“PAPA, thank God, you made it,” Maluha-luhang sabi ni Anthony sa ama habang inaayos ang paglabas nito sa ospital.
After one week nitong naka-confine ay pinayagan na ito ng doctor na lumabas sa ospital.
Kumpleto ang buong pamilya nito ng araw na iyon. Nanduon si Justin na nakilala na niya nuong nag-dinner sila sa bahay nina Andy. Si Anthony, at si Andy pati na rin ang mother in law niya na si Ana.
Hanggang ngayon ay parang kinikilabutan pa rin siya kapag naiisip niyang may father in law at mother in law na siya.
Ilang pa rin siyang tawagin ang mga itong Mama at Papa. Pakiramdam kasi niya ay nagpapanggap lang naman sila ni Andy bilang mag-asawa kaya ayaw niyang ser
NILINGON NI ANDY si Catherine. Mukhang natutulog na ito. Naiinggit siya dito dahil ang bilis-bilis makatulog. Kahit yata mapasandal lang sa pinto, makakatulog. Kakaibang talent. Bahagya siyang napangiti ng maalala ang ginagawa nitong pang-aakit sa kanya. Iniisip pala nitong siya si Anthony. No wonder ganun na lang kung makipag-flirt ito sa kanya. Ngayon kaya nito subukang gawin iyon? Unti-unting napalis ang ngiti niya nang maalala ang hubad na katawan nito. Damn. Paano kaya kung hindi niya napigilan ang kanyang sarili? Papayag kaya itong may mangyari sa kanila?
“ANDY,” Gulat na bigkas ni Justin sa pangalan ng kapatid. Hindi niya inaasahang ito ang makakausap niya. Napatiim bagang siya. May asawa na ito ngunit hanggang ngayon ay ayaw pa rin nitong pakawalan si Alexa. At nagtataka siya kay Alexa dahil hanggang ngayon ay nagpapaloko pa rin ito kay Andy samantalang heto siya, totoo iyong nararamdaman niya para rito and yet bakit panakip butas lang siya ni Alexa. “Bro, nandiyan ka pala,” sabi niyang napatikhim, “Hindi ba magagalit si Papa kapag nalaman niyang nasa ibang bahay ka sa halip na sa piling ng asawa mo ikaw naglalagi?” “Kung anuman ang gawin ko sa buhay ko, it’s none of your business!” Yamot na sagot nito sa kanya.
“AMANPULO?”Puno ng excitement ang mukha ni Catherine habang nakatingin sa plane ticket na iniabot sa kanya ni Andy. Isa sa bucket lists niya ang makapunta sa Amanpulo dahil madalas niya iyong napapanuod sa mga vlog ng mga celebrities. Gusto niyang makita kung gaano talaga kaganda ang lugar na iyon. Sabi kasi nila, para raw iyong paraiso. At hindi basta-basta napupuntahan ng kung sinu-sino lang. Sayang nga lamang at si Andy ang makakasama niya sa pagtupad sa pangarap niyang iyon. Ang sarap sana kung mga kaibigan niya ang kasama niya papunta sa Amanpulo at hindi si Andy. Ano naman kasi ang gagawin niya sa isang paraiso kasama ng lalaking iyon? Iniisip pa lama
AMANPULO. Hindi makapaniwala si Catherine na parte pa rin ito ng Pilipinas. Ang daming magagandang lugar dito sa bansa, sayang at mga dayuhan lamang ang nakikinabang. Haist, kung hindi lang siguro corrupt ang mga namumuno sa Pilipinas, hindi sana ito nabibilang sa third world country sa dami ng natural resources nito. Nakakalungkot isiping nabalewala lang lahat ng mga ipinaglaban ng mga bayani nuon. Pero ang ganda talaga ng Amanpulo. Sarap sana kung kasama niya ang mga friends niya. Pero mas masarap kung marunong siyang lumangoy! Namangha siya sa ganda at laki ng kuwarto. Inilapag niya ang kanyang mga gamit sakaparang batang ibinagsak niya ang katawan sa ka
Pero ang gulat niya nang sa halip na halik ay kutos ang inabot niya kay Andy. “Ouch, kinutusan mo ko?” Hindi makapaniwalang tanong niya dito. Sa tanang buhay niya ay never pa siyang nakutusan ng kahit na sino. Kahit ang Daddy niya, never siyang kinutusan pagkatapos, sa lalaking ito papakutos siya? Nagpanting ang mga tenga niya, “Anong karapatan mo para kutusan ako?” “Para matauhan ka! Itong isaksak mo sa kukute mo ha? Hinding-hindi kita magugustuhan kahit na kailan kaya huwag mong isiping naiinlab na ako saiyo! Mangilabot ka nga!” “Ah, sa palagay mo,magugustuhan kita?” Galit na sagot niya dito, kinutusan rin niya ito, “Isaksak mo rin ito sa kukute mo ha, huwag kang assuming na lahat ng babae, kagaya
“H-HINDI ha. . .b-bakit naman ako magpapansin saiyo?” todo tanggi niya dito, “Huwag kang assuming ‘no!” “Hindi ako assuming! Nagtataka lang ako, tumatanggi ka pa pero hindi pa ba pagpapansin ‘yang ginagawa mo?” Umiwas siya ng tingin dito, “Hah, pagpapansin ba ang tawag mo sa ginagawa ko? Actually, nag-iingat lang ako. Gusto ko lang ipaalala saiyo na kaibigan ni Papa ang isa sa mga share holder ng Amanpulo k-kaya ayoko lang namang makarating kay Papa na nakikipaglandian ka sa ibang lalaki habang nandito tayo,” pagsisinungaling niya dito. Ang totoo ay hindi naman kakilala ng Papa niya ang me ari ng isla na ito, or isa man sa mga share holders nito. Wala lang talaga siyang maisip na maidahilan kay
“WOW, kaharap ko pala ngayon ang sikat na author ng 101 Ways How Not To Fall Inlove With A Player, ang galing naman. Sayang, di ko dala iyong librong iyon, papa-autograph sana ako saiyo.” Kinikilig na sabi niya. Hindi siya makapaniwalang kaharap niya ang best-selling author na si Mr. J. “Don’t worry, bibigyan kita ng isa pang kopya, with my authograph.”“Talaga?” Hindi pa rin siya makapaniwala. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwalang ito ang sikat na author na hinahangaan niya. Hindi niya kaagad ito namukhaan, “Tatlong beses kong binasa ang libro mo. Hopefully, maapply ko sa sarili ko.”Star-struck siya. Hindi lang pala ito matalino, napakaguwapo rin. May maikwekwento na naman siya kina Diane.“Pwede bang magpa-picture tayo? At okay lang bang ipost ko sa Instag
HINDI PA nakakalabas ng kuwarto si Andy ay tumatawag na sa phone si Alexa. Fuck. “Hello? Love?” “Fuck you, Andy!” Bulyaw nito sa kanya, “Alalang-alala pa naman ako saiyo, iyon pala nasa Amanpulo ka. . .” “Love, let me explain, okay?” “Why do you have to lie, Andy? Kung hindi pa nagtrending ang post ng hitad na iyon, hindi ko malalamang magkasama kayo dyan sa Amanpulo!” Mangiyak-ngiyak na sabi nito sa kanya. Gusto niyang sakalin si Catherine. Bakit pati siya ay kailangan nitong ipahamak?&n