CHAPTER 43 Nahihiyang nginitian ni Joana si Amara Stephanie nang makapasok sila Castiel sa malaking bahay ng mga Almeradez. Anong kabaliwan ba naman kasi ang pumasok sa kukote niya na pagbintangan ang babae na ka-live in ni Castiel. Aba naman, ang saya-saya nga nito sa asawa’t anak tapos maghahanap pa ng iba? “Amara Stephanie,” the kind woman extends her hand towards her. “Hindi tayo pormal na nagkakilala sa rancho.” Gulat siya nang hilahin siya nito payakap at h inalikan siya sa pisngi. “H-Hi, I’m Joana.” “I’m sorry na hindi ko naipakilala ang sarili ko. Sa pagkakatanda ko rin noong isang araw sa rancho ang una nating pagkikita, well—not exactly kasi kilala naman na kita dahil kay Castiel.” “B-Binabanggit niya ako sa ‘yo?” “Ever since you two got married.” Isinukbit nito ang kamay sa braso niya bago iningusan si Castiel na hindi mabitaw-bitawan ang kanyang kamay. “Castiel, bitawan mo na ng
CHAPTER 44 Humihinga pa rin si Luis nang nakarating sila sa ospital. May sa pusa yata ang lalaki dahil kahit nakatamo ito ng walong s aksak ay buhay pa rin. Imporma sa kanila ng namumunong pulisya na nakatoka sa kulungan ay nagsimula raw ang gulo sa away ng dalawang malakas na gang sa loob. Nadamay lang si Luis at napuruhan. Subalit, para kay Joana, hindi simpleng nadamay lang ang lalaki. Dahil kung iyon nga ang nagyari ay dapat isa o dalawa lang ang tama nito. Hindi walo at bugbog-sarado. Pinuntirya talaga ito sa loob at iyon ang mas lalong nagpalakas ng hinala ni Joana. Alam niyang may gustong sabihin sa kanya si Luis nang dalawin niya ito. Naiintindihan niya naman ang lalaki dahil iniisip lang nito ang kapakanan ni Jonelyn at ni Kismo. Na kapag nagsalita ito ay maaring sila ang puntiryahin. “I don’t believe him,” palatak niya habang nagpapalakad-lakad sa harap ni Castiel na kalmadong nakaupo sa walang lamang cafeteria ng G
CHAPTER 45 Naghesterikal si Joana nang patakbong lumapit sa kaniya ang mga nakasunod na pulis at si Castiel. Nanigas siya at nagsisigaw na itinumba ang sarili sa tatlong pulis para hindi agad masundan ng mga ito si Luis na sinalo ng dumaang garbage truck. “Ma’am!” “Joana!” magkasabayan ang apat na lalaki sa pag-alalay sa kanya. Bumuhos ang luha niya. Sa halip na si Castiel ang kapitan ay sa uniporme ng mamang pulis siya ngumawa na parang bata. Tuloy, dalawa lang ang nakaalis para lumabas at tingnan kung nasaan na si Argones. “Castiel,” she cried and finally let go of the police’s clothes. “Oh my God! Akala ko mamatay na ako.” “I’m here.” Ipinaloob siya nito sa mga bisig at habang panay pa rin ang hikbi niya. Nagtawag ito ng nurse para alalayan siya. Pinasuri nito kung may tinamo ba siyang sugat o ano. Nang sabihin ng nurse na wala ay kumuha ito ng maligamgam na tubig. She sipped
CHAPTER 46 (PART 1) Napatawa si Joana nang makita si Nadia na nakaupo sa tiyan ni Castiel habang pinapahiran nito ng make-up ang mukha ng ama. “Daddy, don’t move,” reklamo nito na halos ipagduldulan na ang sarili sa labi ni Castiel. Nilalagyan ng bubuwit ng lipstick ang labi ng ama. “Kuya, tyali mo hair ni Daddy, beautiful ha?” Masunurin namang tumango si Kismo habang ang mga mata ay tutok na tutok sa ginagawa sa buhok ni Castiel na tadtad na ng iba’t ibang kulay ng hairclip. “Mommy,” tawag sa kanya ni Nadia nang makita siya nitong sa bukana ng hagdan. Kumaway sa kanya ang bata at pinaypay pa siyang lumapit. “Look, I am very good na. I made Daddy beautiful.” “Baby Kismo bakit mo naman pinagbuhol-buhol ‘yan?” natatawa niyang tanong sabay h alik sa bumbunan nito. Umupo siya sa likuran ng bata na mistulang pinagbubuhol-buhol ang bawat hibla ng buhok ni Castiel sa halip na talian lamang. “Mama, mali po ba? Ganito kasi
CHAPTER 46 (PART 2) “Ilipat na natin sa taas sina Kismo. Baka mahulog sila ni Nadia.” “I’ll handle it.” “Sige, isa-isahin mo lang,” aniya nang nilapitan nito ang mga bata. Akmang bubuhatin na nito ang nakatulog ng si Kismo nang may maalala siya. “Nasaan nga pala ang mga gamit ni Kismo.” “In his room.” Pilosopo talaga. “Hindi. Iyong mga dati niyang gamit na kinuha niyo raw sa dati nilang bahay.” “At storage room.” “Pwede ko bang makita?” Sinabi niya rito ang kagustuhan ng bata na tingnan niya kung pwede pa bang maayos ang Ipad nito. “Hindi ako sigurado kung nalagyan ko ba iyon ng SD card. Gusto lang namin na makuha ang kopya ng ibang picture namin.” “Ipapakuha ko.” “Ako na lang.” Nasa kanya-kanyang kwarto na kasi ang mga katulong para sa pagpapahinga ng mga ito sa tanghali. “Ituro mo na lang sa akin kung saan. Panhik mo na si Kismo, babantayan ko muna rito si Nadia habang nasa ta
CHAPTER 47 Pasulyap-sulyap si Castiel kay Joana habang papasok sila sa Almeradez Hotel—Bicol Branch para makipagkita kina Riguel at Pink. May confidential na impormasyon raw na sasabihin ito sa kanila. Ngayon niya rin nalaman na kilala pala ni Pink ang kaibigan ni Nexus. “You okay?” Umiling ito. That was stupid question to ask. Alam naman niyang hindi simula nang pinaalis sila ni Jonelyn sa rehab. Sa halip nakausapin ng babae ang kakambal ay nagtatakbo ito paalis. Humabol naman si Joana at syempre ay humabol rin siya nang masilip niya ang mga ito. Nagkulong si Jonelyn sa kwarto nito at nagsisigaw na umalis na sila. Kahit halos magkakalyo na ang kamay ni Joana kakakatok sa pinto ay talagang matigas ang babae. Nagsisigaw pa nga na ayaw nitong makita ang sariling kapatid kaya walang nagawa ang namamahala sa rehab center kundi makiusap sa kanila na umalis na lang muna. Naiintindihan naman nila iyon dahil n
CHAPTER 48 Sinamahan ulit ni Castiel ang mga bata sa rancho. Gusto na naman daw sumakay ni Nadia sa kabayo nitong si Giselle. Pati si Kismo ay niyaya nitong mag-horse back riding. Mabuti na nga lang at alalay naman talaga ang mga tauhan sa Rancho. Ayaw pa sana siyang iwan ni Castiel dahil matamlay pa rin siya. Ngunit pinilit niya itong samahan ang mga anak nila dahil baka kung mapano ang mga ito. Mataas niyang itinali ang kanyang buhok bago siya umalis sa kama. Hinawi niya ang kurtina para pumasok ang sariwang simoy ng hangin. Ilanga raw na siyang matamlay na pati mga anak niya ay hindi na niya nalalambing. Akala niya dati ay magiging handa na talaga siya na ipagtulakan siya ng kakambal. Mas masakit pala kapag pinagtulakan ka pa rin kahit nag-sorry naman na ito. Mas gugustuhin niya yatang galit ang isalubong nito sa kanya kaysa ganon. Umasa kasi siya na yayakapin siya nito at maghahagulhulan silang dalawa. Dumiretso siya
CHAPTER 49 Matalim agad ang tingin sa kanya nina Lucia at Marcos nang makasalubong nila ang mga ito sa hallway. Gustong rumolyo ng mga mata si Joana dahil hanggang ngayon ay hindi pa yata mais aksak sa kukote ng mga ito na hindi siya madadala sa mga banta. Nang makapasok sila, mabibilang lamang sa kanyang daliri ang naroroon. Tanging tatlong bodyguard at ang abogado ng mga ito ang kasama. Hindi niya pinansin ang tingin ng mga ito nang umupo siya sa pagitan nina Aunt Clara at Castiel. Nang dumating ang judge, nagsitayuan silang lahat. Kapagkuwan ay tuloy-tuloy na ang daloy ng paglilitis. Tumayo siya sa witness stand nang pahintulutan na ng hukom ang abogado. And just like any trial, she took the oath of telling the truth and only the truth. “Maari mo bang sabihin ang nangyari noong,” sinabi nito ang petsa kung kailan sila ikinasal ni Castiel. “Castiel Revamonte and I got married at Parish of St. John th