Share

Chapter 7

          Plano pa sana nila ni Gunner na pumasyal sa Eiffel Tower at akyatin ang hindi man 704 steps nito ay kung hanggang saan sila makarating. Ienjoy din sana ang overview ng Arc de Triomphe at Champs-Elysées. Pero dahil hindi niya naiwasang magbukas ng kanyang social media account at makita ang latest news tungkol sa umanoy relasyon ni Hugh at isang kolehiyala from Batangas ay muling nanariwa ang sugat sa puso niya. Naging matamlay ang kaniyang pakiramdam at napansin marahil ito ni Gunner kung kaya't hindi na sila tumuloy sa kanilang lakad. Maghapon siyang nagmukmok sa silid.

        Lumabas na lang sila para kumain. Si Boss Gunner ang pumili ng Resto dahil ayon dito masasarap ang mga pagkain doon. Yeah, it was classy and fab ngunit kahit yata gaano kasarap ang mga pagkain na nakahain, wari'y sumayad lang ang mga iyon sa lalamunan ni Kristel. Hindi niya malasahan at pinilit lang niyang lunukin malamnan lang ang sikmura.

        "Hey.. eat some more. Kakaunti pa lang ang naisusubo mo. Kailangan mo iyan para lalo kang lumakas lalo't kagagaling mo lang sa sakit." wika ni Boss Gunner habang matamang nakatingin sa kanya. 

        Sasagot pa lamang siya nang biglang mag ring ang cellphone ng binata.

        Clifford. That's the name of the caller. Bahagyang tumikhim ang binata at tumingin sa kanya.

        "Excuse me. I'll just take this call. Kumain ka lang diyan." bilin nito bago lumabas upang kausapin ang caller. 

        Curious na sinundan niya ng tingin ang binata. At mula sa glass wall ng resto ay kitang - kita niya ang galit na rumehistro sa mukha ng binata. Kahit hindi naririnig at base sa nakikita, mukhang nangagagalaiti ang binata sa kausap nito. Bago natapos ang tawag ay napansin pa niya ang biglang paghawak ng binata sa sentido nito. Iniiwas niya ang tingin nang pumaling at mapansin na papasok na muli ang binata sa loob ng Resto.

        Nagkunwari na lamang siyang nasa pagkain ang pansin. Nang maramdaman sa kanyang tabi ang binata ay saka siya pumaling dito.

        "Is it about work?" hindi napigilang pang - uusisa niya.

        "No. It's something personal." seryosong sabi ng binata. Halos hindi nito magalaw ang iniwang pagkain kanina.

        "Eat.. Halos hindi mo pa nagagalaw pagkain mo." panggagagad niya sa utos nito sa kanya kanina.

        Boss Gunner smirked at her. Nilaro laro lang nito ng tinidor ang pagkain. She immediately saw his eyes glittering with tears.

        "H-hey Boss.. A-are you crying?" nag - aalala niyang tanong sa binata.

        Pinalis nito ng kamay ang mata. "Nope. Napuwing lang ako."  

        Sandaling katahimikan ang dumaan bago niya muling narinig ang boses ng kanyang Boss. Batid niyang apektado ito sa natanggap na tawag mula sa kung sinumang Clifford iyon. 

        "I think I didn't like the food here. Lipat tayo. Doon taya sa kabila. " itinuro nito ang La Machine Food and Nightclub. Agad naman siyang pumayag sa binata.

        When they enter the three-floor club, agad niyang napansin ang elegant interior. May live music at malawak ang main dance floor. Pagpasok pa lamang nila ay agad ay amoy ng French food at wines ang sumalubong sa kanila. Naghanap sila ng magandang puwesto. 

        Nang maiserve sa kanila ang order ni Boss Gunner na pagkain ay agad niya itong inusisa. 

        "Wanna share things that's bothering you?" aniya sa binata. "I'm willing to listen."

        Umiling - iling lang ang binata. "Nope. Wala naman. Kaya pa naman." Pilit pa itong ngumiti ngunit hindi bumenta sa kanya. Alam at nararamdaman niyang apektado ang binata sa natanggap na tawag. 

        

*****************

        "Hey.. eat some more. Kakaunti pa lang ang naisusubo mo. Kailangan mo iyan para lalo kang lumakas lalo't kagagaling mo lang sa sakit." wika niya habang matamang nakatingin kay Kristel. 

        Hinihintay niya ang sagot ni Kristel nang biglang mag ring ang cellphone niya.

        Clifford. That's the name of the caller. Bahagyang tumikhim at tumingin siya sa dalaga.

        "Excuse me. I'll just take this call. Kumain ka lang diyan." bilin pa niya bago lumabas upang kausapin ang caller. 

        "Hello Clifford.. what's up?"

        Tumikhim pa ang nasa kabilang linya. Ilang saglit ang namayani. "Uhmm.. Gunner,.. you're right. Nina's with Gunner on her out-of-town trip. Only the two of them. I'll send you the pictures."

        "Damn!" Bigla siyang napahawak sa sentido niya. How could Nina Ellize do this to him. Ikakasal na lamang sila in a few months time. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman. Pinagsama - samang sama ng loob, pait, panlulumo, hinanakit, pagkabigo, panghihinayang. How he wished he was dead not to feel these pain! Numb! Sana naging manhid na lamang siya. All this time, ginawa niya ang lahat upang maisalba ang relasyon nila ni Nina Elizze. Marahas siyang napabuntunghininga.

        "Okay Cliffs. Just keep me updated." Mabilis niyang hinamig ang sarili bago bumalik sa loob ng Resto. Mabilis niyang niyaya ang kasama sa nadaanang Nightclub kanina. Parang gusto niyang uminom sa sandaling ito.

***********************

        Kristel couldn't believe it! Dahil marahil sa kalasigan nagawang sabihin sa kanya ni Boss Gunner ang pinagdadaanan. She didn't know. Wala siyang alam sa love life o affair ng Kuya Gibson niya. Bihira silang magkita ng kapatid kaya hindi siya updated. Hindi niya alam kung paano iku - console ang binata gayung maging siya ay hindi pa rin nakaka move on sa pagkabigo kay Hugh. Dapat ba siyang ma guilty sa nararamdaman nito in behalf of her brother? 

        Sa tensiyong nararamdaman, hindi niya namamalayang napaparami na rin siya ng inom na wine. Natagpuan na lamang din niya ang sariling sinasabi ang lahat ng mga pinagdaanan sa pamilya ang disappointment ng ama nang pumasok siya sa showbiz hanggang sa heartaches na naramdaman kay Hugh. Ganun din ang binata, kung paanong mula sa papalit - palit ng girlfriend noon hanggang sa makilala si Nina Elizze nang minsang maging Judge siya ng Beauty Pageant kung saan si Nina Elizze ang tinanghal na panalo. They were together for four years and in a few months, time nga ay ikakasal na.

        'Come to think of it. Kahit CEO at guwapo, nabibigo pa rin.'

         Nasa kanya na lahat pero nagawa pa ring ipagpalit ni Nina Elizze sa kanyang kuya, if that was true.  

        "Kung ako si Hugh.. I will never give you false hope. You're one of a kind Kris. Masuwerte ang lalaking mamahalin mo." namumungay pa ang matang wika nito. Malakas na talaga ang tama nito.

        "Really? Promise you won't hurt me like Hugh?" 

        "Promise!" malakas na sabi ni Gunner. Tumango - tango pa ito.

        "If I were Nina, I will never look for another guy. Ang suwerte suwerte na niya sa iyo. Imagine, the CEO and the most admired bachelor in the country nasa kanya na, pakakawalan niya pa. Such a loser!" napahagikhik naman niyang sabi. 'May tama na rin yata siya.'

*********************

        Nagising si Kristel na parang may pumupukpok sa kanyang ulo. Pakiramdam niya'y hilong hilo siya. Masakit din maging ang kanyang lalamunan. Maging ang buong katawan niya ay sumasakit. Pinilit niyang imulat ang mata.

        Napasinghap siya nang maalala ang naganap kagabi. 'Oh no. What have I done?'

        'Oh no.. Oh no.. ' paulit ulit na sigaw ng isip niya. 'This can't be!'

        Bahagya pa siyang nagulat nang marinig na sumigaw si Gunner. He is still not wearing his garments on while talking to someone. Marahil ay nagising lang din ito sa natanggap na tawag.

        "What! Tell me it's not true! Hindi totoong naaksidente sina Nina at Gibson!"

        Sa narinig ay hindi maiwasan ni Kristel na mag - alala. 'Oh no..Hope Gibson is okay.' piping panalangin niya.

        "Okay. I'm coming. Please make sure Nina is okay." Si Nina pa rin. Bakit? Dahil magkasama sila ni Gunner ngayon ay ibig sabhinin  nito ay kinalimutan na nito si Nina? Hell, no! Isang naghuhumiyaw na katotohanan. Mahal na mahal ni Gunner si Nina. Anuman ang mga nagawa nito sa binata.

        Nagawa niyang magkunwaring tulog habang nag - aasikaso si Gunner sa pag - alis. 

        The moment he closed the door and left, hindi lang katawan ni Kristel ang nasasaktan. Recalling all his promises last night, maging ang puso niya ay nawasak. Not with Hugh but with Gunner this time. 

        Matagal na sandaling nanatili siya sa kinahihigaan niya. Hindi niya magawang kumilos kahit utusan ng isip niya ang sariling kumilos at bumangon na. Wari'y namamanhid ang buong katawan niya.. ang buong pagkatao niya. Pakiramdam niya'y durog na durog na siya. 

        Numb. Sana talaga manhid na lang siya. Kaso hindi eh. She could still pain in her heart. Ang sakit. Sobrang sakit na. Anong mali sa kanya? Bakit lahat na lang ayaw sa kanya?

        Argggh. When will this be over?

*******************       

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status