Share

Chapter 15

BAGO mapansin kay Katrina ang suot niyang wedding ring ay sinadya niyang yakapin nang mahigpit si Darwin. Pasimple niyang tinanggal ang singsing at napatingin sa paligid. Nang walang nakapansin ay iniabot niya iyon kay Darren na hindi kalayuan sa kanila ni Darwin.

"I appreciate your warmth embrace, sweetie. Inagahan ko talagang pumunta rito para maabutan kita. Just simply reminds you about sa gathering natin mamaya," ani ni Darwin pagkakalas ng mga yakap nila.

Maagap na naibulsa ni Darren ang singsing niya. Nagkaunawaan naman ang ekspresyon ng mukha nila at hindi ipinahalata kay Darwin.

"Siyempre hindi ko makalimutan iyon. Minsan lang naman ang pagkakataon na maka-bonding ko ang parents mo," nakangiting saad niya.

Sandali munang nagpaalam si Darren sa kanila upang tunguhin ang mga kasama nila sa studio. May pictorial na naman sila mamaya para sa bagong design na gown mula sa Europe.

Iginiya muna siya ng nobyo patungo sa couch ng lobby. Inanalayan pa siya nito sa pag-upo, tumabi ito
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status