Akmang tatayo na sya mula sa kama ng bigla syang niyakap ng mahigpit ni Alexandros. Halos hindi sya makagalaw dahil ang binti nito ay nakapulupot sa kanyang binti. Hindi nya alam kung gising na ba ito o tulog pa dahil nakapikit padin ang mga mata nito.Nagising kasi sya sa alarm ng kanyang cellphone. Buti na lang din at agad nya ‘yon nai-off, kung hindi baka nga nagising ang kanyang katabi. Pinagmasdan nya ang mukha ni Alexandros at napangiti. Talagang kahit tulog ito ay napaka gwapo. Dahan-dahan nyang hinaplos ang matangos nitong ilong gamit ang kanyang hintuturo.Humagikgik sya ng mahina ng kumunot ng bahagya ang noo nito. Agad naman nyang itinigil ang ginagawa at baka nga magising ito ng tuluyan. Hinayaan na lang ang sariling pagmasdan ito ng tahimik. Sana lang talaga ay maging kamukha nito ang nasa sinapupunan nya. Maganda din naman sya sabi ng iba, pero gustong-gusto nya kasi makuha ng baby nila ang matangos na ilong nito, maski na ang hugis ng labi.Bigla naman sya natigilan n
Kanina pa sya pauli-uli ng lakad sa loob ng closet room nila ni Alexandros. Hindi kasi sya makapili kung anong susuotin nya, lahat naman ng damit na binili sa kanya ng binata ay pawang magaganda at alam nyang mamahalin din. Pero hindi nya alam kung isa ba sa mga damit na ‘yon ang susuotin nya o ang dala mismo nyang damit ng pumasok sya dito sa isla. Gusto kasi nya sa unang pagkikita nila ng mga magulang ni Alexandros ay makita ng mga ito kung ano ba talaga sya, isang simple babae na mahal ang anak ng mga ito. Kapag kasi sinuot nya ang isa sa mga damit na nasa harapan nya, baka isipin naman ng mga ito na pera o materyales na bagay na kayang ibigay ni Alexandros ang habol nya kung bakit nya pinili ito.Lumingon ulit sya sa kabila cabinet kung nasaan ang mga damit nya talaga. Napakagat labi sya at tinitigan din ‘yon. Halos wala syang makita na simple pero pormal na dress sa mga damit nya mismo. Puro jeans at t-shirt kasi ang halos dinala nya ng pumasok sya dito. Trabaho lang naman kasi
Naputol ang pagtitig ng mga ito sa kanya ng biglang tumili si Selena at nagmamadaling lumapit sa mga ito at niyakap. Ngumiti naman ang mga ito sa anak at niyakap din. Lumapit sa kanila si Ethan at niyakap sya na syang ikinagulat nya. Hindi nya kasi akalain na gagawin nito ‘yon lalo pa nga at medyo ilag ito sa ibang tao.“Congratulations!” bulong nito sa tenga nya. Magpapa-salamat sana sya dito ng bigla naman kinalas ni Alexandros ang yakap ni Ethan sa kanya at bahagya pa syang hinigit papunta sa tabi nito.Amuse naman na tiningnan ito ni Ethan, mukhang hindi din nito inaasahan na gagawin ‘yon ni Alexandros.“What? Hindi naman kayo close para yumakap ka ng ganon sa Elaine ko.” masungit na wika ni Alexandros at inakbayan pa sya.Napailing naman si Ethan at tinaas pa ang dalawang kamay sa ere. “Chill, bro. Elaine is part of the family now. Masyado ka naman possessive, ikaw din, baka bigla ka nan iwan at hindi na magpakita sayo.” Biro nito sa kapatid.Ngumisi naman ng nakakaloko si Alexa
“Po!?” gulat na sabi nya at napatingin sa ama ni Alexandros na seryosong nakatingin pa din sa kanya.“Greg!”“Dad!”Magkasabay na sabi ni Mrs Ruffalo at Selena. Agad naman lumapit sa kanila si Mrs Ruffalo at hinawakan sa braso si Mr Ruffalo na para bang pinipigalan itong magsalita pa. Si Selena naman ay tumabi sa kanya. Bakas din sa mukha nito ang pagka gulat sa sinabi ng ama. Habang si Marcus naman ay hindi natinag sa kinatatayuan nito kanina pero nakatingin din sa kanila.“Greg, darling. Can you please shut up? Wag mo nga binibiro ng ganyan si Elaine. Baka nakakalimutan mong buntis sya at apo natin ang nasa sinapupunan nya.” Naiilang na sabi ni Mrs Ruffalo sa asawa pero napansin nya ang pagbabanta sa mata nito habang nakatingin kay Mr Ruffalo.Hindi tuloy nya napigilan na magbaba ng tingin. May nararamdaman syang kirot sa kanyang dibdib ng marinig ang mga katagang binitawan ni Mr Ruffalo sa kanya pero sinubukan nyang kontrolin ang emosyon. Baka totoo ngang nagbibiro lamang ito katul
“Alexandros.. tama na please.” Naiiyak na pakiusap nya dito. Hindi na nya napigilan na tumayo din para awatin ito sa pagsisigaw sa ama.“No, love! Sumosobra na si Dad! Wala syang karapatan-” naputol ang sasabihin nito ng malakas na binagsak ni Mr Ruffalo ang hawak nitong kubyertos sa mesa at masama ng tiningnan ang anak.“You want to know the truth!?” sigaw din ng ama nito.Natigilan si Alexandros sa sinabi ng ama. “What.. do you mean?” naguguluhang tanong nito.Hinawakan ni Mama Lenie ang kamay ni Mr Ruffalo at naiiyak na umiling-iling ito. “Don’t do this, Greg. Masasaktan ang anak mo, masasaktan si Elaine.”Maski sya ay natigilan sa narinig, anong ibig sabihin ng mga ito? Bakit masasaktan sya? sila ni Alexandros? Inilipat nya ang mga mata sa mag-asawang Ruffalo. Kung kanina ay seryoso lang ang mukha ni Mr Ruffalo, ngayon ay may nababakas syang lungkot sa mga mata nito, pati nadin kay Mama Lenie.“Ano pong..?” tanong nya sa mga ito.“Dad, stop it.” Marcus said with a warning tone.Bi
''Elaine! Gumising kana dyan at late kana sa trabaho!'' sigaw ng kanyang Nanay Merlina. Nagmamadaling bumangon sa kama si Elaine at napatingin sa orasan na nakasabit sa dingding. Nanlaki ang mata nya nang makita mag aalasais na pala ng umaga! Alas otso ang pasok nya at bbyahe pa sya. Paniguradong magagalit sa kanya ang manager nila kapag nalate sya. May special occasion pa naman ngayon araw sa Escusina de Restaurant kung saan sya nagttrabaho bilang waitress. ''Ay kung sinuswerte ka nga naman! Bakit ba hindi gumana ang alarm ko sa cellphone!?'' Hinanap nya ito sa kama pero hindi nya makita. ''Asan na ba kasi yun!?'' naiiritang sabi nya. ''Elaine, etong telepono mo tumutunog,'' ani ng kanyang ina na pumasok sa loob ng kanyang kwarto habang hawak hawak neto ang cellphone nya na nag aalarm. ''Saan nyo po nakita?'' tanong nya at kinuha dito para patayin ang alarm. ''Naiwan mo yung bag mo kagabi sa sala. Siguro eh sa sobrang pagod mo di mona naalala at nakatulog ka kagabi ng hindi k
Itinaas nya ang bondpaper na may sulat ng pangalan nito. Maya maya pa ay may lumapit sa kanyang matangkad na lalaki na naka shade. ''Elaine, right?'' tanong nito. ''Yes Sir! You must be, Robert?'' nakangiting tanong nya dito. Tumango ito sa kanya. ''Tulungan ko na po kayo sa gamit nyo.'' Kinuha nya ang isang maleta na hawak nito. ''Wag na, mabigat ang gamit ko.'' Sinubukan nito kunin sa kanya ang maleta pero itinaas nya ang isang kamay na parang sinasabi dito tumigil. ''Kaya ko naman Sir, hihilahin lang naman ito. Tara na po at naghihintay sa inyo ang Tita nyo.'' Nauna na sya maglakad habang nakasunod ito sa likod nya. Hindi nya nakita ang pagngiti ni Robert sa likod. Pumara na sya ng taxi at sumakay sa likod. Pagkatapos maiayos lahat ng gamit sa likod ng compartment ng taxi ay tumabi sa kanya si Robert at nagpahatid na sila sa Escusina De Restaurant. ***''Amari?'' ''Yes sir?'' ''Find out kung sino yung babae kanina. Alamin mo lahat about her.'' Utos nya dito habang n
Napakagat labi na lamang si Elaine at medyo yumuko dahil sa sobrang kahihiyan. Napatitig naman si Alexandros sa mga labi ng dalaga. Dahil dun napahawak sya ng mahigpit sa mesa. He's stopping himself not to grab and kiss her! Biglang may lumapit sa kanilang lalaki at hinawakan sa balikat ang dalaga na ikinagulat ng huli at napatingin dito. Mula sa labi ng dalaga ay masamang tiningnan nya ang kamay na nakapatong sa balikat nito. Hindi nya gusto yung nararamdaman nya. Kailangan n'ya kumalma or else baka masuntok n'ya ang nag mamay-ari ng kamay na iyon. ''Is there's any problem here, Elaine?'' tanong ng bagong dating na lalaki. Tumingin pa ito sa kanya. Tinaasan nya lang ito ng isang kilay at bored na sumandal sa upuan. ''Wala po, Sir Robert! Nagulat lang po ako kanina.''sagot ng dalaga dito. ''I'm hungry, can we order already?'' agaw nya sa atensyon sa mga ito. Dali-dali naman inilabas ni Elaine ang maliliit na notebook at ballpen nito para makuha ang order nila. Pagkatapos isula