Share

CHAPTER 24

Nang matapos sa pananghalian ay napagdesisyonan nila Amara at Dakila na mamayang meryenda nalang nila kakainin ang natirang dessert na nasa refrigerator. Busog na busog si Amara. Napasarap ang kain niya kanina habang kakwentohan si Dakila.

Naikwento niya rin kasi rito ang mga kagagahan nila ng mga kaibigan niya sa tuwing nalalasing sila sa club. Hindi nga niya alam kung bakit komportable siyang magkwento rito ng kahit na ano na kung tutuusin ay hindi dapat. Baka, na-turn off na ang binata sa kanya!

Kasalukuyan silang nakatambay ngayon dito sa isang kubo sa labas na kalapit lang ng bahay ni Dakila. Gumagawa ang binata ng gagamitin niyang saklay. Nagsisi nga siya kung bakit pa siya nag-inarte kanina. Tapos na tuloy ang maliligayang araw niya. Katitila lang ng ulan kaya heto at nasa labas sila.

"Ikaw ba ang may gawa nito, Dakila?" tanong niya saka itinuro ang kubo.

Nilingon siya ng binata na huminto

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status