Share

Chapter 53

ALAM niyang sinabi niya kay Zeke na hindi siya magpapakalasing ngunit kabaligtaran naman ng ginagawa niya ngayon. Nakakailang salin na sa kaniya si Zeke kaya naman nakakaramdam na siya ng pagkahilo at konti na lang ay malalasing na talaga siya.

" Camilla naman tumigil ka na nga malalasing ka na, oh?"

" Gusto ko talagang magpakalasing kasi naiinis ako sa kaibigan mo!"

Natapik nito ang noo dahil ilang beses na rin nitong narinig sa kaniya ang bagay na iyon.

" Kanina mo pa sinasabi iyan,eh. Ano bang problema at gigil ka na naman doon sa tao?"

" Ah, basta! Porket kasama niya si bes nakalimutan niya nang tumawag!"

" Kasama niya si Athena? Umuwi na ba 'yun?"

" May kailangan lang siyang gawin dito, aalis din siya," aniya at muling nagpasalin ng alak. " Gusto ko ang lasa nito, anong alak ba 'to?"

" So, kaya ka ba nagpapakalasing kasi magkasama sila? Nagseselos ka ba, Camilla?" nangingiting puna nito.

Natigilan siya at pinakiramdaman ang sarili, ayaw niyang isipin na ganun nga ang narara
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status