa gilid ng veranda ng penthouse.“I want to stop the time, spin of the world para mas makasama pa kita ng matagal sa bawat araw.” Anas ni Aiden, nilingon ni Mia si Aiden na nasa kalangitan pa rin ang tingin. Paanong nangyaring ang lalaking tinitingala ng lahat ay ganito pala ang buhay? Tila napapaligiran ng kadiliman.Inihilig ni Mia ang ulo niya sa dibdib ni Aiden.“Hindi mo kailangang hilingin na ihinto ang oras dahil sa bawat paglipas ng araw ako ang kasama mo. Ako ang magiging ilaw mo sa madilim mong mundo.” Matamis na napangiti si Aiden saka niya mahigpit na niyakap si Mia. Tila isang kuryenteng dumaloy sa katawan ni Mia nang dumampi ang labi ni Aiden sa ulo niya. Isang simbolong nirerespeto ka ng isang taong mahalaga sayo.“Thank you for coming into my life, Love. Wala na akong ibang hihilingin maliban sa huwag mo akong iiwan. Natatakot ako na m
Muling napabuntong hininga si Mia, hindi maalis sa isipan niya ang sinabi ni Mrs. Hernandez. Hindi niya maisip kung ano bang nagawa niyang mali para kaayawan siya ng ginang. Is it because of money? Dahil ba sa wala siyang maipagmamalaki kundi ang pagmamahal niya sa anak nito?Naupo siya sa sofa, naging masaya ang gabi at ang buong magdamag niya pero nasira lang ang mga iyun sa isang saglit lang.“Am I really not enough?” tanong pa niya sa sarili niya. Ano nga bang dapat niyang gawin para magustuhan siya ni Mrs. Hernandez? Gusto niya lang namang magmahal at mahalin siya, bumuo ng sariling pamilya kahit simple lang ang buhay. Hindi niya naman minahal ang binata dahil lang sa pera nito o sa katayuan niya sa buhay.“What do I need to do?” inihilig niya ang leeg sa sofa at tinitigan ang kisame. Gusto niya talagang maging sapat para sa pamilya ni Aiden. Gusto niyang patunayan ang sarili niya pero sa anong paraan? Wala naman siyang kahit anong kayamanan na ipagmamalaki.“Babe?” mabilis na na
“Ano ka ba? Anong gagawin ko dun? Saka mas kailangan ako dito. Gawin mo ang kailangan mong gawin dun at ako naman dito, okay?” aniya, wala naman ng nagawa si Aiden. Mas mabuti na nga rin siguro yun para makapagfocus siya dahil baka habang nandun siya tapos kasama niya si Mia ay palagi na lang siyang nagmamadaling tapusin ang dapat niyang gawin.Nanatili pa ng ilang minuto si Mia sa opisina ni Aiden pero hindi kalaunan ay nagpaalam na rin siya. Kahit Boss niya na ang nagsasabi na manatili siya sa opisina nito ay ayaw pa rin niya lalo na at alam naman ng lahat ang relasyon nilang dalawa. Ayaw niyang itake advantage yun.“Mia, ipinapatawag ka sa room 4037. Ikaw daw ang kailangan.” Wika sa kaniya ni Annie.“Sige papunta na.” aniya saka muling bumalik sa elevator para makapunta ng room 4037. Kumatok lang siya ng ilang beses saka binuksan ang pintuan. Sumalubong sa kaniya ang mataray na babae, nakataas pa ang kilay nitong tiningnan ang kabuuan ni Mia.“Come in,” maarte niyang aniya, pumasok
Matapos ng duty nila ay lumabas na muna ng hotel si Mia. Wala na lang kasi siyang ibang nakikita kundi ang hotel, gigising siya ng umaga na nasa hotel na siya at matutulog ng gabi na nasa hotel pa rin siya.Palubog na ang araw at pinili na lang nila ni Stella na maglakad lakad malapit sa hotel.“Bakit ba kasi ayaw mong sabihin kay Sir Aiden ang ginagawa ng mga guests na yun? Ginagamit nila ang batas para sa kanila para takutin tayo.” Saad ni Stella, naupo naman na muna silang dalawa sa bench na parte pa rin ng hotel.“Hindi dahil may kapit ako kay Aiden ay gagamitin ko na yun, mali pa rin. Kailangan kong itabi ang problema ko sa trabaho sa kung anong problema naming dalawa. Ano na lang iisipin ng ibang guest kapag ako ang kinampihan niya diba? Baka kapag naging issue pa yun ayaw na ng iba na magcheck in dito dahil dun. Baka sabihin pa nila na mali ang pamamalakad ng management ng hotel edi damay-damay tayong lahat. Ayaw ko na lang palakihin ang gulo Stella kaya hangga’t kaya kong pagp
Kinabukasan, abala na silang dalawa sa mga trabaho nila ng pareho pa silang ipinatawag.“Pinapapunta kayo ni Ms. Red sa office niya, ngayon din daw.” Wika ni Kirsten.“Bakit daw?” nagtatakang tanong ni Stella pero nagkibit balikat lang si Kirsten.“Hindi ko rin alam eh, asap daw.” Nagkatinginan pa si Mia at Stella pero lumabas na rin para puntahan si Ms. Red.“Ano kayang kailangan sa’tin ni Ma’am? tingin mo?” tanong ni Stella habang naglalakad sila.“I don’t know baka may ipag-uutos lang?” patanong niyang wika. Nagtungo na silang dalawa sa office ni Ms. Red.“May ipapagawa ka—“ hindi na natapos ni Stella ang sasabihin niya ng makita nila kung sino ang mga nasa loob ng office ni Ms. Cruz. Napalunok pa si Stella dahil dun.“Please have a sit Miss Morales and Miss Aguilar.” Anas ni Miss Cruz, naupo na rin silang dalawa saka tiningnan ang apat na babaeng nakangisi sa kanila kasama ang mga magulang ng mga ito.“Kinilalang pinakamagandang hotel ang hotel ni Mr. Hernandez pero hindi ko akala
Hindi alam ni Mia kung paano ba niya ipapaliwanag ang lahat. Nahihiya tuloy siya dahil nasangkot pa siya sa gulo. Bahagyang nakayuko ang ulo niya at pinaglalaruan ang mga daliri niya habang nakaupo sa sofa ni Aiden.Tahimik lang naman si Aiden saka nagbaba ng malamig na tubig sa lamesa.“I’m sorry,” mahinang wika ni Mia habang nananatiling nakayuko ang ulo niya. Ayaw niya ng nadadamay si Aiden dahil sa kagagagawan niya. Lumapit naman si Aiden sa likod ni Mia saka inalis ang pagkakatali ng magulo niya ng buhok.“You don’t need to say sorry, sila ang dapat magsorry dahil sila ang nanakit sayo. I’m sorry if I’m not there when you need me. Walang sinoman ang pwedeng manakit sayo Mia, they will pay for it.” Malambing na wika ni Aiden habang inaayos ang pagkakatali sa buhok ni Mia.“Ayaw kong masira ang imahe mo Aiden ng dahil lang sa’kin. Hindi pa rin tamang pinagbantaan mo pa ang mga guest mo para lang sa isang empleyado.” Nang matapos na itali ni Aiden ang buhok ni Mia ay umupo siya sa t
Lumipas pa ang mga araw, pumasok na siya sa opisina ni Mrs. Hernandez. Hindi niya alam kung bakit dito siya idinala ngayon gayong may sariling tagapaglinis ang bawat opisina. Kasama niya ang isang babaeng hindi niya kilala.“Ikaw ba ang palaging naglilinis dito?” pambabasag ni Mia sa katahimikan nilang dalawa. Naiilang kasi siyang gumalaw lalo na at hindi sila magkakilala.“Hindi, ngayon lang din ako naglinis dito. Ang alam ko ay nagtake ng leave ang naglilinis dito.” sagot niya, napatango-tango na lang si Mia, nasagot naman na ang katanungan sa isip niya. Naglilinis na siya sa parte ng mga bintana ng magulat siya dahil may bumagsak na isang bagay.Kinakabahan niyang tiningnan ang kasama niyang babaeng nakatingin na ngayon sa isang napakagandang vase.“Anong nangyari?” tanong ni Mia saka nilapitan ang babaeng tila nanginginig naman na sa takot. Tiningnan ni Mia ang bumagsak at basag basag na ito. Siguradong mananagot silang dalawa dito lalo na at opisina ito ni Mrs. Hernandez.“Anong