Share

Chapter 13

Matapos na makausap ni Camilla si Hector sa kabilang linya ay tinawagan niya kaagad ang kanyang kaibigan na si Mika para sabihin na bukas na gabi siya ipakikilala ni Hector sa mga magulang nito. Gusto niya na malaman kaagad ng kaibigan niya 'yon.

"Pumayag ka naman sa kanya na ipakilala ka na niya sa kanyang mga magulang, bessie?" tanong ni Mika sa kanya.

"Oo, bessie. Pumayag naman nga ako. Wala naman akong pagpipilian, eh. Kahit anong gawin ko o tumanggi pa ako ay wala akong kawala, 'di ba? Ipapakilala talaga niya ako sa kanyang mga magulang. Hindi naman ako tumanggi pa sa kanya, bessie. Ang sabi ko sa kanya ay puwede naman na ipakilala na niya ako sa mga magulang niya. Tinatanong kasi niya ako kung puwede na niya akong ipakilala sa mga magulang niya kasi kahit anong oras ay puwede na raw niya akong ipakilala," kuwento ni Camilla sa kaibigan niya na si Mika.

Narinig niya ang pagbuntong-hininga ng kaibigan niya bago ito nagsalita sa kanya.

"Well, wala ka naman ngang magagawa o choice,
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status