DAHIL sa pagkabigla ay hindi kaagad siya nakakilos. Tutop niya ang bibig at nanlalaki ang mata. Pakiramdam niya ay nahalikan siya ng aso.
" Ayan, tapos na!" Anito habang pinunasan pa ang sariling labi.
Nang makabawi sa pagkabigla ay gusto niya itong sapakin ngunit natigilan siya, nasa simbahan nga pala sila. Tiningnan niya na lang ito ng matalim habang naiiyak. Tinignan niya rin si Athena na kasalukuyang nakayuko pa rin kaya nakahinga siya ng maluwag dahil hindi nito nakita ang ginawa ng nobyo.
" Okay. I now pronounce you, husband and wife," nangingiting sambit ng kaharap na pastor.
Hindi niya napigilan ang matawa ng marinig iyon. Mag asawa na sila ni Damon ngayon.
"
ALAM ni Camilla na hindi magiging madali ang ginawa niyang desisyon. Mahihiwalay siya sa Mama niya dahil kaylangan niyang sumama kay Damon at matulog sa iisang kwarto.Kaylangan niya ring pakisamahan ang pamilya ng lalaki lalo na ang Mommy nito. Kay Mico na alam niyang mahihirapan din sa sitwasyon nila at kailangan niyang hatiin ang oras para dito. At higit sa lahat, idagdag pa ang araw-araw na pambubwisit ng lalaki na kailangan niyang makasanayan.Sa edad na twenty, hindi pa rin siya makapaniwalang kailangan niya ng harapin ang ganoong kabigat na problema. Pinagmasdan niya ang lalaking katabi habang himbing pa rin sa pagkakatulog at natatakluban ng puting kumot, dinig niya pa ang paghilik nito.Gusto niya sanang umalis at iwan na lang ang lalaki pero pinigilan niya ang sarili, kailangan niya nang masanay n
ABALA si Damon habang nakatitig sa screen ng kaniyang laptop sa office, matapos kasi ang ilang linggo pagkatanggal bilang shareholders ng company ay naibalik na rin siya. Noong una ay hindi niya na sana tatanggapin pa at ibebenta na lang sana ang shares ngunit naalala niya ang pangangailangan ng kaniyang pamilya. Sa ngayon, hindi muna niya paiiralin ang pride, saka na siya mag-iisip ng ibang paraan para tuluyang makawala sa anino ng kaniyang Ama. Narinig niyang may kumatok sa pinto." Come in!" Aniya na nakatutok pa rin ang atensyon sa ginagawa.Nagulat siya ng iniluwa noon ang isang tao na matagal niya nang hindi nakikita. Si Zeke, ang kaniyang bestfriend. " Pare!" anito at mabilis siyang nilapitan at niyakap at tinapik- tapik ang likod." Kumusta na? Long time no see,ah!" Aniya at tinapik din ang balikat ng kaibigan. " Teka? Kailan ka pa dumating?" gulat pa rin niyang tanong dito.Si Zeke na highschool pa lang ay kaibigan niya na. Partners in crime. Kasama niya 'to sa pagbibilang
NaBABAHALA na siya sa ikinikilos ni Camilla. Pamaya-maya kasi ay panayan ang paghingi nito kay Zeke ng maiinom." Hoy! Wala akong pambayad kaya magdahan-dahan ka sa pag-inom,ah!" pagbibiro pa niya sa babae.Panayan din ang paglinga niya sa paligid at inaasahang dumating na si Athena. " Ang kuripot mo, ah! Samantalang nung kinasal tayo sabi mo pa sa wedding vow natin ibibigay mo ang lahat tapos alak lang nagdadamot ka," sabay halakhak nito.Naloko na! Mukhang lasing na talaga ang babae. Paano kung magwala ito dito?Narinig niya naman ang paghalakhak din ng kaibigan habang napapailing. " 'Yun naman pala, eh. Kasama naman pala sa wedding vow niyo 'yun, eh!"Tumungga siya ng alak habang pinagpapawisan. Nanahimik na siya at baka bigla siya nitong asbaran. Ngunit maya-maya lang ay dumating na si Athena at nakahinga siya ng maluwag. Ang buong akala nito ay aawatin nito ang kaibigan at pagagalitan siya." Ang daya niyo, ah! Bat niyo ko iniwan?" nagtatampo pa nitong saad." Bes! Buti naman a
MASAKIT ang ulo ni Camilla nang magising ng umagang iyon. Medyo naparami pala ang inom niya kagabi, buti na lang at malinaw pa ang isip niya noon dahil nagawa pa niyang maitulak palabas si Damon matapos siyang maihatid nito sa kwarto. Mahirap na, lalaki pa rin ito at baka samantalahin nito ang pagkakataon kung kelan siya mahina. Assuming na kung assuming, mas mabuti na iyong nag-iingat. Bumangon siya sa kama at hinilot ang kumikirot na ulo, parang tinatamad siyang pumasok ng araw na iyon. Wala siyang gana dahil na rin sa madalas nilang pagtatalo ni Mico. Madalas itong magselos at palaging mainit ang ulo. Naiintindihan niya naman ang lalaki dahil sino ba ang matutuwa kapag ang taong mahal mo ay maikasal sa iba? Kahit sabihing palabas lang ang lahat ay tila hirap iyong maintindihan ng nobyo. Pilit niyang nilabanan ang katamaran at pumunta sa closet para ihanda ang damit na isusuot. Bahagya siyang natigilan ng makita ang mga sexy dresses na naka hanger. Bakit niya pa ba ito isusuot,
HINDI makatulog si Camilla ng gabing iyon, hindi niya maiwasang mag-alala sa pagsasarili nila ng lalaki. Hindi niya ito lubusang kakilala at kahit papaano ay lalaki pa rin ito. Ngunit ang mas higit niyang inaalala ay kung paano niya sasabihin sa nobyo ang kasalukuyang sitwasyon, sigurado siyang lalo itong mapapraning.Nakapatay ang ilaw sa kaniyang kwarto nang mapatingin siya sa pintuan. Napansin niya na may huminto sa tapat noon at maya-maya ay umalis na. Alam niya ang lalaki iyon, nasa kabilang kwarto lang kasi ito nakapwesto. Sinubukan niyang lumabas ng kwarto upang silipin 'to. Dahan-dahan siyang bumaba at pumunta sa kusina at nakita niya na umiimom na ito ng alak. Nakatitig ito sa baso na tila may malalim na iniisip. Bagsak din ang balikat nito at malungkot ang expression ng mukha. Bumalik siya sa kwarto at muling nahiga sa kama ngunit muli siyang napatayo at may naisip. Lumabas siya ng kwarto at naghanap ng pwedeng gawing proteksyon sa sarili. Napunta siya sa isang kwarto kung
Hindi niya magawang mag pokus ng umagang iyon sa pag-aaral dahil sa nangyari sa kanila ni Mico. Hindi pa rin siya makapaniwala na nagawa nitong makipaghiwalay sa kaniya. Buong araw siyang matamlay at tila lutang. Wala naman siyang magagawa kung talagang ayaw na nito, noon pa naman ay iyon na ang gusto niya ang makipaghiwalay sa lalaki bago pa man sila makasal ni Damon. Nang matapos ang klase ng tanghaling iyon ay nakita niyang nag-aabang sa labas ng classroom nila si Athena at hinihintay siya. Matamlay itong ngumiti sa kaniya." Pwede ba tayo mag-usap?"Napatitig siya rito na tila lutang pa rin. Dumiretso sila sa labas upang maupo sa mga bakanteng bench para mag-usap. Ano na naman kaya ang problema ng isang ito at parang seryosong-seryoso?" Lumipat na pala kayo? Sinabi lang sa'kin ni Tita."Tumango-tango siya bilang tugon." May problema ba, bes?"tanong pa nito nang mapansing matamlay siya." Wala, pagod lang. Ano nga pala 'yung sasabihin mo?"Hindi muna agad ito nakaimik sa hal
NARINIG niyang umuungol ito mula sa backseat. " Ang daya mo, uminom pa tayo hindi pa ko lasing!" Napapangiti siya ng marinig iyon." Iinom-inom kasi,eh, hindi naman sanay," bulong niya sa sarili." Ano, Damon, ah? Suntukan na lang tayo, napakayabang mo,ah!" " Mukhang ako ang laman ng panaginip niya ngayon,ah?" natatawa niyang sambit.Maya-maya ay puro ungol na lang ang naririnig niya dito. Nang marating nila ang bahay nila ay hindi niya na ito kinaya pang buhatin pa. Nagising na ito ngunit hindi halos makalakad kahit inaalalayan niya na kaya matagal nila narating ang kwarto." Nasaana na tayo?Gusto ko pang uminom hindi pa ko lasing!" anito na luminga-linga sa paligid." Lasing na ko, Camilla hindi ko na kayang uminom," tugon niya." Ang hina mo naman pala pagdating sa inuman,eh, talo pa kita,ah?" humalakhak pa ito.Hindi niya na ito sinagot. Nahirapan siyang alalayan ito dahil pagewang-gewang ito kung maglakad. Nang marating nila ang kwarto ay lalo lang ito naging mas agresibo kaya
" HOY!" napalingon si Damon sa boses na iyon. Kasalukuyan siyang nasa garden habang malalim ang iniisip. Papalapit sa kaniya si Camilla." Talaga bang aalis ka na sa company nina, Bes?"tanong nito sa kaniya.Umupo ito sa katapat na silya kung saan siya nakaupo." Yup! I just want my own business like Zeke did."" Sus! Gaya-gaya ka lang pala sa kaibigan mo,eh!" " Hindi, ah! Dati pa naman pangarap ko na 'to.That's why i studied culinary in Amerika. Kung di lang sana kami iniwan ng Dad,eh."Nailang siya ng mapansin niyang napatitig ito sa kaniya. Umiwas siya ng tingin sa babae, kinakabahan siya dahil baka bigla nitong maalala ang nangyari sa kanila kagabi. Kinuha niya ang baso ng juice na nasa lamesa bigla kasing nanuyo ang kaniyang lalamunan. Pag nagkataong maalala nito ang nangyari kagabi malamang ay paglamayan siya bukas na bukas din." Thank's nga pala,ah?"Napatingin siya sa sinabi ng babae." Para saan?" nagtataka niyang tanong." Sa ginawa mo. Kahit sobrang lasing ako kagabi hind