Napalitan ng liwanag ng buwan ang sinag ng araw na kaninang lumalagpas sa bintana ng aking kuwarto. Ilang oras na ang lumipas simula nang matapos ang kamustahan namin kanina sa garden. Sandali pang nanatili ang mga kaibigan ko rito sa kuwarto ko kanina ngunit umuwi na rin sila dahil hindi na nila ako makausap ng maayos.Nanatili akong nakahiga at nakatulala sa kisame. Simula noong matapos ang pag-uusap namin ni auntie ay hindi na nawala ang bigat sa aking kalooban."Bakit kailangan niyang sisihin ang sarili niya..." mahinang sambit ko.Napanguso ako bago malalim na bumuntong-hininga at umupo sa kama. Hindi ko maiwasang maalala muli ang naging pag-uusap namin ni auntie..."I'm so sorry, Leanne..."Natigilan ako nang makarating kami sa gilid ng garden ay iyon kaagad ang sinabi sa akin ni auntie. Napakurap-kurap ako bago bahagyang nagpakawala ng tawa."Auntie, why are you-"Akmang lalapitan ko siya ngunit gano'n na lamang ang pagkatigil ko nang umatras siya kasabay ng pagtulo ng kaniyang
Mario Gregorio Cruzio January 4, 1979 - May 15, 2012 Bumuntong-hininga ako matapos basahin ang pangalan na nakaukit sa lapidang nasa harapan ko ngayon. So, it's true... Mario is dead. "Babalik na ako sa sasakyan. Huwag kang magtatagal." Napalingon ako kay Leo na ngayon ay mabilis na tumalikod upang bumalik sa sasakyan at doon maghintay sa akin. Nag-away pa kami ng ilang minuto sa City Jail bago ko pa siya napapayag na pumunta rito. Napabuntong-hininga na lamang ako. Alam kong ayaw na niyang mapadpad sa lugar na ito dahil kinasusuklaman niya si Mario ngunit nagpumilit pa rin ako. Mamaya na lamang ako hihingi ng pasensya. Nang ibalik ko ang tingin sa lapida ay hindi na ako nagtaka kung bakit napaka-alikabok nito. Tila ba walang naglilinis dito at bumibisita. Bahagyang umangat ang gilid ng aking labi. "Sino nga naman ang bibisita sa masamang taong kagaya mo..." Hindi ko napigilang sambitin. Umihip ang malakas na hangin ngunit hindi ako natinag sa aking kinatatayuan. Nanatili
Tulala kong hinintay ang bartender na ihanda ang inumin na inorder ko. Takam kong pinanood ang nakamamanghang pag-aalog-alog at paghahalo ng bartender sa mamahaling alak. Hindi na ako makapaghintay na maka-inom ulit nito. Ilang taon na rin ba ako hindi nakakainom nito? Pito? Walo? Siyam?Natigilan ako nang makitang tapos na ang bartender at inihanda na ito sa isang tray bago ibinigay sa akin.Sampu. Sampung taon na ako hindi nakakainom nito. Gano'n nalang ang pagningning ng mata ko nang hawakan ang makintab at itim na tray na kung saan nakalagay ang mga mamahaling baso na may mga mamahaling alak. Babies... I really miss you my babies!"HOY!"Nanlaki ang mata ko at napatalon sa gulat. Muntik ko pang maitapon ang hawak-hawak na tray nang bigla nalang sumigaw itong bartender na nasa harap ko."Lagi ka nalang
"K.O!"Ang lahat ay napatingin sa matangkad at payat na lalaki na kulay blonde ang buhok. Nasa isang mesa ito hindi kalayuan na hula ko ay kanina pa nanonood sa amin.Tumatawa siyang lumapit sa direksyon namin habang sa likod niya ay ang isa ring matangkad na lalaki, nakapamulsa habang malamig ang tingin kay Baron na nakangising nakatayo na habang pinupunasan ang iilang dugo ng lalaki na tumalsik sa mukha niya.Sa hindi malamang dahilan ay nanginig ang tuhod ko dahilan ng pag-atras ko nang makalapit na sila sa amin."Gago ka talaga, Baron! Wala pa nga si bossing, nakikipagpatayan ka na!" sabay halakhak ng blonde guy habang akbay-akbay si Baron sa leeg. Tinawanan lang siya ni Baron bago pabirong sinuntok sa tiyan."Baka gusto mong ikaw patayin ko," Baron said.
"Kaninang pasado alas kuwatro ng hapon ay nagkagulo dito sa Quiapo. Nagkalat ang mga basag na bote, kutsilyo at kung ano ano pang mga patalim. Ang sabi ng mga nakasaksi ay grupo ng mga lalaki ang may gawa nito, mga naka-itim at pula na pinaghihinalaang riot ang nangyari. Sa kabilang dako ay mabilis na nakalayo ang karamihan sa gulo ngunit sa kasamaang palad ay may limang nasugatan habang may isa namang binawian ng buhay," sambit ng babaeng reporter.Dahan-dahan akong lumapit sa tindahang iyon. Sa likod ng reporter ay ang mga nagkalat na mga basag na bote at patalim. May iilang mga ambulance habang may iilan ding kotse ng mga pulis."Quiapo?" wala sa sarili kong sambit.Mabilis akong sumilong sa bubong ng katabing tindahan bago hinagilap ang cellphone sa bag. Kanina lang ay nag text sa akin si Mommy. Pupunta daw siyang Quiapo para bumili ng gamot kahit na sinabi ko naman na ako na.Mabilis kong kinuha ang cel
"Leanne, kumain ka muna..."Nanatili akong nakaupo sa sahig, sa gilid ng kuwarto ni Mommy. Tahimik at tulala sa kawalan habang yakap yakap ang malaking picture ni Mommy. Tatlong araw na ang lumipas simula nang ilibing siya. Mula noon ay hindi pa ako nakakakain, wala rin ni isa sa kanila ang kinakausap ko. Pilit man akong pilitin nina auntie na kumain ay wala rin silang magawa."Leanne," tawag muli ni Leo nang hindi ako sumagot.Mapait akong ngumiti. "Leo."Napaayos siya ng tayo sa gilid ng pintuan nang sa wakas ay nakipag-usap na rin ako. Mabagal akong tumingin sa kaniya, nanghihina dahil ilang araw nang hindi kumakain at puro iyak lang ang ginawa."Gano'n na ba kalaki ang kasalanan ko... para parusahan Niya ako ng ganito?" tanong ko na may ngiti pa rin sa labi.
"Eto na lahat ng damit mo? Asan na yung mga binibigay ko sa'yong mga branded na damit kapag binibisita ko kayo ni Lea? Bakit mukhang halos basahan naman 'tong mga 'to?"Sunod-sunod ang naging tanong ni auntie Lei matapos namin makarating sa bahay nila, iniisa-isa niya ang mga damit na dinala ko. Nakakunot ang noo at maarteng hinahawakan ang dulo ng mga damit ko na sa ukay lang nabili."Finally! May nakita rin akong totoong damit!" exaggerated na sambit niya nang makita ang iilang mga branded na damit na sa kaniya galing."Auntie, lahat naman 'yan tunay na damit.""Anong tunay ka diyan? Halos puro mga basahan nga ang dala mo! Anyway, don't worry. Bukas na bukas mag m-mall tayo. Ibibili kita ng maraming branded clothes–""Auntie, hindi na kailangan 'yan. Hindi ko naman kailangan ng branded cloth
"Kingdom Animalia is the largest kingdom based on a number or species representatives. It is also called metazoa..." Nangunot ang noo ko nang makarinig na pamilyar na nagsasalita. "Any question about Kingdom Animalia?" "None!" "Alright, proceed to the next lesson. Phylum is the name comes from the Greek term knide means nettle..." Napahawak ako sa ulo ko nang makaramdam ng pagkirot doon. Unti-unti ay inangat ko ang ulo mula sa pagkakayuko sa desk habang nakapikit at hawak hawak pa rin ang ulo. "It refers to the nettle or stinging nematocyst in the cnidocyte of the animals tentacles..." Natigilan ako. Dahan-dahan akong napadilat at