Sumunod pa ang mga araw ay ganoon pa rin ang ginagawa ni Hector na palaging umaalis araw-araw sa mansion nila na medyo pinagtataka naman na ng mga magulang niya ngunit hinahayaan na lang nila ito. Nagbibihis si Hector sa loob ng kuwarto nila ni Camilla isang araw. "Aalis ka na naman ba, huh?" tanong ni Camilla sa kanya. "Oo," matipid na sagot ni Hector sa kanya."Saan ka na naman ba pupunta, huh?" tanong pa ni Camilla sa kanya kaya sinamaan tuloy siya ng tingin ng asawa niya."Ba't tanong ka nang tanong, Camilla? Palagi ka na lang tanong nang tanong sa akin, eh. Noong isang araw ay nagtanong ka rin sa akin. Kahapon ay nagtanong ka muli at tapos ngayon ay magtatanong ka na naman. Hindi ka ba nagsasawa sa katatanong mo araw-araw, huh?" napapakamot sa ulo na tanong ni Hector sa kanya kaya napangiwi siya matapos na marinig ang tanong nito na 'yon sa kanya.Camilla heaved a deep sigh before she speaks to her husband again."Hector, nagagalit ka ba sa akin na tinatanong kita, huh? Nagtata
"Wala kang karapatan para sabihin ang mga 'yon sa akin, Camilla! 'Wag mo akong pakialaman, okay?!" singhal ni Hector sa kanya matapos niyang sabihin 'yon. Camilla is ready to say anything to him kaya sumagot kaagad siya sa asawa niya."Hindi kita pinakikialaman, Hector. Sinasabi ko lang naman ang totoo at nararapat mong gawin lalo na sa sitwasyon ngayon na meron ka. 'Wag mong masamain ang sinasabi kong 'yon sa 'yo," sagot ni Camilla sa kanya na nakataas rin ang mga kilay. "Sa tingin mo ba ay tama ang ginagawa mong 'to, huh? Hindi. Hindi tama ang ginagawa mong 'to. Inuulit ko muli 'yon sa 'yo."Sinamaan muli ni Hector ng tingin ang asawa niya na si Camilla sa sinabing 'yon nito sa kanya."Sirang plaka ka ba, Camilla? Paulit-ulit ka sa sinasabi mo sa akin!" singhal muli ni Hector sa kanya. "Bahala ka nga d'yan sa buhay mo! You talk to yourself!''Matapos na sabihin 'yon sa kanya ni Hector ay tumalikod na ito sa kanya. Nakabihis na ito at dali-daling lumabas sa kuwarto niya. Pagbagsak n
Nagpaalam naman si Camilla sa mommy ng asawa niya bago siya umalis sa mansion nila. Ang sinabi niya lang dito ay magkikita silang dalawa ng kaibigan niya na si Mika. Hindi naman nagtanong pa ng kung anu-ano si Agnes sa kanya. Nagsabi naman siya dito na hindi naman siya matatagalan. Uuwi lang naman siya sa mansion. Nagpahatid si Camilla sa driver nila kung saan silang restaurant magkikita ni Georgia na hindi alam na siya ang makikita at hindi si Hector na inaasahan nito. Kinakabahan siya habang nasa daan siya patungo doon. Bumaba naman na kaagad siya sa kotse na sinasakyan niya nang nasa tapat na siya ng restaurant na 'yon. Hihintayin siya ng driver nila kaya nagpark muna ito doon sa parking lot na nasa harapan ng restaurant. Hindi naman sa kanya nag-usisa ang driver na naghatid sa kanya. Wala naman itong pakialam kung sino ang kikitain niya. Ang trabaho lang naman nito ay ang ipag-drive sila at wala nang iba pa. Hindi nila trabaho ang makiusyoso. Nagpakawala muna nang malalim na bu
Napalunok si Camilla ng kanyang laway at muling humugot nang malalim na buntong-hininga bago sumagot kay Georgia. Hindi na nila nagawang um-order pa ng kakainin dahil nagsasagutan na lang silang dalawa sa loob ng restaurant na 'yon. Hinayaan na lang sila ng mga staffs sa loob. "Alam ko naman 'yon, Georgia. Kung madamay man nga ako ay handa ako sa ipapaliwanag ko kung bakit pumayag ako na magpakasal sa asawa ko kahit hindi ko siya mahal. I think they'll understand me. Hindi kagaya sa 'yo na kahit ano'ng gawin mo ay hindi ka nila gusto para sa anak nila na si Hector. Gusto ako ng mga magulang ni Hector para sa kanya kaya hindi ako nagaya sa 'yo. Iyon ang kaibahan nating dalawa, Georgia. Malaman man nila ang lahat ay hindi ako ang maagrabyado kundi ikaw 'yon. Mas lalong hindi ka talaga magugustuhan ng mga magulang ni Hector para sa kanya. Hindi mo na naisip na sa ginagawa n'yong 'to ay mas lalong hindi mo binibigyan ng peace of mind ang asawa ko. Masaya nga kayo kapag magkasama kayo ng
Sa ginawang 'yon ni Camilla ay expected na niya ang posibleng mangyari lalo na ang puwedeng gawin ng asawa niya na si Hector. Nakahanda naman siya sa puwedeng mangyari o sasabihin nito sa kanya. Kung magalit pa ito sa kanya ay wala siyang magagawa. Handa siyang harapin 'yon kahit mag-isa lamang siya at walang kakampi. Pagkarating ni Hector sa mansion nila ay tumungo kaagad siya sa kuwarto nilang dalawa ni Camilla. Nandoon nga si Camilla sa loob ng kuwarto nila. Hinihintay rin siya nito na dumating. Pagbagsak na sinara ni Hector ang pinto ng kuwarto niya at mabilis na nilapitan si Camilla na nakaupo sa gilid ng kama nila. Salubong ang kanyang mga kilay na nakatingin kay Camilla. Nakakuyom rin ang kanyang dalawang kami ngunit hindi naman niya sasaktan ang asawa niya. Gusto lang niya na komprontahin ito sa ginawa nito kanina kay Georgia. "Bakit mo ginawa 'yon kay Georgia, huh?" sarkastikong pagkakatanong ni Hector sa kanya. Kinunutan ni Camilla ng kanyang noo ang asawa niya. Sa tanong
Inulit muli ni Hector ang tanong niyang 'yon sa kanya. "Bakit hindi ka magiging masaya kapag ginawa ko ngang hiwalayan ka, Camilla?"Camilla licked her lips again and sighed deeply before she opened her mouth to speak to him. Kailangan na niyang magsalita sa harapan ng asawa niya. Nakapagdesisyon na nga siya sa ilang minuto na pananahimik niya na sasabihin na niya ang totoong nararamdaman niya para sa kanyang asawa na si Hector.Seryosong tinititigan niya sa mga mata ang kanyang asawa na si Hector at saka nagawang nagsalita, "Hector, kaya ako hindi magiging masaya kapag ginawa mo na makipaghiwalay sa akin dahil...""Dahil ano?! Sabihin mo na nga ng diretso, Camilla," naiinip na tugon ni Hector sa kanya. Napapakamot pa nga ito ng kanyang ulo."Oo na, Hector. Relax ka lang. You'll hear it naman. Huwag ka masyadong aporado na malaman 'yon. Baka hindi ko tuloy sabihin 'yon sa 'yo sa iniaasta mo sa harapan ko," sagot ni Camilla sa kanya."You continue it now, Camilla..." sabi ni Hector sa
"Saan ka ba pumunta kagabi, huh?" tanong ni Camilla sa asawa niya na si Hector pagkatapos nilang kumain ng breakfast. "Umalis ka ba kagabi, huh? Saan ka ba pumunta?"Seryosong tinititigan ni Hector ang asawa niya na si Camilla pagkatanong nito sa kanya. Nakakunot rin ang noo niya sa harapan nito."Hindi. Hindi ako umalis kagabi, Camilla," sagot nito sa kanya na walang emosyon ang mukha. Napakunot-noo naman si Camilla sa kanya."Talaga ba, Hector? Hindi ka umalis kagabi?" hindi naniniwalang tanong ni Camilla sa asawa niya na mabilis naman siyang tinanguan."Oo. Hindi ako umalis kagabi, Camilla. Hindi ka ba naniniwala sa sinasabi ko sa 'yo, huh? Hindi ako umalis kagabi at 'yon ang totoo," sabi ni Hector sa kanya.Napasinghap si Camilla pagkasabi ng asawa niya sa kanya."Okay. Kung hindi ka umalis kagabi, saan ka naman pumunta? Natulog ako na hindi ka pa rin bumabalik sa kuwarto natin at nagising rin ako kanina na wala ka pa rin. Saan ka ba pumunta, Hector? Ba't hindi kita nakita? Saan k
Umalis pa rin si Hector sa mansion nila para puntahan si Georgia. Kahit ano'ng gawin na pagpipigil ni Camilla sa asawa niya ay wala naman siyang magagawa pa. Kung ano ang gustong gawin nito ay 'yon ang kailangan na mangyari. He won't listen to her. Kahit ano'ng gawin niya na makaawa o ano pa ay hindi siya magtatagumpay.Habang nasa loob si Camilla ng kuwarto nilang dalawa ni Hector na mag-isa ay hindi siya mapakali. Wala naman siyang maisipan na gawin dahil ang buong isipan niya ay nasa asawa niya niya at sa mga napag-usapan nila kanina lalo na ang kagabi. Gusto niyang makausap ang kaibigan niya na si Mika para sabihin 'yon para may mahingian siya ng payo kung ano ang puwedeng gawin niya ngunit may trabaho ito. Hindi niya puwedeng istorbohin ang kaibigan na si Mika para lang sa kagustuhan niya na may makausap siya. Gustong-gusto ni Camilla na itigil na ng asawa niya at ni Georgia ang kung ano man ang mayroon silang dalawa dahil hindi 'yon tama. Nag-iisip-isip siya ng puwedeng gawin n