Share

Chapter 34

Lumunok nang dahan dahan si Jacob dahil sa kaba. Ramdam niya rin ang pamamawis ng kaniyang mga palad, kaya naman panay ang punas niya sa kaniyang kumot. Hinayaan niya lamang ang TV na nakabukas upang nang sa ganoon ay doon niya itutuon ang kaniyang mga mata. Kahit na malakas ang volume no’n, walang tunog na pumapasok sa kaniyang tainga na magpapabura ng kaba sa kaniyang dibdib.

Napagitlag siya sa katok mula sa pinto. Ang mga katok na kanina pa niya hinihintay ay dumating na. Dahan dahan itong bumukas, at doon lumusot si Mr. Gregory na nasa maayos na kalagayan na. Sa likod niya ay nakatayo at nakabantay sina Paul at Sid. Halata sa mga mukha nito ang kaba para sa kasamahan.

“Hello Mr. Damien,” bati ng Presidente. Lumapit siya sa kama ni Jacob, na agad namang inabot nag remote ng TV at pinatay.

“H-Hello, Sir,” bati naman ni Jacob. “Upo ho kayo.” Huminga siya nang malal

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status