Share

Chapter 11

Isang mainit na tsaa ang inilatag ni Nanay Sol sa mesa ng kumikintab na living room ng mansyon. Wala ni isa sa kanilang tatlong bagong bodyguards ang kumuha ng para sa kanila sapagkat nakaupo sa kanilang harapan ay ang Presidente ng bansa.

“Ayaw niyo ba ng tsaa? Gusto niyo ba ng juice? Kape?” tanong nito nang mapansin na hindi nila ginagalaw ang inihanda sa kanila. “Nanay Sol, ipaghanda mo sila ng wine, baka magustuhan nila.”

“H-Hindi na po!” agad na sagot ni Jacob. Napukaw naman niya ang lahat ng atensyon ng nasa living room. Ang mga tsokolateng mata ng Presidente na katulad ng sa babaeng naghatid sa kanila kanina ay dumako rin kay Jacob. “Sigurado ka, hijo? Mahaba haba ang pag-uusapan natin kaya baka kailanganin niyo ng maiinom.” Maski ang boses na malumanay ni Mrs. Guavez ay siya ring nasa boses ng Presidente. Aaminin ni Jacob na hindi talaga niya gaanong kilala ang Presidente

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status