Share

Kabanata 44.1

"Kukunin ko ang kotse ko," sambit ko kay Sebastian dahil hawak hawak niya pa rin ang kamay ko papalapit sa kotse niya.

Sumulyap siya sa'kin. "Huwag na. Sabay ka na sa'kin. Kapag wala kang masakyan at kailangan mo ng sasakyan, you can always call me," sambit nito.

"Nag-aapply ka ba bilang driver ko? Kung oo ay wala akong maisusweldo sayo. Just like what my dad said, wala ako ni pisong makukuha sa kanya. Hindi kasya ang sahod ko para isahod sayo." Sunod-sunod kong sambit.

"Come on, Zari-"

"Kukunin ko ang kotse ko. Mauna ka na at magkita na lang tayo sa condo mo," sambit ko at tinalikuran siya.

Dahil nandito sa parking lot ang kotse niya ay malapit lang ang nakastock na kotse ko. Buti na lang at hindi ko nilalagay sa kwarto ko ang susi, kung nasa kwarto ay papasok pa ako at pupunta sa kwarto at dahil ayaw ko nang bumalik sa loob, ang ending hindi ko ulit makukuha ang kotse ko.

Lumapit ako sa malaking paso ng halaman at binuhat. Dahil mabigat ay hindi ko gaanong nabuhat. Napanguso na lang
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status