Share

Chapter 40 - Stealer

"Good evening, Benji..."

Kahit pagbuka ng bibig ay hindi ko magawang gawin at pagtitig lang ang tangi kong nasagot sa kaharap ko. Hindi naman ito ang unang beses na pumunta siya rito ng gabi sa bahay pero bakit ganito na lang kung magdabog ang dibdib ko? I'm just... surprised. Hindi ko inaasahan na pupunta siya rito, at nagkusa siyang dumalaw.

Kanina lang ay pinag-uusapan namin siya ni Mom, tapos ngayon ay nasa harap na siya ng bahay namin? Naradar niya ba na siya ang topic namin ni Mom?

"Earth to Benji? Hello?" Nabalik ako sa realidad nang sumipol si Erie at pinitik ang mga daliri niya sa tapat ng mukha ko. "Para kang nakakita ng multo, ah." Pagtawa niya ngunit halata ang pagiging matamlay ng mukha niya.

Saglit akong kumuha ng lakas ng loob para magsalita, nakakainis. Siya lang talaga ang bukod tangi na nagpapabaliw sa sistema ko. Matino pa naman ako kanina pero ngayong kaharap ko siya ay parang lumilipad na naman sa outer spa

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status