Share

Chapter 18

MALAYA niyang pinagmasdan ang gwapong mukha ng nobyo. Mula sa matangos na ilong,makapal na kilay at manipis na mamula-mulang labi. Ang dimple nito na lumilitaw kahit nagsasalita lang. Napansin niya ang paghinga nito ng malalim at paghigpit ng paghawak nito sa kaniyang mga kamay. Habang pinagmamasdan niya ito ay bigla naman itong dumilat, pumwesto ito ng upo at nakangiting pinagmamasdan siya. Titig na titig ito na tila sinusuri kung totoo siya.

" Tigilan mo nga 'yang ginagawa mo," naiilang niyang saway dito, hinawi pa niya ang mukha  ng lalaki.

" I just want to make sure that i'm not dreaming na sa akin ka na talaga." H******n siya nito sa noo at inakbayan.

Pakiramdam niya ay lumulutang siya sa sobrang sayang nararamdaman ng mga oras na iyon. Humilig siya sa balikat nito at pinagmasdan nila ang walang katapusang pag alon ng dagat.

" God, please don't wake me up if this is only a dream," hiyaw pa nito.

" Ang ingay mo, nakakahiya," saway pa niya sa nobyo.

" Ang sarap pala ng ganito, 'yung parang tayo lang ang tao sa mundo? Walang istorbo."

" Ang mahal siguro ng upa mo rito 'no?" 

" Actually, good for one month ang binayad ko rito." 

" Ha? Hindi nga?" hindi niya makapaniwalang tanong. Iba talaga pag mayaman nagagawa ang lahat ng gusto.

" This place is ours, kaya kahit ano ang gawin natin dito, walang makikialam," kumimindat pa nitong turan.

" Bakit, may binabalak ka ba, ha?" 

" Ano sa tingin mo?" nangingiti nitong tugon. Tinangka pa siya nitong halikan ngunit umiwas siya.

" Puro ka talaga kalokohan!" Tinampal niya ang braso ng nobyo.

" Wala naman akong gagawin, ikaw, ah, ang dumi ng isip mo." Humagalpak pa ito ng tawa.

Naiinis niyang kinurot-kurot ito sa tagiliran. Agad namang ginagap nito ang kamay niya at masuyong h******n.

" Promise me, 'wag mo kong iiwan,ah?" seryoso ng turan nito. "Magpapakasal pa tayo." 

" Hoy, wala pa tayong isang buwan kasal na nasa isip mo?"

" Doon din 'yun papunta, Babe basta walang magbabago,ah?"

" Depende, oy! Pag niloko mo'ko, exit ka na sa buhay ko, no second chance!" nakairap niyang sagot ngunit nangingiti.

" Ikaw lang ang babaeng mamahalin ko, promise 'yan!" agad nitong tugon. " Ikaw lang naman 'tong hindi pa sigurado sa'kin," may himig na pagdaramdam sa boses.

Sa totoo lang ay gusto niya ng animin dito ang nararamdaman ngunit nauunahan siya ng hiya.

" E, paano kung talagang hindi mag work, i mean, hindi kita magawang mahalin at i-break na lang kita bigla?" sa halip ay tanong niya.

" And what makes you think na papayag akong hiwalayan mo? Even if you push me away i will never leave you, araw-araw kitang liligawan." 

Ibig niyang matawa ngunit pinigilan niya ang sarili. Bakas sa mukha nito ang sinseridad.

" Talagang seryoso ka sa'kin 'no?"

" Yes. Ang after ng graduation natin, isasama na kita sa Amerika para doon tayo magpakasal." 

" Ayan ka na naman si kasal,eh! Marami pa kong pangarap sa buhay, magpapatayo pa ako ng bahay para kay Mama at maliit na negosyo para sa kaniya."

" I can provide all your needs, kung gusto  mo ngayon pa lang magpatayo na tayo ng bahay para kay Mommy, what do you think?" 

" Sira! Gusto kong gawin iyon sa sarili kong sikap!"aniya pa.

" Hayy, ang hirap mong suyuin, Babe," kamot-ulo nitong turan 

" 'Wag mo na ngang isipin 'yun,malaki na ang maitutulong mo, matutupad na rin ang mga pangarap ko." 

" Nang magkasama tayo."

Muli nitong h******n ang kaniyang kamay at tinitigan sa mata. H******n siya nito sa labi na hindi niya na nagawang tanggihan pa.

Gabi na ng maihatid siya ng nobyo sa kanilang bahay. Ngunit bago ito tuluyang umalis ay muli itong nangulit na ipaalam na sa magulang ang relasyon nila na hindi niya na tinanggihan pa.

" Binigla niyo ko, ah? Basta mag-aral pa rin ng mabuti," ani ng Mama niya.

" Sorry po, Mommy kung nagulat kayo. Promise, i'll taking care of her."

"  Mommy?"tumatawang sambit pa ng matanda." Oh, siya sige na, umuwi ka na at gabi na, baka nag-aalala na sa'yo ang parents mo."

" Ihahatid ko lang po siya sa labas, Ma," tatalikod na sana siya ng marinig ang boses ng kaibigan.

" Bes, we have to talk!" Si Athena na namumutla pa, bakas sa mukha ang pagkabalisa.

Alam niyang mayroong nangyaring hindi maganda base sa nakikita niya sa itsura ng kaibigan. Hinatid niya muna sa labas ang nobyo bago sila nag-usap sa garden ng mansion.

" Si Mommy tumawag kanina,may sinabi siya na ikinabahala ko."

Pansin niya ang pagkabalisa sa mukha ng kaibigan.

" Bakit, ano bang sabi niya?"

" Kailangan daw naming mag-usap pagdating niya. Iba ang kutob ko, Bes, parang may alam na siya."

" Panong kakaiba? Baka naman namimis ka?"

Napailing-iling ang kaibigan. Hinawakan niya ang kamay nito na nanlalamig pa para sana pakalmahin ito.

" Usually, sweet siya kapag nagkakausap kami sa phone, pero kanina i notice na parang galit siya."

" Kumalma ka nga!"

Sa totoo lang ay nahahawa na rin siya sa kinikilos ng kaibigan pati tuloy siya ay kinakabahan na rin. Muli niya na namang nakita ang kahinaan nito.

" What if she already know that you ang Damon are only pretending?"

Sa pagkakataong iyon ay siya na naman ang namutla. Paano nga kung nalaman na ng Mommy nito na niloloko lang nila ito?

" H-hindi naman siguro, paano niya naman malalaman? Eh, 'di ba nga palagi kaming magkasama ni Damon?" 

" Bes, pwede bang 'wag muna kayo magkita ni Mico? I mean, iwasan mo muna siya. Kasi baka 'yung nakamasid sa atin nirereport niya ang bawat kilos mo?"

Naku lagot na! Hindi kaya pati 'yung lakad nila ni Mico ay nasundan na rin ng taong inupahan ng matanda? Paano nga kaya kung pati 'yung kissing scene nila sa tabing dagat ay nakunan din? Siguradong kukurutin siya sa singit ng kaniyang Ina. Marahan lang siyang napatango sa hiling ng kaibigan.

" Kailangan namin mag-usap ng personal ni Damon. Bukas pumunta tayo sa resthouse, Bes."

Muli siyang napatango sa tinuran nito. Halos hindi siya nakatulog ng gabing iyon. Paano nga kaya kung nabuking na sila? Sobrang nakakahiya para sa matanda. Itinuring silang pamilya at naging mabuti ito sa kanila ngunit heto siya kasabwat sa panloloko dito.

" Ano ba 'tong pinasok ko?" usal niya.

Hindi naman makapaniwala si Mico sa sinabi niya. Hindi na muna sila puwedeng lumabas na magkasama, kailangan na muna nilang magpalamig at siguruhing wala nga talagang alam si Mrs. Romualdez.

" Susunduin ka na naman niya mamaya?"

" Oo, kailangan naming pumunta sa  resthouse," matamlay niyang wika. Nasa harap sila ng room niya habang naghihintay ng oras ng klase.

" I'll go with you."

" Hindi pwede, kailangan kami lang ni Damon." 

" Bakit parang excited ka pa na kayong dalawa lang?" may himig na pagseselos nitong wika.

" Mukha ba kong excited? Antok na antok nga ko kasi hindi ako nakatulog ng maayos," naghihikab niyang tugon dito.

" Bakit hindi na lang kasi ako ang maghatid sa'yo at 'yung Damon na lang na iyon ang pumuntang mag-isa sa resthouse?" 

Napabuntunghininga siya sa tinuran nito. Pansin niya rin kasi ang selos sa mukha at tono ng pananalita ng nobyo.

" Nagseselos ka pa rin ba? Sabi ko  naman palabas lang ang lahat ng 'to 'di ba?"

" Hindi ko alam, pero hindi ko talaga maiwasan ang hindi magselos sa maangas na lalaking 'yun,eh!" 

" Isa pa kailangan nga nating umiwas sa isa't-isa 'di ba?" paala pa niya rito.

" I don't get it, bakit kailangan mong maging sunud-sunuran sa friend mo, you have your own life, Camilla!" naiinis pa ring turan nito.

" Babe naman,eh, ang aga mo namang mag rant. Buti pa ilibre mo na lang ako ng kape sa cantene para naman mawala 'tong antok ko,please?" Ngumiti siya ng matamis dito.

" Tss. Nagpapacute ka na naman, kiss mo nga ako," pabiro pang turan nito.

" Kiss ka diyan. Remember, no public display of affection!"

Nagpatiuna na siyang maglakad dito habang nakasunod naman ito sa kaniya. Hinawakan nito ang kamay niya kaya napahinto siya.

" Kahit holding hands bawal? Ang daming bawal, paano naman ang feelings ko?"

 Napakamot na lang siya ng ulo at hinayaan na lang ito sa gusto. Tingin niya kasi ay hindi niya na ito kayang pigilan.

Nang hapon ngang iyon ay inaabangan niya sa gate si Damon. Himala yata at na late ito ng pagsundo sa kaniya dati naman ay nakaabang na ito bago pa siya lumabas ng gate.

Ngunit maya-maya lang ay dumating na ito at humahangos.  Agad siyang lumapit dito at binuksan ang pinto ng kotse.

" Kanina ka pa ba?" 

" Obvious ba,  bakit ba ang tagal mo?" 

" Marami akong tinapos sa office, bakit ba biglang aligaga ang kaibigan mo?"

" Kayo na lang ang mag-usap mamaya pwede?" Mataray niyang tugon dito. " Iidlip lang ako," aniya pa at isinandal ang ulo sa likurang bahagi ng kotse.

" Oy, oy! Matutulog ka? Baka matuluan mo ng laway mo 'yang upuan,ah?" narinig pa niyang wika nito ngunit hindi niya na ito pinansin alam niya kasing nangungulit lang naman ito.

" Teka? Bakit nga pala hindi ko na nakikita si Totoy na laging nakasunod sa'yo?" 

Hindi niya pa rin ito pinansin, naiinis siya sa boses nito. Narinig pa niya ang pagsipol nito at pakanta-kanta. Nagpapanting na ang tenga niya sa ingay na ginagawa nito. 

" Ayan, sige! Puro kayo overtake kapag naman mga naaksidente kayo iiyak-iiyak kayo!"hiyaw ng binata.

" Ano bang problema ng maingay na 'to?" 

Nakakunot ang noo niya habang nakapikit kaya lalong sumakit ang ulo niya. 

" Damn it! Ang titigas ng ulo ng mga jaywalking na 'to! Bakit ayaw tumawid sa tamang tawiran, ang kukulit!" sunod-sunod na pinindot ang busina ng kotse.

Nagngangalit naman ang ngipin niya sa gigil sa lalaki. Gusto niya na itong sampingilin.

" Naku, isa pa 'to si lolo, oh! Naku naman ang tanda na,eh! Tsk! Tsk! Kaya hindi umuunlad ang Pinas, ang daming-"

" Ahh! Ang ingay mo! Hindi ako makatulog sa'yo!" Hinampas niya ito sa ulo sa sobrang gigil niya sa binata.

" Aray ko! Bakit ba nagiging amazona ka na naman?" hiyaw nito habang hawak ang bumbunan.

" Napakaingay mo, para kang babae! Susungalngalin na kita,eh!"

" Eh, ang daming tumatawid,eh!" ngiwi ang mukhang katwiran pa rin nito.

" Lahat na lang pinansin mo magtraffic enforcer ka na lang kaya gusto mo?!"

Parang bata naman itong  napasimangot at tahimik na nagdrive. Muli niyang pinwesto ang sarili para matulog ngunit iniwanan niya muna ito ng nagbabantang tingin na sa tingin niya ay umubra naman dahil nanahimik na rin ito. Tanging mahinang sipol lang ang panaka-nakang naririnig  niya mula sa binata.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status