Share

Chapter 14

Maagang nagising si Jacob dahil maaga rin siyang nakatulog kagabi. Pagkabalik pa lamang nila sa mansyon, umalis nang muli si Mr. Gregory sa kanilang tahanan. Naiwan naman si Lauren na wala ring ilang sandali ay umalis din, kung saan man sila magsisipunta, wala nang lakas si Jacob upang ito ay alamin.

Gusto niya rin sanang kamustahin si Kyla, ngunit kahit na hindi siya gaanong maalam sa mga cellphone, alam naman niya na may paraan upang kontrolin nila Garrett ang cellphone na ibinigay nito sa kaniya kaya kung tatawagan o itetext man niya ang kung sinuman, agad nila itong malalaman. Natukso pa si Jacob na umalis ng mansyon, ngunit nang tanawin niya ang paligid ay bawat sulok ng bahay ay may gwardyang nakabantay.

Nag-unat unat si Jacob ng kaniyang sumasakit na katawan. Ni hindi niya rin maidilat ang kaniyang mga mata dahil sa pagod. Nagtataka naman siya dahil kahit noon ay halos maghapon at magdamag siyang nagtatrabaho, hindi napa

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status