2-3 chapters sana tayo ngayon. Kaya lang aalis pala ako bukas at sa susunod pang araw. Ubos na ang days na pwede akong mag-absent ngayong buwan kaya magiging reserve yon for tomorrow and Thursday. Sorry, one chapter ulit tayo ngayon. Bawi ako kapag hindi na masyadong busy. Enjoy reading.
CHAPTER 39ESPEGEEE!!!!A hearty laugh filled the whole room. Naniningkit pa ang mga mata ni Revamonte habang humahalakhak. Napa-iwas siya ang tingin nang mas bumaba ang kumot sa kakagalaw nito. Susko po! Makikita niya ang nagpapatirik ng kanyang mga mata ng wala sa oras. "Bahala ka nga riyan!"Nag-iinit ang mga pisnging kumilos siya para bumaba mula sa malaking kama. Baka matentasyon pa siya at bigla na lang hilahin ang kumot na iyon para matingnan kung malaki pa rin ba?Hinagip ni Castiel ang kanyang palapulsuhan at sa isang iglap ay naibalik siya nito sa pagkakahiga. "Where are you going?" Pinapangapusan siya ng hininga nang halos nakakubabaw na ang kalahati ng katawan ni Castiel sa kanya. Hindi lang iyon, nakakapangapos naman talaga ng hininga ang kagwapuhan ni Castiel. Mistulang nililok iyon ng magaling na iskultor. Mata pa lang nito ay nakakapanginig tuhod na. "M-Maghihilamos." Nakapa niya ang mata at bibig dahil baka may muta pa siya at panis na laway. Kumislap sa pagka-
CHAPTER 40Namamawis ang kamay ni Joana habang nakaupo sa isa sa mga lounge ng visiting area ng Bicol Provincial Jail. Malakas ang kabog ng kanyang dibd ib ngunit hindi niya naman naiisip na umatras. Kanina pa siya tinatanong ni Mang Toti, na siyang kasama niya pagpunta sa Provincial Jail, kung sigurado ba siya sa gagawin niya. Oo, palagi ang kanyang sagot dahil nasa Maynila pa lang ay disidido na siyang harapin ang mga iniwan niya. Kailangan niyang umabante kahit alam niyang mahirap. Nag-angat siya ng paningin nang bumukas ang pinto sa dulong bahagi ng silid na iyon. Bumakas ang pangugulila sa mata ni Luis, nakipagtitigan sa kanya. Kapagkuwan ay nawala ang lambong sa mga mata nito nang mapagtantong hindi siya ang taong gustong-gusto nitong makita. "Bakit nandito ka?" malamig nitong tanong at parang robot na umupo sa harap niya. Bukod sa pagiging balbas-sarado at malagong buhok, pansin niya rin ang pamamayat nito kumpara dati."I-I want to talk to you."Nanatiling malamig ang mukh
CHAPTER 41 Kalahating oras pa lang sila nasa byahe ngunit pakiramdam ni Joana ay taon na ang binibilang niya na nasa kalsada sila. Malakas ang tahip ng kanyang dibd ib habang nasa mga kamay ang maliit na papel na naglalaman ng mensahe galing sa kanya kapatid. Jonelyn said sorry to her. Hindi man personal na narinig niya iyon mula sa bibig ng kapatid, alam niyang sinsero iyon. Sinong hindi kung kahit sa pasikretong mensaheng iyon ay nagawa nitong isingit ang salitang iyon. She never holds a grudge against her twin sister. She felt responsible, instead. Sumama man ang loob niya ngunit hindi umabot na naisip niyang gantihan ang mga ito. “Mang Toti, di ba kapitbahay kayo ni Kismo noon?” Sinilip siya ng driver sa rearview mirror. “Opo, Ma’am. Bakit po?” “May napansin po ba kayong kahina-hinalang umaali-aligid sa bahay nila noon?” “Tungkol po ba ito Ma’am sa mga nagtangkang kidnap-in ang bata?” N
CHAPTER 42 (PART 1) Isinara ni Joana ang hawak-hawak na story book nang makitang malalim na ang paghinga ng dalawang bata na magkahawak pa ng kamay. Hindi pa nga siya nakakapangalahati sa story book ay bulagta na ang dalawa. Umaga pa lang kasi ay nasa rancho na ang mga ito. Nagtitili si Nadia nang makita ang mga kabayo. Nagpakampi ang bunso niya sa ama at si Kismo naman ay dinaan siya sa lambing para lang payagan na sumakay ang mga ito sa kabayo. Dahil napag-usapan naman na nila iyon ni Castiel bago pa man sila mag-almusal, ay pumayag na siya. Sinigurado naman sa kanya ni Castiel ang kaligtasan ng mga bata. Ipinatawag nito ang mga tauhan sa rancho na eksperto sa pagpapaamo at pagsasakay ng kabayo para umalalay sa mga dalawang bata. Napatingin siya sa pinto nang bumukas iyon at tahimik na pumasok si Castiel. Sa tulong malamlam na liwanag na naggaling sa table lamp, ang walong abs ni Castiel ang unang pinuntirya ng kanyang mga mata.
CHAPTER 42 (PART 2) Niyakap niya ang sarili habang pinagmamasdan siya ni Castiel. Pakiramdam niya ay bumalik na naman siya sa mga oras na sinisi siya ni Jonelyn sa lahat ng nangyari rito. “I can’t hate my sister, Cast. I can’t. Kasalanan ko,” pahikbi niyang wika, tuluyan ng tumulo ang mga luhang kanina pa nangingilid sa kanyang mga mata. “Joana…” “Iniwan ko siya. Iniwan ko siya gayong nangako ako sa kanya na hindi ko gagawin iyon. Akala ko kasi hindi siya magagawang saktan nina Marcos. Hindi ko alam na kaya pala siyang ibenta ng mga…” Hinawakan nito ang kanyang magkabilang kamay niya at ikinulong siya sa mahigpit na yakap. Tumama ang kanyang noo sa dibd ib nito at tuluyan siyang napahagulhol nang ibinalot nito ang maiinit na braso sa kanyang katawan. “N-Nang gabing iyon…” patuloy niya, hirap na hirap na bigkasin ang mga nangyari. Nanatiling sekreto ng ilang taon kung ano ba talaga ang nangyari sa gilid
CHAPTER 43 Nahihiyang nginitian ni Joana si Amara Stephanie nang makapasok sila Castiel sa malaking bahay ng mga Almeradez. Anong kabaliwan ba naman kasi ang pumasok sa kukote niya na pagbintangan ang babae na ka-live in ni Castiel. Aba naman, ang saya-saya nga nito sa asawa’t anak tapos maghahanap pa ng iba? “Amara Stephanie,” the kind woman extends her hand towards her. “Hindi tayo pormal na nagkakilala sa rancho.” Gulat siya nang hilahin siya nito payakap at h inalikan siya sa pisngi. “H-Hi, I’m Joana.” “I’m sorry na hindi ko naipakilala ang sarili ko. Sa pagkakatanda ko rin noong isang araw sa rancho ang una nating pagkikita, well—not exactly kasi kilala naman na kita dahil kay Castiel.” “B-Binabanggit niya ako sa ‘yo?” “Ever since you two got married.” Isinukbit nito ang kamay sa braso niya bago iningusan si Castiel na hindi mabitaw-bitawan ang kanyang kamay. “Castiel, bitawan mo na ng
CHAPTER 44 Humihinga pa rin si Luis nang nakarating sila sa ospital. May sa pusa yata ang lalaki dahil kahit nakatamo ito ng walong s aksak ay buhay pa rin. Imporma sa kanila ng namumunong pulisya na nakatoka sa kulungan ay nagsimula raw ang gulo sa away ng dalawang malakas na gang sa loob. Nadamay lang si Luis at napuruhan. Subalit, para kay Joana, hindi simpleng nadamay lang ang lalaki. Dahil kung iyon nga ang nagyari ay dapat isa o dalawa lang ang tama nito. Hindi walo at bugbog-sarado. Pinuntirya talaga ito sa loob at iyon ang mas lalong nagpalakas ng hinala ni Joana. Alam niyang may gustong sabihin sa kanya si Luis nang dalawin niya ito. Naiintindihan niya naman ang lalaki dahil iniisip lang nito ang kapakanan ni Jonelyn at ni Kismo. Na kapag nagsalita ito ay maaring sila ang puntiryahin. “I don’t believe him,” palatak niya habang nagpapalakad-lakad sa harap ni Castiel na kalmadong nakaupo sa walang lamang cafeteria ng G
CHAPTER 45 Naghesterikal si Joana nang patakbong lumapit sa kaniya ang mga nakasunod na pulis at si Castiel. Nanigas siya at nagsisigaw na itinumba ang sarili sa tatlong pulis para hindi agad masundan ng mga ito si Luis na sinalo ng dumaang garbage truck. “Ma’am!” “Joana!” magkasabayan ang apat na lalaki sa pag-alalay sa kanya. Bumuhos ang luha niya. Sa halip na si Castiel ang kapitan ay sa uniporme ng mamang pulis siya ngumawa na parang bata. Tuloy, dalawa lang ang nakaalis para lumabas at tingnan kung nasaan na si Argones. “Castiel,” she cried and finally let go of the police’s clothes. “Oh my God! Akala ko mamatay na ako.” “I’m here.” Ipinaloob siya nito sa mga bisig at habang panay pa rin ang hikbi niya. Nagtawag ito ng nurse para alalayan siya. Pinasuri nito kung may tinamo ba siyang sugat o ano. Nang sabihin ng nurse na wala ay kumuha ito ng maligamgam na tubig. She sipped