KAHIT late na si Franki nakatulog kagabi, ay nagawa pa din niyang magising ng maaga pa sa alas siyete. Bumangon siya sa kinahihigaang kama at mabilis na inayos ang mga unan at tinupi ang ginamit na kumot.
Dating gawi, nag stretching exercise siya mga twenty minutes lang siguro. Lumapit siya sa kanyang closet at kumuha ng maluwang na t-shirt at long pants.
Humihikab na pumasok ng banyo ang dalaga para maligo.
Naunang nagising si Argel. Pag dilat niya ng mga mata ang kisame ang una niyang nakita. Masakit ang kanyang ulo, napasobra yata ang inom niya ng alak kagabi.
May naramdaman siyang mabigat na bagay na nasa ibabaw ng kanyang dibdib, napakunot noo siya.
Biglang kinabahan si Argel, nanlalaki ang mga mata. Unang pumasok sa kanyang isip na baka ang kanyang kasambahay ang kanyang katabi. Nasa ilalim ng comforter ang kanyang katabi.
Hindi kaya inakit siya ng kasambahay kagabi?
Tapus dahil sa sobrang kalasingan niya ay nag padala naman siya at hi
TUMANGO si Akie. "Sige na nga kung ayaw mo papilit," ani Akie. "Dude, try mo itong cupcake ni Fancy, masarap.""Kumain na ako ng cookies eh," tanggi ni Argel."Tikman mo lang, baka hanap-hanapin mo kapag nasarapan ka.""Itulad mo naman ako saiyo," sagot ni Argel pero dumampot naman ng isang cupcake."Kung anong ganda niya, ganun din ka sarap ang cupcake niya." Puri ni Aki sa dalaga.Nabulunan si Argel sa kinain na cupcake dahil sa sinabi ng kaibigan, inabot niya ang tasa nito na may kape at uminom. "Nagagandahan ka kay Fancy?""Oo. Nakakaakit ang kagandahan niyang taglay." Napapangiti pa na sagot ni Akie. Hinagilap nito ang tasa na may kape. "Akin na nga 'yang kape ko!"Ibinigay ni Argel sa kaibigan ang tasa na may kape. "Alam mo dude, tingin ko mas malabo pa ang mga mata mo kaysa kay Fancy. Pa check up ka mamaya sa opta." Suhistiyon niya."Malinaw ang mga mata ko, maganda sa paningin ko si Fancy." Deretsahang sagot ni Ak
"NAG paluto ako ng nilagang baka, 'yong paborito ninyo ng mga anak mo." Nakangiting turan ni Mabel.Hindi nakapag salita si Frederico, pinagmamasdan lang nito ang asawa na minamasahe na ang kanyang mga paa.Tumayo na din si Mabel pagkatapos niyang masahiin ang mga paa ng asawa."Sumunod ka na lang sa kusina, ihahanda ko na ang iyong pagkain.""Sabayan mo ako ha," tila pag lalambing ni Frederico sa asawa.Mula kasi ng mag layas ang bunso nilang anak lagi na siyang mag-isa kumain sa hapagkainan. Si Francine ang panganay niyang anak, lagi siyang iniiwasan dahil masama pa din ang loob nito sa kanya sa nagawang niyang pananampal dito. Hindi naman niya iyon sinasadya, pero nagawa na niya hindi na niya mababawi ang sampal na natamo sa kanya ng anak."Sige, hindi pa din naman ako kumakain." Ngiting sagot ni Mabel.Natuwa sa kanyang narinig si Frederico. Ang totoo, namimis na niya na makitang kumpleto ang kanyang pamilya. Pero dahil alam niyang
KAYSA naman mapanis ang laway niya, naisipan ni Franki umidlip na lang habang nasa byahe. Mukhang wala naman balak ang amo niya na sabihin sa kanya kung saan sila pupunta, tahimik lang ito habang nag mamaneho ng kotse.Sunod-sunod na ang ginawa niyang pag hikab, kaya ipinikit na niya ang kanyang mga mata. Saglit lang ay nakatulog ang dalaga sa likuran bahagi ng sasakyan.ISANG - ORAS din na nag byahe si Argel kasama ng kanyang kasambahay, bago marating ang Manila Ninoy Aquino International Airport.Naunang dumating sa Airport ang pamilya ng kababata niya. Mula sa kanyang kotse, tanaw ni Argel ang kababata na bumaba ng kotse kasunod ang kaibigan niyang si Akie. Napakaganda ni Steffie, at ang sexy nito sa suot na fitted blouse na labas ang tiyan, nakasuot din ito ng fitted maong pants. Hindi niya yata nakita ang nobyo ng dalaga, napangiti siya atleast makakausap niya ang kababata ng walang asungot.Hinawakan ni Argel ang pinto ng kotse para sana lumabas, nang m
MARAHAS na napabuga ng hangin si Argel. "Hindi ko kailangan ang pag-aalala mo o kahit na sino.""Pasensiya na po Sir, hindi na po mauulit." Yukong hingi niya ng paumanhin."Dapat lang!" Sagot nito sa mataas na tono. "Baka nakakalimutan mo kung ano ang papel mo dito sa bahay na ito."Ang pagiging kasambahay niya ang tinutukoy nito. Hindi na siya umimik, sa takot na mag salita pa ito ng hindi maganda sa kanya. At dahil nakayuko siya, nakita niya ang isang kamao ng binata na nag durugo."Your hand is bleeding!" Nanlalaki ang mga mata ni Franki sa kanyang nakita, kaya hindi na siya nakapag isip pa ng tama. Agad niyang nilapitan ang binata at nag aalalang hinawakan ang kamay nitong nag durugo. "Kukunin ko lang po ang medicine kit at lilinisin ko ang sugat mo sa kamay!"Marahas na binawi ng binata ang kanyang kamay. "Huwag mo nga akong pakialaman,""Pero Sir, may sugat ka po. Kailangan po nating linisin baka ma infection ka pa." Muli niyang kinuha
NATATANDAAN ni Argel ang kanyang huling halik sa labi, ay sa kanyang naging huling girlfriend na si Dianna Fuentes isang model ng isang sikat na brand clothes sa pilipinas. Pero hindi nag work ang relasyon nila dahil mas mahal ng babae ang career nito kaysa sa pagmamahal sa kanya.Ipinatong niya ang isang bisig sa kanyang noo habang muling inalala ang magandang mukha ng misteryosong babae sa kanyang panaginip. Pakiramdam pa nga niya totoong nangyari ang halik na iyon kagabi, dahil hanggang ngayon ramdam pa din niya ang malambot na mga labi ng misteryosong babae sa kanyang mga labi. Hindi sinasadyang nahawakan niya ang kanyang mga labi, muli siyang napangiti umaasa siyang makita niya ang misteryosong babae sa totoong buhay.Bigla siyang nakaramdam ng kirot sa kanyang isang kamay kaya inusisa niya ito, nakita niyang nakabalot ng benda ang kanyang kamay.Napakunot-noo si Argel, dahil wala siyang maalala na nilinis niya ang kanyang sugat kagabi. Imposible naman na ang
ANG lamig ng tubig at nagustuhan iyon ni Franki. Ito lang pala ang kailangan niya para maibsan ang init na nadarama.Sobrang nag enjoy siya sa kalalangoy, pabalik-balik siya sa magkabilang dulo ng pool at ng mapagod ay naupo naman siya sa gilid ng pool habang nakatanaw sa langit. Nakangiting pinagmasdan niya ang maliwanag na buwan.NAGISING si Argel dahil sa tawag ng kalikasan. Bumaba ng kama ang binata at agad na tinungo ang banyo para mag bawas."Aaaaahhhhhhh!!!!!" hikab ng binata.Napangiti siya ng makita ang buwan na tumagos sa salamin na bintana ng kanyang kuwarto. Inilang hakbang lang niya ang bintana, ang nais lang naman sana niya ay silipin ang buwan pero may ibang umagaw ng kanyang atensiyon.Napakunot-noo si Argel ng mapansin na may nakatayong isang babae sa gilid ng pool. Nakasuot ito ng two piece na kulay yellow at hula niya nangahas itong gamitin ang kanyang pool.Pero paanong nakapasok ito sa kanyang bahay, sa pag kakatan
ANG yabang talaga ng amo niya kahit kailan! Sa loob - loob ni Franki.Ang akala siguro ng gung-gong na kahit ito ay guwapo ay makikipag live-in siya dito.No way! kasal muna bago live in noh. Pero hindi sa mayabang na amo niya kundi sa lalaking mabait, mapagmahal, guwapo at higit sa lahat hindi kasing ugali ng binata."Magandang umaga po Sir," bati ni Franki sa lalaking kausap ng kanyang amo. Hula niya ito ang ama ng binata. Magkamukha kasi ang dalawa.Tumango lang ang may kaedaran ng lalaki sa dalaga."Ano po ang gusto niyong breakfast Sir?" Tanong naman niya sa binata."Huwag ka ng mag abalang mag luto, aalis kami nitong amo mo." Si Armando ang sumagot sa tanong ng dalaga."Puwede po ba mamayang hapon na lang ako pupunta ng bahay." Tukoy niya sa bahay ng mga magulang. "Dadaan pa kasi ako ng opisina dad."Tumayo ang kanyang ama. "Okay sige, siguraduhin mo lang na makakauwi ka mamaya."Tumango lang si Argel."Pancake na lan
MABILIS na nilagok ni Argel ang tubig. "No way!"Madami ng gumugulo sa isipan niya, tapos ngayon pati 'yong kasambahay niya makikisingit na din.Una, hindi pa siya tuluyan nakaka move on sa heartbreak niya kay Steffie.Pangalawa, gusto niya muling makita ang misteryosong babae sa kanyang panaginip.Pangatlo, nang makita niya ang misteryosong babae sa kanyang pool."Haist!" Piksi niya na ginulo ang kanyang buhok.Muli niyang itinuon ang paningin sa kalsada, gusto niyang mag pokus sa pagmamaneho kaysa naman kung ano-ano na lang ang naiisip niya.PAGPASOK palang ni Argel nang bahay ay sinalubong na agad siya ng isang mahigpit na yakap ng kanyang ina."Anak, i missed you so much!"Humalik siya sa pisngi ng kanyang ina. "I missed you too mom,""Sa kusina tayo anak, nag luto ako ng paborito mo lasagna." Yakag sa kanya ng ina.Inakbayan ni Argel ang kanyang ina na tila nag lalambing sa kanya, tinungo n