JANINA MARIEParang bulkan na sumabog ang impact sa akin ng balitang nag-declare ng bankruptcy ang Daddy ni Xavier. Hindi ko alam kung ano ang aking gagawin dahil kahit galit ako sa aking asawa ay hindi ko naman kayang tiisin ang mga magulang niya. Kahit paano kasi ay naging mabuti silang mga biyenan sa akin at kahit hindi nila tunay na apo si Jude ay trinato nila itong tunay na kadugo. "Baka nagkamali ka lang," sabi ko sa aking kausap na abogado. "Hindi po ma'am. Habang nasa ibang bansa po si Mr. Kurt Montefona, napabayaan po ng asawa mo ang company nila. Niloko sila ng pinagkatiwalaan ni Xavier Montefona." "Nasaan ngayon ang manager ng Montefona Electronics Company?" "Nawawala po, ma'am.""Isa lang ang MEC sa ari-arian nila. Imposible na sa pagbagsak nito ay madadamay agad ang lahat nilang negosyo. "Ang tingin po namin ay tulad ng nangyari sa Lolo mo noon, may isang tao o grupo ng mga tao na palihim silang ibinagsak." Wala na ang kausap kong abogado pero nag-iisip pa rin ako h
JAKE ADMERSONRomantic music. Peaceful environment.Calm heart. Silly smile. I felt fantastic, especially now that everything happened according to plan. I clapped para sa sarili ko. Pwede na kasi akong bigyan ng award for being best actor. Lahat sila ay napapaikot ko sa aking mga kamay. "Kawawang Rhian. Masyado siyang evil and transparent kaya sa kaniya naibuntin ang sisi," nakangisi kong turan habang tinitingnan ko ang aking repleksyon sa mirror. "Boss, mayaman ka na ulit," wika ng dating manager ng Montefona Electronics Company. "Wala man lang nakapansin na muntik nang bumagsak ang Admerson Corporation. Good thing na naging busy si Xavier sa lovelife niya kaya nagtagumpay ako. He's weak.""Tama po kayo, sir. Ngayon na bankrupt na sila, siguradong mahihirapan silang bumangon dahil ma-pride din si Kurt Montefona."Ininom ko ang laman na alak ng baso na nasa aking harapan. I am celebrating as if nanalo ako sa isang karera. Actually, mas malaki pa ang prize na nakuha ko sa ginawa
JANINA MARIENitong nakalipas na mga araw, napansin kong nagiging salbahe si Jude. May mga pagkakataon na nagiging violent siya. Maging ang mga bagong yaya na kinuha ko na mag-aalaga sa kaniya ay hindi nagtatagal. Ilang beses na akong nag-hire ng yaya dahil umaalis agad sila. I decided to talk with my son. Subalit kahit anong pakiusap ko ay ayaw niya akong pakinggan. Madalas ay hinihiling niyang pupunta raw siya kay Jake kahit hindi pa schedule ng pagpunta niya roon. Unti-unti ko nang nararamdaman na napapalayo na si Jude sa akin. And it all started noong naghiwalay kami ni Xavier. Kinausap ko si Nanay Elsa at maging si Althea kung ano ang dapat kong gawin ngunit ang payo nila ay parang hindi ko kayang sundin. "Seryoso po ba kayo, Nanay Elsa?" ulit ko. Pang-apat ko na yatang tanong iyon sa kausap ko. "Maaaring makatulong si Xavier. Ang paghihiwalay n'yong dalawa ang isa marahil sa rason kung bakit naging ganiyan ang anak mo, JM." Maging si Althea ay pilit na kinukumbinsi ako na h
JANINA MARIE. Hindi makapaniwala ang mga kaharap kong security personnels nang sinabi kong hulihin nila si Tommy Bueno kapag nakita nila itong umaali-aligid sa mga lugar na pinupuntahan ko. Sa sobrang galing kasi ni Tommy ay hindi man lang ito napapansin ng mga taong palagi kong kasama kapag nasa labas ako. "Sige po, ma'am. Magiging mas alerto pa po kami," sabi ng pinakapinuno nila. Nang wala na sila sa harapan ko ay napabuntong-hininga na lang ako. Hindi ako comfortable na may mga taong nasa tabi ko palagi. Lalong ayaw ko na may mga matang nakatingin sa akin lagi. Subalit kailangan at ayaw ni Nanay Elsa na malagay ulit ang buhay namin ni Jude sa alanganin. "What if hindi ko na lang kaya ipahuli si Tommy at sa halip ay ipatawag ko na lang siya rito?" bulong ng isip ko. Hindi ko maintindihan kasi kung bakit hindi ako mapakali dahil sa mga sinabi ni Tommy sa akin noong nagkita kami. Tumayo ako sa swivel chair at naglakad-lakad ako. Hindi ko kailangan na magtrabaho dahil maayos na n
XAVIER WESLEYThe happiness I'm feeling right now is beyond my expectations. Kahit malaki ang ipinagbago ni Jude ay masaya akong bumalik na sila sa bahay. Nakakapanibago lang because Janina is very bossy and untamable. Malayo sa submissive wife ko noon.Naiilang din ako sa maraming security personnels na kasama namin sa bahay. May mga pagkakataon na nakalulungkot kasi umaalis sila ni Jude at hindi nila ako isinasama. Nang tinanong ko ang isa sa mga guards ni Janina ang sabi niya ay umuuwi raw ang sa penthouse nito. Until now, I don't have any idea how rich she is and where she got her fortune. After Janina's assistance, Montefona Electronics Company and our other assets are performing well. Dad came back as the chairman of the company and I retained my position as the CEO. Maayos na rin kaming nagbibigay paunti-unti ng aming partial payment sa aming loan sa Villasanta Group of Companies. One time, naisipan kong tanungin si Janina tungkol sa kung paano niya nalaman o nakuha ang mga a
JANINA MARIESimula nang bumalik kami ni Jude sa bahay ni Xavier ay bumuti ang ugali ng aking anak. Although may mga pagkakataon pa rin na salbahe siya pero madali siyang napapasunod ni Xavier. At dahil sa mga sinasabi ni Tommy kaya inutusan ko ang mga pinagkakatiwalaan kong tauhan na kunan si Jake ng buhok habang nasa isang sikat na parlor ito. Gagamitin namin iyon para sa hair follicle DNA test.Si Althea ay hindi makapaniwala sa naging pasya ko pero hindi niya ako kinontra. Sa halip ay pinursige pa niya ako na gawin ang aking plano para malaman daw namin ang totoo. Kahit duda siya kay Tommy ay gusto niyang bigyan din ito ng pagkakataon na patunayan ang mga sinasabi nito pero panay naman ang banta niya. "Kapag iyan si Tommy nagsisinungaling, ipasusunog ko talaga ang bahay niya," wika ni Althea habang kumakain kami ng merienda. "Paano kung nagsasabi siya ng totoo?" "Papatayin ko si Jake. Gagö na iyon, akala mo isang anghel pero uwak pala." "Bakit naging uwak naman, Althea?""Mait
JANINA MARIEHindi mapakali si Xavier. Gusto na niyang bumalik ng Cavite para harapin si Jake pero pinipigilan ko siya. Mahirap sumugod sa lugar ng kalaban na walang dalang armas. Alam ko rin na pwedeng mabaliktad ang sitwasyon kung magpapadalos-dalos kami ng mga galaw. “I can't believe it. Ang tagal kong hinanap ang necklace ko. Iyong dress mo... I still have it. Naiwan mo iyon sa villa na tinuluyan ni Jake noon. Honestly, I don't know kung paano akong napasok roon. All I remember was may isang taong sumabay sa akin noon at binigyan ako ng alak. I felt dizzy and my vision became blurry.”“Hindi ako nakasuot ng dress noon,” sabi ko na tila nawalan ng pag-asa.“I’m sorry. Maikling short at white tops pala iyon.”Parang hindi ko na kailangan pa ng DNA test para patunayan na si Xavier nga ang ama ni Jude. Hawak pa rin pala niya ang damit ko noon. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit kailangan pa ni Jake na akuin ang aking anak. Habang nag-uusap kami ni Xavier ay tinanaw ko si Ju
JANINA MARIEHabang nasa byahe pabalik ng Cavite ay hawak ni Xavier ang mga kamay ko. Mas pinili namin ang by land travel kaysa ang mag-chopper dahil masama ang panahon. Si Jude ay iniwan muna namin sa Baler kasama si Nanay Elsa. Hindi ko man gustong mapalayo sa aking anak pero para maiiwas lang siya kay Jake kaya napagdesisyunan namin na ganoon. Tahimik lang si Xavier habang nasa byahe kami. Alam kong iniisip niya ang tawag na natanggap niya mula kay Rhian. May sakit daw kasi si Yna at nasa hospital ito. Bilang ama, kailangan ni Xavier na puntahan ang anak niya at tingnan ang sitwasyon nito. Hindi ko gustong sumama pero siya na mismo ang humiling na sumama ako dahil ayaw n'ya raw na bigyan ng dahilan si Rhian para umasa pa. Nang dumating kami sa hospital, isang ina na pusturang-pustura ang inabutan namin. Para siyang walang anak na nakakabitan ng mga aparato. Hindi kasi mababakas sa mukha niya ang pag-aalala. Mataray niya kaming hinarap. Hindi nakalusot sa mapanuring mata ni Rhian