[FIERO]Hindi ako makapaniwala sa nalaman ko kay Stefano. Ano na lang ang mararamdaman ni Lyresh sa oras na lumabas lahat ng katotohanan. Ang pagkakaroon ni Zyaire ng amnesia, tanging si Luna ang laman ng puso't isipan sa mga oras na ito pagkatapos ngayon naman nakabuntis pa pala siya ng ibang babae? Masaklap si Yanah ito, kilala ni Lyresh at pinakitaan ng maganda. Mabuti na lamang at napakiusapan ko si Stefano na itikom na muna ang kanyang bibig. Isang bagay ang pinagtataka ko kung bakit hindi ito sinabi ni Yanah kay Zyaire noon. Pwede din na alam ito ni Zyaire at marahil pinagbantaan si Yanah. Kapalit ng pananahimik niya ay magandang bahay lupa at trabaho."SHIT KA TALAGA ZYAIRE!!" Singhal ko. Hindi ko alam kung ano ang totoo. Tanging si Zyaire ang nakakaalam non pero wala siyang maalala ngayon. Teka si Yanah! Maaring alam ni Yanah. FAST FORWARD>>> [NARRATOR]Kinabukasan agad na nagtungo at nakipagkita si Fiero kay Yanah. Kailangan niya itong masabihan na wag munang ipaalam an
[LYRESH FONTANILLA]Panibagong araw at pag asa. Tinitignan ko ang sarili sa salamin. Ang mga nakaraang kaganapan sa buhay ko ay sumagi sa aking isipan. Kung paano kami nagtagpo ni Zyaire. Kung gaano ko siya kinamuhian pero hindi nagtagal at nabihag ng isang tinuring kong demonyo ang puso at buong pagkatao ko. FAST FORWARD>>>[NARRATOR]Bago tumuloy sa kanyang opisina si Lyresh ay dumaan na muna ito ng banyo para ayusin ang kanyang tabinging bra. Tila sumikip na ito dahil nadadagdagan na ang kanyang timbang dulot ng pagbubuntis.Matapos ang pakay pinagmasdan niya ang kanyang kabuuan, hinaplos ang kanyang tiyan. "Bigyan mo pa ako ng lakas baby sa araw araw para magawa lahat ni mommy ang dapat niyang gawin.." Bulong nito na tila kinakausap ang kanyang munting anghel sa kanyang tiyan.Nakaramdam siya ng lungkot dahil wala pa din si Zyaire na dapat dalawa silang nag iisip ng magiging pangalan ng kanilang first child.[ZYAIRE TORRICELLI]I was on my way sa opisina ko at kasama ko si Luna
[LYRESH FONTANILLA]Nang matapos akong mag cr nagtungo na ako ng opisina ko sakto naman na inaantay pala ako ng assistant ko. "Good Morning Ms. Lyresh.." Labas ang ngipin niyang bati sa akin. Unang araw pa lang ng ipakilala siya sa akin ni Fiero nakagaanan ko na siya ng loob. Tinatawag niya akong Mrs. Torricelli pero sabi ko sa kanya Ms. Lyresh na lang. Nung una ayaw pa niyang pumayag pero sabi ko kapag tinawag niya pa akong Mrs. Torricelli maghahanap ako ng ibang assistant. "Good Morning, Suri.." Pagbabalik ko sa kanya. "Ang laki na po ng tiyan niyo.. Malapit ng lumabas si Little Don Zyaire.." Natuwa ako sa tinuran niya. Tama siya at ito nga ang heridero ni Zyaire. Naalala ko nanaman tuloy siya at sobrang sabik na ako sa kanya.. Habang kausap si Suri tila namataan ko si Stefano pero hindi ako sigurado kasi malayo siya at may babaeng nakaharang. "STEFANO?!" Sapat na lakas para marinig niya pero hindi ito lumingon so marahil mali ako pero may isa pa... "ZYAIRE??" Katagang lumab
[NARRATOR] Matagumpay na napigilan ni Fiero ang pagtatagpo ni Lyresh at Zyaire pero hanggang kailan niya kaya ito mahahadlangan? Ang isang tinadhanang mangyari kahit na anong pigil mo rito magaganap at magaganap pa din. [YANAH MORI] Hindi pa din ako makamove on sa sinabi ni Fiero patungkol kay Zyaire. Paano ko pa itatama ang mga mali ko kung hindi ako bibigyan ng tadhana ng pagkakataon. Paano pa kikilalanin ni Zyaire ang kanyang anak na dinadala ko kung wala siyang maalala.. Habang iniisip ang mga bagay na yun hindi naman mawala sa isip ko si Stefano. Uuwi ba siya ngayon o lalayo? Kahit paano natutuwa ako dahil may pag aalala pa din siya para sa akin. Hindi ako nawalan ng bantay. Nagpadala siya ng taong andyan kung sakaling kailanganin ko pero higit na mas kailangan ko ang asawa ko. Siguro lagpas na sa isang daan kung ilang beses kong tinignan ang phone ko sa buong maghapon. Umaasang nagmessage siya o nagmiscal man lang. Nasaktan ko siya ng husto at hindi niya yun deserve per
[ZYAIRE TORRICELLI]"Bakit bigla kang huminto?" Nayayamot na hiyaw ni Luna. Hindi ko din alam sa sarili ko o sa katawan ko kung bakit nag iba ang ihip ng hangin. "I'm so sorry, Luna. Sumakit lang ang ulo ko.." Dahilan ko pero mukhang hindi siya convince dahil busangot pa din ang mukha niya. Inirapan niya ako saka tumalikod sa akin. Alam kong nabitin siya pero may babaeng paulit ulit na sumasagi sa isip ko at sigurado akong hindi si Luna yun. I feel like I'm fucking to that girl right now not to Luna. FAST FORWARD>>> Dahil sa nangyari kagabi hindi ako pinapansin ni Luna. Ayokong nagkakaron kami ng tampuhan kaya naisip ko what if ngayon na ako mag propose ng kasal sa kanya para makabawi. Hindi naman siguro pati pagpapakasal ay bawal kong gawin. Sinunod ko lahat ng payo ni Fiero para sa ikabubuti ko hanggat hindi pa ako totally safe sa mga nagtangkang pumatay sa akin. Nagpunta ako ng kabilang room para makausap sa phone ang mag aasikaso ng kasal namin ni Luna. Ayokong malaman niya
[LYRESH FONTANILLA]Naiwan ko ang phone ko kaya babalikan ko sana ito pero isang masakit na katotohanan ang narinig ko. How I wish na sana mali ako but this time mas malakas ang kutob ko na tama ang nasa isip ko. Mabilis akong bumaba ng hagdan para harapin ang tatlo na tila nagulat. "Anong sinasabi mo ma? Kanino ikakasal si Zyaire??" Hindi ito makapag salita. Bumalin ako kay Fiero. "Ikaw? Magsisinungaling ka pa ba? Hallucination pa din ba yung narinig ko?? Nababaliw na ba ako??" "Lyresh.. Kumalma ka muna, please.." Pakiusap ni Emma kaya sa kanya naman ako bumalin. "Emma may alam ka ba rito?" Hindi ko na napigilan ang sarili kong maiyak. Pinag kaisahan ba nila akong lahat? "Magsalita kayo! BAKIT WALANG NAGSASALITA??" [NARRATOR] Nag hysterical si Lyresh ng wala siyang makuhang sagot sa mga taong pinagkakatiwalaan niya.. "Lyresh kumalma ka muna.. Ang baby mo lang ang iniisip namin.." Paliwanag ni Fiero. Galit na galit si Lyresh na hinawi lahat ng makita maabot at mahawakan ng
[LYRESH FONTANILLA]Nang magkamalay ako nasa hospital na ako. Kumpleto ang lahat si mama, Emma at Fiero. Hindi sila nagsasalita at nakatingin lamang sa akin. "Anong nangyari, Fiero?" Ipit ang boses kong tanong. Hindi ako natutuwa sa sobrang katahimikan. "Fiero.." Muli kong tawag ng hindi ito magsalita. Ano bang meron at tila may kakaiba sa kanilang lahat. "Kamusta ang pakiramdam mo anak?" Naiiyak na tanong ni mama. Ilan sandali pa ay sumunod ang luha niya. Bakit siya umiiyak. "Ma.." Tanging nasabi ko. Mas lalo itong humikbi. Nakaramdam ako ng kaba. Palit palit ang tingin ko sa kanilang tatlo. "Emma.. Ang baby ko??" "Lyresh.. Tatagan mo ang kalooban mo, please.." Naiiyak nitong saad. "Anong ibig mong sabihin? Ha.. Emma??" Tumaas ang tono ng pananalita ko dala ng nerbyos saking dibdib. Bakit ayaw nilang mag salita ng ayos. "Wala na ang baby mo, Lyresh.. Wala na ang baby niyo ni Zyaire.." Pagsisiwalat ni Fiero. Nabingi akong bigla. Natulala sa direksyon niya. Walang salita ang gu
[NARRATOR] Dumating ang araw na hindi malaman ni Lyresh kung matutuwa ba siya o ikamumuhi niya. Araw na kung saan makikita na niya sa wakas si Zyaire pero sa piling na ng iba. "Handa ka na ba, Lyresh?" Buong tinging tanong ni Fiero ng nasa harap na sila ng kumpanya. Walang alam si Zyaire sa nag aantay sa kanya pero attorney na niya ang magpapaliwanag ng lahat. "I'm ready.." Sambit ni Lyresh sabay ang paglabas ng sasakyan kasunod si Fiero sa kanyang tabi. "Good Morning Ma'am.." Bati ng mga staff na masalubong nila Lyresh. Hindi niya alintana ang mga ito dahil okupado ni Zyaire ang utak niya. [ZYAIRE TORRICELLI]"Let's go?" Tanong ko kay Luna na tila hindi pa din tapos. Nakailan palit na siya ng damit at kulang na lang baliktarin ang kanyang cabinet. Ano bang meron sa araw na ito at hindi siya makapag desisyon ng isusuot. "Love okay na ba to??" Pang sampu na ata niyang tanong. Muling umikot, nirampa ang kanyang suot sa harapan ko. "You look gorgeous in every clothes you wear, Lov