Share

Chapter 26

Naalimpungatan sya dahil may humahaplos sa buhok nya. Nang magmulat sya ng mata ay mukha agad ni Alexandros ang nakita nya. Mukhang pagod ito at inaantok din.

“Sorry, nagising ba kita?” nag-aalalang tanong nito. Huminto ito sa paghaplos sa buhok nya.

Hindi nya pinansin ang tanong nito. “Bakit andito ka?”

“Gusto ko lang sana bantayan ka.” Masuyong sabi nito na hindi inaalis ang tingin sa mukha nya.

“Okay na ‘ko Alexandros, may mga nurse naman dito. Tsaka babalik din sila Keith maya-maya kaya pwede kana umalis.”

Lumungkot ang mukha nito.

Gusto man nyang manatili dito ang binata pero paano sya makaka move on ng tuluyan kung nasa paligid nya lang ito lagi? Alam naman nya kung saan sya lulugar, hindi sya bagay dito. Masyado malayo ang agwat ng estado nila.

“Elaine, can I just stay here for tonight? Ngayong gabi lang, gusto kitang makasama.. Hindi ako makatulog, kada pinipikit ko mata ko imahe mo na palubog ang nakikita ko at may dugo.”

Lumambot naman ang puso nya sa sinabi nito, hi
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Myles Berces Canillo
Ganda nman NG story n2
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status