Share

Chapter 3

Petchay POV

NAKATITIG ako sa hawak kong calling card ng lalaking iyon, sabay sa paghithit ng sigarilyo.

Tulad ng dati at madalas ko nang ginagawa, nakatambay na naman ako sa labas ng bahay ngayong gabi. Hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon, iniisip ko pa rin ang sinabi ng lalaking iyon. Kung seryoso man siya sa kanyang sinabi, bakit ko ito papatusin?

"Ate, nandito ka na naman? Baka lamigin ka. Pumasok ka na sa loob."

Agad kong pinasok sa aking bulsa ang hawak kong calling card nang lumabas si Chay chay mula sa bahay.

"O-Oo, tapusin ko lang itong yosi ko," tugon ko sa kanya.

Napabuntonghininga siya sa aking harapan bago muling magsalita.

"Masama sa kalusugan mo ang sigarilyo, ate."

"Alam ko, alam ko, isa lang naman, eh," tugon ko sa kanya saka muling hinithit ang hawak ko.

"Tsk. Bahala ka nga," aniya.

Hinawakan ni Chay chay ang gulong ng kanyang wheelchair, saka tumalikod sa akin. May kung anong kirot ang naramdaman ko sa puso nang makita ko ito.

"One million pesos."

Nanlaki ang aking mga mata nang may kung anong bumulong sa aking isip at tila narinig ko ang boses ng lalaking si Troy. Pakiramdam ko ay minumulto niya ang utak ko ng halaga na sinabi niya sa akin.

Masiyadong malaki ang halagang iyon at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala. Sa perang iyon, maaari ko nang mapa-therapy ang kapatid ko.

"Chay chay," bigla kong wika, dahilan upang tumigil si Chay chay sa paglayo sa akin. Hindi ko rin alam sa sarili kung bakit bigla ko na lang siyang tinawag.

"Bakit, ate?" nagtatakang tanong niya.

"G-Gusto mo bang makalakad ulit?"

Nakakunot ang noo ni Chay chay habang nababakas ang maraming tanong sa kanyang mukha.

"S-Siyempre naman, ate. Gustong-gusto ko," naluluha pa niyang wika.

Nagsimulang sumikip ang aking dibdib nang makita ko ang pagkinang ng kanyang mga mata. Doon ako nagsimulang magkaroon ng lakas ng loob para matupad ang nais ng kapatid ko.

Ako ang dahilan ng nangyari sa kanya. Ako rin ang dapat umayos nito.

Matapos kong itapon at tapakan ang yosi sa sahig. Mabilis akong lumapit sa aking kapatid saka lumuhod sa kanyang harapan.

Marahan kong binalot ang kanyang katawan sa aking bisig at mahigpit siyang niyakap.

"A-Ate, may problema ba?" nagtataka niyang tanong.

"Wala naman, Chay chay. 'Wag kang mag-alala. Pinapangako kong makakalakad kang muli. Gagawin ko ang lahat para sa 'yo," wika ko sa kanya.

Hindi naman siya nakapagsalita dahil sa aking sinabi, bagkus, yumakap lang siya sa akin pabalik, animoy nagpapasalamat sa 'kin.

***

Nang gabing iyon, nang masigurado kong tulog na sina nanay at Chay chay, agad kong tinawagan ang lalaking nakausap ko kanina.

Hindi naman lumipas ang isang minuto nang sagutin niya ang tawag ko.

"H-Hello," panimula kong wika.

"Sino to?" bungad niya sa 'kin.

"Ako si Charmaine," tugon ko.

Sandaling bumalot ang katahimikan sa pagitan namin, ngunit maya-maya lang ay nagsalita na rin siya.

"Nakapagdesisyon ka na ba–"

"Sigurado ka ba sa isang milyong piso na sinasabi mo? Baka gusto mong gawing dalawa?" pagputol ko sa kanyang sinasabi.

Narinig ko pa ang malalim niyang paghinga mula sa kabilang linya bago muling nagsalita.

"Sige, kung iyan ang gusto mo."

Mariin akong napalunok dahil sa seryoso niyang pagsasalita. Kinuyom ko ang aking kamay saka hinugot ang lahat ng lakas ng loob na kayang ibigay ng aking puso.

Binukas ko ang aking labi, saka sinabi ang lahat ng detalye na nais ko. Nagsabi ako ng lugar kung saan kami maaaring magkita upang i-close ko ang deal sa kanya.

Matapos ang mahabang pag-uusap. Tiningnan ko ang aking cell phone at binuksan ang wifi. Tiningnan ko kung bukas ang wifi ng kapit bahay at doon ako naki-connect. Mabuti na lang at malakas ang pandinig ko dahil narinig kong pinag-uusapan nila ang password nito noong isang araw kaya agad kong na-save.

Gamit ang internet, nag-search ako at hinanap ang pangalang Troy Montreal. Mabilis na nanlaki ang aking mga mata nang mabasa ko ang lahat ng impormasyon tungkol sa kanya. Hindi siya nagbibiro, isa nga siyang mayamang tao at mukhang barya lang sa kanya ang dalawang milyon. Dapat pala mas nilakihan ko pa ang presyo ng Kiffy ko.

Nakatakip pa ng kamay ang aking labi upang hindi marinig nina nanay ang malakas kong paghinga dahil sa gulat sa mga bagay na aking nababasa.

‘Grabe pala talaga ang yaman ng lalaking iyon.’

Halos hindi na ako makatulog kaiisip sa mga nakasulat na article tungkol sa kanya. Wala siyang asawa at higit sa lahat, never siyang nagkaroon ng girlfriend.

Thirty-years old, halos ka-edaran lang namin ni Chay chay. May height siyang five eleven, kaya pala halos nakatingala na ako habang tinitingnan siya. five seven lang ang height ko, hindi naman maliit.

Ngunit isang bagay ang tumatakbo sa aking isip. Kung five eleven ang height niya, ilang inches kaya ang nakatagong b****a sa likod ng pantalon niya?

Mariin kong iniling ang aking ulo dahil sa mga kalokohang bagay na naiisip ko.

‘Hindi ito ang panahon para sa ka-manyakan, Petchay! Focus tayo sa goal,’ bulyaw ko sa sarili.

Nagmadali na akong humiga sa higaan at pilit na natulog.

***

Sa pagsapit ng umaga, hindi na ako nagpaalam pa kay nanay at kay Chay chay. Naglinis na ako ng katawan at nag-ayos ng sarili, saka sumakay sa taxi at nagtungo sa restaurant na sinabi ni Troy.

Patungo palang ang sinasakyan kong taxi sa lugar kung saan kami magkikita, namamangha na ako sa paligid dahil mga sosyal na sasakyan ang nakakasalubong ko.

Hanggang sa maya-maya lang, tuluyan na kaming nakarating sa patutungohan.

Mariin akong napalunok habang minamasdan ang malaki at mamahaling restaurant na nasa aking harapan. Kita ang loob nito dahil glass wall lang ang paligid. Walang tao sa loob at tila nirentahan ang buong lugar.

Sa paglibot ng aking paningin sa loob, natamaan ng aking mata ang lalaking naghihintay sa 'kin – si Troy.

Kinuyom ko ang aking kamay saka mariing napalunok ng laway.

Wala nang atrasan ito, Petchay. Nandito na tayo. Marami na tayong sinakripisyo at kailangan kong gawin ito para sa kapatid ko.

Hinawakan ko ang aking dibdib. Sa dami ng pagsubok na pinagdaan ko, ngayon lang ako kinabahan nang ganito.

Sinimulan kong ihakbang ang aking paa at naglakad papasok sa loob ng restaurant.

"I'm here," panimula kong sabi kay Troy nang makalapit ako sa kanyang kinaroroonan.

Marahan namang tumaas ang kanyang ulo at nagtama ang tingin namin sa isa't isa.

"Seat down," ma-otoridad niyang utos.

Umupo naman ako at nagpakita ng malaking ngiti sa labi.

"So, paano ko malalaman na totoo ang mga sinasabi mo?" panimula kong tanong sa kanya.

Maya-maya lang, may kung anong papel ang kinuha niya sa loob ng bag at nilapag sa lamesa na nasa aming harapan.

Tumaas ang aking kilay nang makita ang nakasulat sa papel na ito, ang halagang aming napag-usapan.

‘Seryoso nga talaga siya,’ wika ko sa sarili.

Nilapat ko ang aking hintuturong daliri sa cheque na nilapag niya at aktong kukunin na ito. Ngunit nang hilahin ko ang papel na ito, agad niya rin itong binawi at nilabas ang isa pang papeles.

"Sign this contract first. Kailangan mong sumunod sa gusto ko kapalit ng perang ito."

Kunot-noo akong nakatingin sa kanyang mukha, saka muling titingin sa papel na nasa aming harapan.

"Tsk. Sigurista ka rin, ano?"

Napa-smirk na lang siya sa aking sinabi, saka tumaas ang gilid ng labi. Muntik nang matunaw ang aking puso sa ngiti niyang iyon. Hindi talaga ako makapaniwalang hindi pa nagkakajowa ang lalaking ito.

He's perfect. His eyebrows, hawkish nose, concrete jawline, red lips like apple. Ano pang hahanapin mo sa lalaking ito? Pwera na lang talaga kung maliit si totoy.

"Charmaine?" pagtawag niya sa aking pangalan na nagpaputol sa mga bagay na aking iniisip.

"H-Ha? Ah. Oo, sige," nauutal ko pang wika.

Kinuha ko ang papel na nasa kanya saka mabusising binasa ito. Sunod-sunod ang pagtaas ng aking kilay at pagkunot ng noo habang binabasa ang mga bagay na nakasulat dito.

Nakasaad sa papeles na kailangan kong sumama sa kanya, manirahan kasama siya hanggang sa araw na magkaroon kami ng anak. Nakasaad din dito na kung magkakaroon kami ng anak, sa kanya mapupunta ang bata sa oras na nais ko nang humiwalay sa kanya.

‘Anong klasing kontrata to? Parang halos lahat ay pabor sa kanya?’

Ang totoo, wala naman akong pakialam kung magkaroon kami ng anak o sa kanya mapunta ang bata. Importante sa akin ang pera na magpapagaling sa kapatid ko. Hindi ko lang talaga alam kung handa na ba ang katawang lupa ko para maging isang ina. Isipin ko palang, kinikilabutan na ako.

Wala pa kasi talaga sa aking isip ang magka-anak. Pero bahala na, ayoko ring matali sa isang relasyon kaya mas okay na siguro ang ganito.

Nilagdaan ko ang papeles na nasa aking harapan, saka marahang tinulak ito patungo sa kanya gamit ang mapilantik kong daliri.

Pinag-intertwined ko ang daliri sa aking kamay saka pinatong ang aking baba rito. Isang ngiti ang binigay ko sa kanya saka nagtapon ng may mapang-akit na tingin.

"Now tell me, can you satisfy my need as a woman?" tanong ko sa kanya. Tila napuno naman ng pagtataka ang kanyang mukha na nagpakunot din sa aking noo. "Sandali, don't tell me you're a virgin?" natatawa ko pang tanong.

Nagsimulang mamula ang kanyang mukha hanggang sa kanyang tainga.

Bumulalas ako ng tawa nang makita ko ito dahil alam ko na agad ang sagot.

"Oh em gee! Seryoso?!"

"Sa tingin ko ay hindi mo na kailangan i-bring up ang bagay na iyan," pag-iwas niya ng tingin sa akin saka inayos ang necktie niya.

Pigil ang aking pagtawa habang tinitingnan ko si Troy.

"Okay, I'm sorry," saad ko sabay pahid sa butil ng luha na tumakas sa aking mata dahil sa aking pagtawa. "By the way, now that the deal is closed, pwede ko na bang makuha iyan?" pagtukoy ko sa cheque na nasa kamay niya."

"Okay," maiksi niyang tugon sabay bigay nito sa akin. "Huwag kang magkakamaling takasan ako. Kayang-kaya kitang kasuhan," pananakot niya.

"Yeah! I know." Sabay sa pagtango-tango ng aking ulo.

Tila kumikinang naman ang aking mga mata habang nakatingin sa cheque na nasa aking kamay.

Sa wakas, matutupad ko na lahat ng pangarap ko.

Mga Comments (3)
goodnovel comment avatar
Jacklin Walker
update po.....
goodnovel comment avatar
Mary Jane
Klan mag update sis
goodnovel comment avatar
Joan Fuentes Sollar Rallos
asan Ang karugtong
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status