Share

Chapter 48 - Sweet Burden

Pasado alas-tres ng hapon nang pumanhik si Erie sa kuwarto niya at hanggang ngayon ay hindi pa siya bumababa. Sakto alas-siete na ng gabi pero parang wala siyang balak bumaba para maghapunan.

Hindi ko alam ang dahilan kung bakit iniwan niya ako sa living room habang nakatanga. Nakakahiya sa part ko ang nangyaring naibulalas ko ng malakas ang lyrics ng kanta na para bang nag-confess ako ng feelings ko sa kaniya.

Wala naman sana problema 'yon, gusto ko na nga umamin pero hindi ko malaman kung bakit pakiramdam ko ay may kinalaman sa nadulas kong pag-amin kaya siya nanakbo paakyat sa kuwarto niya.

Napabuga ako ng hangin at hinayaan ko muna maiwan sa ere ang mga iniisip ko tungkol sa nangyari kanina. Tinuon ko sa pagluluto ng dinner namin na dalawa ang pansin ko. Kamuntikan na kasi masunog ang sauce na nakasalang sa stove kakaisip ko.

Nagprepara ako ng carbonara at sinamahan ko 'yon ng garlic bread. Hindi ko sigurado kung ano ang tr

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status