WALANG PAGAALINLANGANG itinulak ni Jacob ang lalaki paalis sa kaniyang harapan, bagamat halos isang hakbang lamang ang nagawa nito dahil sa tigas ng katawan ng lalaki ay umubra na ito para makaraan siya papunta sa pinto.
“Kyla Buenaventura,” usal ng isang tinig. Napatigil si Jacob sa kaniyang paglakad nang magsalitang muli ang lalaki sa kaniyang likuran, mabilis niyang muling hinarap ang lalaki at sinalubong ang nakangisi nitong labi habang ang mga mata ay nasa isang papel. “Current girlfriend. A singer, going abroad this month for a training. Lost his father when she was a child and now she needs to support her ill mother.”
Tila ba napako ang mga paa ni Jacob sa sahig, unti unting kumuyom ang kaninag mga palad sa galit. “Sino ba kayo? Paano mo nalaman ang mga ‘yan?!”
Bumaling ang mga tingin nito kay Jacob. “We know everything about her as much as we know you. In short, lahat ng kailangan naming impo
INIABOT NI GARETT ang isang kopya ng kontrata kay Jacob. “First and foremost, you’ll need to change your identity, we’ll provide everything with the process. So of course, walang ibang makakaalam nito kundi ako, ikaw, at ang gagawa ng bagong pangalan mo. We’ll erase every record you own, and after you successfully changed all of your information, Jacob Ignacio is no longer a part of this world.” Kahibangan. ‘Yan lamang ang pumasok sa isip ni Jacob pagkatapos marinig ang unang kondisyon ng kaniyang trabaho. “Para saan ito?” tanong niya. “Para sa proteksyon mo,” sagot ni Garett. “H’wag kang mag-alala, ibabalik namin ang lahat pagkatapos ng kontrata, malaya kang muling makakagalaw gamit ang pangalan mo. Magtiwala ka lang sa’min.” Napatawa ng bahagya si Jacob. “Tiwala?” usal nito. “Sa tingin ko ay hindi tayo dapat na mag-usap tungkol sa pagtitiwala.” Ngumiti si Garett. “Tingin ko r
Pinayagan ni Garrett na bumalik si Jacob sa apartment niya upang kumuha ng ilan sa kaniyang mga gamit, sinabihan siya nito na ‘wag nang magdala ng damit o anumang lumang kagamitan sapagkat ang lahat ay ibibigay sa kaniya kapag siya ay bumalik.Madilim at tahimik ang kaniyang kwarto nang buksan niya ang pinto. Nang buksan niya ang ilaw ay ni hindi ito kumurap ng liwanag. Saka lamang niya napansin ang nakapaskil na papel sa kaniyang pinto na may nakasulat gamit ang pentel pen. Ang sulat kamay nito ay halatang nagmamadali at halos sumigaw ang bawat letra sa kaniya.Huli ka nanaman ng bayad! Wala na akong magagawa pa sa kuryente mo!Napabuntong hininga na lamang si Jacob at hinimas ang sumasakit niyang ulo. Dumeretso siya sa banyo upang maligo, basang basa ng pawis ang kaniyang damit sapagkat dalawang kanto ang layo ng kaniyang pinagbabaan dahil ayaw niyang sa tapat mismo siya ng kaniyan
Bumukas ang pinto ng silid ni Jacob. Napangiwi siya sa liwanag na tumama sa kaniyang mga mata pagkatapos nitong mababad sa magdamag na kadiliman. Hinang hina siyang umayos ng kaniyang pagkakaupo, halos hindi niya maramdaman ang kaniyang katawan dahil sa sakit at lamig na naghalo sa kaniyang katawan.Isang pigura ng lalaki ang tumayo sa kaniyang harapan, hinarangan nito ang liwanag na nagmumula sa labas at isang malalim na buntong hininga ang nagmula sa kaniyang bibig. “Inaasahan kong hindi niyo dinungisan ang mukha niya. The Guavez won’t accept is he’s not presentable.”“Wala kaming ginalaw sa ulo niya ni hibla ng buhok,” sagot ng isa sa mga bumugbog kay Jacob. Narinig niya ang pagsindi ng lighter, at maya maya pa ay pumasok na sa ilong niya ang amoy ng mamahaling sigarilyo.“Dalhin niyo na siya sa rest house, papunta na si Mr. Allen,” utos muli ng kararating
Kumalabog ang pinto ng kotse nang isara ito nang malakas ni Jacob. Hindi siya mapakali sa kaniyang kasuotan dahil bukod sa hindi sanay ang kaniyang katawan na balot ng mga mamahaling tela, hindi niya rin alam kung paano niya dadalhin ang kaniyang sarili. Pakiramdam niya ay hindi bagay sa kaniya ang mamahalin at itim na itim na suit at ang necktie na kinailangan pa niyang ipaayos sa matandang lalaki para ito ay makabit sa kaniyang leeg.Nang makasakay sina Garrett sa unahan at ang isang driver, agad silang umalis mula sa hotel. Tinanaw pa sila ng mga staff nito at hindi umalis sa harap ng kanilang building hanggat hindi nawawala sa kanilang paningin ang kotse nila.Iniabot ni Garrett mula sa harapan ang envelope na naglalaman ng kaniyang mga papeles. Nang abutin ito ni Jacob ay saka nagsalita si Garrett. “Nandiyan ang mga tanong na itatanong mamaya, at kailangan mo lang na kabisaduhin ang mga sagot na inilagay rin namin dy
Sa loob ng silid na pinasukan nila, ay katulad din ng ganda ng living room ang buong paligid. Walang mapaglagyan ni alikabok o kahit isang hibla ng buhok ang napakaputing paligid. Sa gitna ng kwarto ay may isang puting table, doon naupo si Mrs. Guavez, sa harap noon ay nakahelera ang mga upuan na may mga numerong nakadikit sa kanilang sandalan. Napagtanto nilang lahat na ang mga numerong iyon ay ang numerong nakalagay sa kanilang application form. Samantala, silang mga aplikante ay naupo sa nakadesigna na upuan base sa kanilang numero.Naupo si Jacob sa pang-limang upuan sapagkat iyon ang nakalagay sa kaniyang applicationg form. Inayos niya ang kaniyang suit at tuwid na umupo upang magmukhang propesyunal. Gayon din ang ginawa ng iba, at ang kaibahan nila kay Jacob, ay kahit hindi nila subukan ay mukha na silang propesyunal samantalang siya ay halatang nagpupumilit lamang dahil sa mali niyang postura sa pag-upo, at sa paraan kung paano niya iposisyo
Hindi makapaniwala si Jacob na isa siya sa mga natanggap na aplikante. Sa dinami rami nila na initerview, at base pa lamang sa itsura ng karamihan sa mga ito, hamak na mas presentable at mukhang matataas ang pinag-aralan ng iba kaysa sa kaniya kahit sa unang tingin pa lang.Inabot ni Jacob ang kamay ni Mrs. Guavez, hindi niya namalayan na nahigpitan niya ang pagtanggap dito kung hindi pa napababa ang tingin ni Mrs. Guavez sa kanilang kamay. Agad naman niya itong binitiwan. “P-Pasensya na po, masayang masaya lang ako,” sabi niya. Sinuklian siyang muli ng matamis na ngiti nito at tinapik ang kaniyang balikat.“Welcome to our family. I will just attend a meeting and my daughter will the the one to assist you in your quarters. Please feel free to ask her questions,” sagot naman nito sa kaniya. Hindi alam ni Jacob ang dapat niyang maramdaman, mayroon sa kaniyang parte na masaya dahil sa unang pagkakataon sa k
Isang mainit na tsaa ang inilatag ni Nanay Sol sa mesa ng kumikintab na living room ng mansyon. Wala ni isa sa kanilang tatlong bagong bodyguards ang kumuha ng para sa kanila sapagkat nakaupo sa kanilang harapan ay ang Presidente ng bansa.“Ayaw niyo ba ng tsaa? Gusto niyo ba ng juice? Kape?” tanong nito nang mapansin na hindi nila ginagalaw ang inihanda sa kanila. “Nanay Sol, ipaghanda mo sila ng wine, baka magustuhan nila.”“H-Hindi na po!” agad na sagot ni Jacob. Napukaw naman niya ang lahat ng atensyon ng nasa living room. Ang mga tsokolateng mata ng Presidente na katulad ng sa babaeng naghatid sa kanila kanina ay dumako rin kay Jacob. “Sigurado ka, hijo? Mahaba haba ang pag-uusapan natin kaya baka kailanganin niyo ng maiinom.” Maski ang boses na malumanay ni Mrs. Guavez ay siya ring nasa boses ng Presidente. Aaminin ni Jacob na hindi talaga niya gaanong kilala ang Presidente
“Mr. Paul Domingo, you can go.” Umangat ang kanilang mga tingin kay Lauren nang magsalita ito pagkatapos ng mahabang katahimikan magmula nang umalis si Mr. Gregory. Nagsalit naman ang kanilang mga tingin sa isa’t isa, at kahit nag-aalinlangan ay tumayo si Paul para umalis.“Excuse me po Ma’am,” sabi nito at saka pumanhik muli sa kaniyang kwarto.Isinara ni Laurena ng kaniyang binabasang papers na naglalaman ng mga resume ni Jacob at ni Sid. Mataman naman itong tumingin sa kanila na ikinakaba ng dalawang naiwan na lalaki. “You said you two want to be my Dad’s personal bodyguard, right? Do you have an idea of what you’re going to deal with in case one of you will be designated to that position?”Walang sumagot sa kanilang dalawa. Nanatili ang mga mata ni Jacob kay Lauren samantalang napayuko naman si Sid at ibinaba ang tingin sa sahig. Bumuntong hini