Share

Chapter 32

“THANK you Ma’am at Sir, balik po ulit kayo dito sa Zenai,” magiliw na pagbati ni Tracy sa papalabas na mag-asawang customer sa kanyang restaurant. Ipinagbukas pa niya ang mga ito ng pinto. Nakangiting tinanguan pa siya ng mga ito na halatang nasiyahan sa service nila. Nagpasya na siyang bumalik sa kanyang pwesto bilang isang cashier.

Kapag ganoong gabi na, ipinapaubayan na niya kay Myrna at Menard ang kusina. Sa ibang trabaho na ang ginagawa niya, minsan ay nagiging waitress pa siya kapag dumadagsa ang kanilang mga customer.

Hindi naman kasi sila kagaya ng malalaking restaurant na kayang maglagay ng maraming empleyado. Kung kaya nagiging all-around siya kahit siya na mismo ang owner.

May dumating pang bagong customer na nakita niya sa glass panel ng pinto ng restaurant. Kaagad iyong pinagbuksan ni Rigor at magiliw na binate. Isang sopistikada at halatang mayamang babae ang pumasok. Kitang-kita ang kagaraang tela ng suot nitong dress. Naging pamilyar sa kanya ang mukha nito.

Hindi si
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Bhie Rambonanza In
naku katakot nman c Viena dapat tlga iwasan mo nalang c Fien Tracy
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status