All of joy and excitement that lingering on my system suddenly fades just in one snap. Tanging pagmasid lang sa babaeng iniibig ko ang tangi kong nagawa. Lalo pang natuod ang mga paa ko dahil sa banayad na ngiting naglalaro sa kaniyang labi habang tutok na tutok ang kaniyang atensyon sa lalaking kausap niya.
Hindi ko lubos maunawaan kung bakit biglang gumapang ang iritasyon sa sistema ko. Gusto ko man igalaw ang mga paa ko patungo sa kaniyang direksyon ay naunahan na ako ng pagkawalang gana.
Sino itong lalaki na kausap niya? At bakit gano'n niya na lang ito ngitian? Para bang tuwang-tuwa siya at nakita niya ngayong dis-oras ng gabi ang lalaking ito.
Umigting ng husto ang iritasyon sa sistema ko at nilakbay na nito ultimo kasuluk-sulukan ng laman loob ko dahil tinapik nitong lalaki ang balikat ni Erie. Hindi lamang tapik iyon, kita ko kung paano nito marahang inihaplos ang lapastangan niyang mga daliri sa bahaging iyon ng katawan ng mahal ko.
Ano'ng ka
Hinihintay ko ang magiging response ni Erie ngunit lumipas ang ilang segundo ay tahimik pa rin ang nagingibabaw sa pagitan namin. Napako lang din sa 'kin ang mata niyang puno ng gulat at pinaghalong pagtataka. Nakaramdam ako ng nostalgic feeling. Ang scene na ito ay parang tulad ng dati sa tuwing may mababanggit akong maganda tungkol sa kaniya pero ang ending ay tatawanan niya ang papuri ko, na siya naman ang pumilit na sabihin ko iyon. Nagsisimulang gumapang ang pagkabalisa ko, hindi ko mahulaan kung ano ang naglalaro sa isipan niya ngayon. Siguro ay iniisip niyang nambobola lang ako. Baka inaakala niyang nagbibiro lang ako tulad ng lagi niyang sinasabi na, char! sa tuwing binibilog niya ang ulo ko noon. Parang nagsisisi tuloy ako na sinabi ko pa ang totoong tumatakbo sa isip at puso ko. Deserve niya malaman kung bakit abnormal ang attitude na nakikita niya sa 'kin ngayon, pero sangkatutak na
"Maupo ka na. Ako na ang magtatapos niyan."Pilit kong pinapaupo si Erie sa gutter para magpahinga. Pansin ko kasi ang pagtagaktak ng kaniyang pawis at hinihingal din siya ng kaunti.Ngayon ang second day ng punishment sa violations namin. Community cleanup sa paligid ng Eastwest ang parusa namin. As usual ay pinasama kami ulit sa mga irregular students na may NSTP subject.Hinati kami sa tatlong grupo: ang una ay mga magpapalit ng pintura ng bench sa school ground, pangalawa ay magtatanim ng panibagong halaman at bulaklak sa mini garden ng campus. Sa amin napunta ang pagwawalis ng mga kalat sa buong campus at sa kalapit kalsada ng Eastwest.7 AM ay nagsimula na kami magwalis ng mga kalat sa loob ng campus at ngayon ay nasa labas na kami. Alas-otso pa lang pero nakakapanghina na ang init na inilalabas ng araw. Kaya nagmamantika na ang binibini ko, dala rin ng pagod kakawalis."Kaya ko 'to. Ituloy mo na 'yang pagwawalis mo," she said while sweeping
"You guys can landi naman kasi in private, right? Hindi 'yong ipapamukha niyo pa sa 'kin na miserable ang love life ko!"Hindi mapigilan ang hagikgikan namin ni Erie dahil hindi matigil sa kakaikot ng 360 degrees ang mata ni Kayle. Iritang-irita na ang mata niyang kanina pa nakikita ang sweet moments namin ng binibini ko."Ang hilig mo kasi mang-busted, sino inggit ngayon?"Pinandilatan ako ng mata ni Kayle sabay bato sa 'kin ng fries na sana ay kakainin niya. "How dare you?! I'm not envious of your pabebe love affair, duh?"Tapos na ang paglilinis namin sa buong campus, kumakain na kami ng lunch sa bagong bukas na café hindi kalayuan sa Eastwest. Café de l'âme colorée (Colorful Soul Café) ang pangalan nito, coffee drinks ang main product nila pero mayroon din silang menu for lunch. Dagsaan lagi ang pagdating ng mga tao rito
Tila may pader sa pagitan namin ni Erie dahilan para hindi kami magkaroon ng pagkakataon na magpansinan. O sadyang ayaw lang namin kausapin ang isa't isa... Marahil ay naghihintayan kami kung sino ang babasag sa nakakairitang katahimikan.Nauna na sa 'min umuwi si Kayle, iniwan na niya kami dahil halata niya ang biglaang pagsama ng hangin habang nananghalian kami. Mas naging intense pa ang nakakailang na atmosphere dahil hinayaan niya lang kami ni Erie na ganito ang sitwasyon.Pauwi na rin naman kaming dalawa, nag-aabang lang kami ng masasakyan pero isa rin iyon sa nagpapairita sa akin. Wala kaming matiyempohan na jeep at punuan lahat ng dumaraan sa gawi namin.Well, it's not Erie's fault kung bakit gano'n. Pasado alas-dose pa lang ng tanghali at uwian na ng mga taga-Eastwest National. Gusto ko sisisihin ang katabi kong pandak dahil sa bagay na 'yon, pero ang immature no'n at wala sa hulog.Kailangan ba talagang mainis ako sa lahat ng bagay?
"Morning shift ka tomorrow, Liam. See you in office!" Message iyon galing kay Sir Patrick. Hiningi ko kasi ang schedule ko sa OJT. Gusto ko kasi i-manage ang oras ko bukas dahil marami akong aasikasuhin na school works, gusto ko rin kasi isingit sa oras ko ang plano kong i-date si Erie. Yup, kailangan ko bumawi sa pagiging aburido at immature ko kaninang umaga. "Alright," bulong ko habang nag-reply ng thank you. Binaba ko na ang phone matapos kong basahin ang noticed ni Sir Patrick sa confirmation ko. Pasado alas-nuebe na ng gabi at wala pa akong balak matulog. May ilan pa akong activity na kailangan gawin para sa minor subjects ko. Nasa dining area ako at nakatutok ako sa laptop. Naghahanap ako ng puwedeng makuhang relatable article sa research na ginagawa ko. Nawala rin agad ang atensyon ko sa binabasa dahil nag-ingay ang phone ko. Mabilis ko itong sinagot dahil pangalan ni Erie ang naka-display sa screen. "Good evenin
"Sorry, hindi ako makakasabay sa 'yo pagpasok. Morning shift kasi ako ngayon. Let's catch up after my duty."Na-i-sent ko muna ang message ko kay Erie bago ako nagpatuloy sa paglalakad palabas sa street namin.Hindi ko na siya nagawang puntahan sa kanila dahil baka mahuli pa ako sa pag-log in sa OJT ko.Nasa kalagitnaan ako ng paglalakad ay nag-vibrate ang phone ko. Dinukot ko ito habang lumilinga ako sa daan para tumawid sa kabilang kalsada."Okay lang. Focus ka sa work mo, I can wait naman. Basta sa 'yo lang hehehe 😘"I suddenly felt my cheeks burned up. Para akong bata na nakaramdam ng biglaang pag-iihi. Hindi ko malaman kung saan ako babaling para humupa ang bagay na kumikiliti sa kalooban ko.Gusto ko man mag-reply sa mala-pulot pukyutang message ni Erie ay nagpigil ako, binalik ko na lang muli sa aking bulsa ang phone ko. Baka kasi bigla na lang lumiko ang mga paa ko pabalik sa daan sa street namin para puntahan siya at huwag na pumasok sa office.Hindi naman ako nabigo sa pag-t
Matapos ang eskandalo na naganap sa pagitan nina Wendy at Erie ay hindi ko na nasilayan ang kaniyang bulto sa campus. Hindi siya sumipot sa klase namin kaya hindi rin ako nagkaroon ng pagkakataon na makausap siya tungkol sa nangyari kahapon.Buong maghapon ko siyang hinintay na magpakita sa classroom pero dumating na lang ang uwian ay wala talagang pag-asa na makita ko siya.I called her many times but her phone was out of coverage. Siguro ay naisipan niyang huwag muna magpaistorbo kahit kanino, kahit sa 'kin.I never tried to sulk just because she was ignoring me. Naiintindihan ko kung iyon man ang nais niya at nirerespeto ko 'yon.Sa tingin ko rin ay kailangan niya ng peace. Napakabigat ng bagay ng ibinintang sa kaniya ni Wendy na siya ang ay may kagagawan kung bakit pumanaw si Melisa, and to think na halos lahat ng estudyante sa Eastwest ay narinig 'yon? Kahit ako ay pipiliin ko na itago ang mukha ko sa lahat kung sa 'kin din mangyari 'yo
I kind of feel nostalgic as I made my way to the place where the first time I found tranquility. Ilang taon na rin simula nang huli kong itinapak ang mga paa ko sa espesyal na lugar na 'to. Matatayog na ang mga damong nadaraanan ko, matatag pa rin ang mga punong huling kita ko ay nalagas na ang mga dahon. Halos lahat ng puno ay napapaikutan na ng baging at ligaw na halaman. Napakatahimik, puro huni lang ng ibon at pag-iingay ng mga dahon gawa ng paghampas ng hangin ang ume-echo sa kabuuan ng garden. Malaki na ang pinagbago ng Secret Haven, mas nagmukha na itong totoong haunted garden kaysa noon. Ngunit kahit gano'n ay nagagalak ang kalooban ko. Sa bawat linga ko sa paligid ay tila nakikita ko ang mga past scenario na pinagsaluhan namin ni Erie sa lugar na ito. Hindi mapigilan ang pagguhit ng nananabik na ngiti sa aking labi. Saglit akong huminto sa paglalakad at ipinikit ko ang aking mga mata. Parang coincidence na