Inalis nya ang coat ni Alexandros na nakapatong sa kanyang balikat at ipinatong ‘yon sa sandalan ng upuan nya. Hinubad nito ‘yon kanina habang kumakain sila dahil napansin nitong medyo malakas ang hampas ng hangin kanina at baka raw lamigin sya.Akmang tatayo sya ng bigla itong tumayo at inalalayan sya.“Bakit mo hinubad? Baka lamigin ka nan at magkasakit ka pa.” nag-aalalang wika ni Alexandros at akmang kukunin ang coat nito para ipasuot ulit sa kanya ng pigilan nya ito.Nagtataka naman na tiningnan sya nito.Umiling-iling sya. “Okay lang ako, tsaka hindi naman ako nilalamig.”“Sigurado ka? Gusto mo bumalik na tayo sa hotel o umuwi na lang tayo sa main villa?” tanong nito sa kanya.“Pwede pakitulungan akong hubarin itong heels na suot ko? gusto ko mag-yapak.” Ani nya at bahagya pang hinigit ang kanyang suot na gown para lumabas ang kanyang legs at paa.Napatingin naman ito sa kanyang legs na nakalabas dahil sa slit ng gown, dahan-dahan bumaba ang tingin nito hanggang sa paa nya. Nat
Naligo at nagpalit muna sila ng damit ni Alexandros bago sumunod sa opisina ni Marcus sa first floor ng main villa. Nang bumaba sila ay wala na ang ibang member ng MMC, tanging sila Selena at Olivia na lang ang naiwan sa may sala dahil nagpaalam na sa mga ito ang mga kalalakihan.Mukhang maski ang mga member ng MMC ay takot sa pagka seryoso ni Marcus kanina. Paano ba naman, ni isa walang binati ito o nginitian man lang. Kaya mas lalo syang kinakabahan kung ano man ang sasabihin nito sa kanilang dalawa ni Alexandros.Tumango at ngumiti lang sya kay Selena at Olivia ng madaanan nila ang mga ito. Bakas din sa magandang mukha ni Selena na kinakabahan din ito para sa kanilang dalawa ni Alexandros. Para tuloy gusto na lang nya magpaiwan sa sala kasama ang mga ito at wag na lang humarap kay Marcus.Buti na lamang at hawak ni Alexandros ang kamay nya habang naglalakad sila patungo kung nasaan si Marcus. Pakiramdam kasi nya ay nanlalambot ang kanyang mga tuhod sa takot at kaba. Akmang kakatok
Nauna na syang lumabas kay Alexandros sa opisina ni Marcus. Pinasama nadin ng huli si Amari dahil may pag-uusapan raw ang mga ito. Pagkalabas pa lang nila ng pintuan ay agad syang niyakap ni Amari. Humiwalay din naman ito agad sa kanya at nakangiting tumingin sa kanya.“Congratulations! Sana baby girl.” Humagikhik pa ito na akala mo’y isang teenager na kinikilig sa crush.Hindi tuloy nya naiwasan na matawa sa naging reaksyon nito. Biglang nawala ang pagiging seryoso ng dalaga at para bang naging ibang tao ang kaharap nya.“Thank you.” Ngumiti pa sya dito.Habang naglalakad sila papuntang sala ay hindi nya maiwasan magtanong dito.“May something ba sa inyo ni Marcus?” curious nyang sabi habang nakatingin dito. Mahina lang ang boses nya para walang makarinig sa kanilang dalawa.Ngumiti lang si Amari. Para bang hindi ito apektado sa tanong nya. Deretso lang ang tingin nito sa harapan nila habang naglalakad sila. “Wala, temporary boss ko lang si sir Marcus. Alam mo naman na si sir Alex
Akmang tatayo na sya mula sa kama ng bigla syang niyakap ng mahigpit ni Alexandros. Halos hindi sya makagalaw dahil ang binti nito ay nakapulupot sa kanyang binti. Hindi nya alam kung gising na ba ito o tulog pa dahil nakapikit padin ang mga mata nito.Nagising kasi sya sa alarm ng kanyang cellphone. Buti na lang din at agad nya ‘yon nai-off, kung hindi baka nga nagising ang kanyang katabi. Pinagmasdan nya ang mukha ni Alexandros at napangiti. Talagang kahit tulog ito ay napaka gwapo. Dahan-dahan nyang hinaplos ang matangos nitong ilong gamit ang kanyang hintuturo.Humagikgik sya ng mahina ng kumunot ng bahagya ang noo nito. Agad naman nyang itinigil ang ginagawa at baka nga magising ito ng tuluyan. Hinayaan na lang ang sariling pagmasdan ito ng tahimik. Sana lang talaga ay maging kamukha nito ang nasa sinapupunan nya. Maganda din naman sya sabi ng iba, pero gustong-gusto nya kasi makuha ng baby nila ang matangos na ilong nito, maski na ang hugis ng labi.Bigla naman sya natigilan n
Kanina pa sya pauli-uli ng lakad sa loob ng closet room nila ni Alexandros. Hindi kasi sya makapili kung anong susuotin nya, lahat naman ng damit na binili sa kanya ng binata ay pawang magaganda at alam nyang mamahalin din. Pero hindi nya alam kung isa ba sa mga damit na ‘yon ang susuotin nya o ang dala mismo nyang damit ng pumasok sya dito sa isla. Gusto kasi nya sa unang pagkikita nila ng mga magulang ni Alexandros ay makita ng mga ito kung ano ba talaga sya, isang simple babae na mahal ang anak ng mga ito. Kapag kasi sinuot nya ang isa sa mga damit na nasa harapan nya, baka isipin naman ng mga ito na pera o materyales na bagay na kayang ibigay ni Alexandros ang habol nya kung bakit nya pinili ito.Lumingon ulit sya sa kabila cabinet kung nasaan ang mga damit nya talaga. Napakagat labi sya at tinitigan din ‘yon. Halos wala syang makita na simple pero pormal na dress sa mga damit nya mismo. Puro jeans at t-shirt kasi ang halos dinala nya ng pumasok sya dito. Trabaho lang naman kasi
Naputol ang pagtitig ng mga ito sa kanya ng biglang tumili si Selena at nagmamadaling lumapit sa mga ito at niyakap. Ngumiti naman ang mga ito sa anak at niyakap din. Lumapit sa kanila si Ethan at niyakap sya na syang ikinagulat nya. Hindi nya kasi akalain na gagawin nito ‘yon lalo pa nga at medyo ilag ito sa ibang tao.“Congratulations!” bulong nito sa tenga nya. Magpapa-salamat sana sya dito ng bigla naman kinalas ni Alexandros ang yakap ni Ethan sa kanya at bahagya pa syang hinigit papunta sa tabi nito.Amuse naman na tiningnan ito ni Ethan, mukhang hindi din nito inaasahan na gagawin ‘yon ni Alexandros.“What? Hindi naman kayo close para yumakap ka ng ganon sa Elaine ko.” masungit na wika ni Alexandros at inakbayan pa sya.Napailing naman si Ethan at tinaas pa ang dalawang kamay sa ere. “Chill, bro. Elaine is part of the family now. Masyado ka naman possessive, ikaw din, baka bigla ka nan iwan at hindi na magpakita sayo.” Biro nito sa kapatid.Ngumisi naman ng nakakaloko si Alexa
“Po!?” gulat na sabi nya at napatingin sa ama ni Alexandros na seryosong nakatingin pa din sa kanya.“Greg!”“Dad!”Magkasabay na sabi ni Mrs Ruffalo at Selena. Agad naman lumapit sa kanila si Mrs Ruffalo at hinawakan sa braso si Mr Ruffalo na para bang pinipigalan itong magsalita pa. Si Selena naman ay tumabi sa kanya. Bakas din sa mukha nito ang pagka gulat sa sinabi ng ama. Habang si Marcus naman ay hindi natinag sa kinatatayuan nito kanina pero nakatingin din sa kanila.“Greg, darling. Can you please shut up? Wag mo nga binibiro ng ganyan si Elaine. Baka nakakalimutan mong buntis sya at apo natin ang nasa sinapupunan nya.” Naiilang na sabi ni Mrs Ruffalo sa asawa pero napansin nya ang pagbabanta sa mata nito habang nakatingin kay Mr Ruffalo.Hindi tuloy nya napigilan na magbaba ng tingin. May nararamdaman syang kirot sa kanyang dibdib ng marinig ang mga katagang binitawan ni Mr Ruffalo sa kanya pero sinubukan nyang kontrolin ang emosyon. Baka totoo ngang nagbibiro lamang ito katul
“Alexandros.. tama na please.” Naiiyak na pakiusap nya dito. Hindi na nya napigilan na tumayo din para awatin ito sa pagsisigaw sa ama.“No, love! Sumosobra na si Dad! Wala syang karapatan-” naputol ang sasabihin nito ng malakas na binagsak ni Mr Ruffalo ang hawak nitong kubyertos sa mesa at masama ng tiningnan ang anak.“You want to know the truth!?” sigaw din ng ama nito.Natigilan si Alexandros sa sinabi ng ama. “What.. do you mean?” naguguluhang tanong nito.Hinawakan ni Mama Lenie ang kamay ni Mr Ruffalo at naiiyak na umiling-iling ito. “Don’t do this, Greg. Masasaktan ang anak mo, masasaktan si Elaine.”Maski sya ay natigilan sa narinig, anong ibig sabihin ng mga ito? Bakit masasaktan sya? sila ni Alexandros? Inilipat nya ang mga mata sa mag-asawang Ruffalo. Kung kanina ay seryoso lang ang mukha ni Mr Ruffalo, ngayon ay may nababakas syang lungkot sa mga mata nito, pati nadin kay Mama Lenie.“Ano pong..?” tanong nya sa mga ito.“Dad, stop it.” Marcus said with a warning tone.Bi