Share

Chapter 24

KAHIT uulit-ulitin pa ni Katrina ang pagkakatitig niya sa larawan ng babaeng aarkelahan nila ni Enrico para magsilang ng magiging anak nila ay hindi pa rin magbabago ang anyo nito. Lihim ang pagkakaila niya na hindi papasa sa panlasa ni Enrico ang babae. Kahit anong gawin niya, sadyang marunong mamili ang kaibigang si Darren.

Halos matatawag na silang kambal ng babae dahil sa maraming katangian na katulad sa kaniya. Nabulabog lang ang malalim na pag-iisip niya nang lumakas ang kalabog ng pintuan sa labas.

Dali-dali niyang binuksan ang pinto. Napatitig siya sa nakasimangot na mukha ni Enrico.

"What happened to you? Kanina pa ako kumakatok dito, parang wala kang naririnig. Pinag-alala mo pa ako dahil ang tagal mong lumabas. Akala ko kung napaano ka na riyan." Bakas ang labis na pag-alala ni Enrico sa kaniya.

Hindi niya alam kung paano niya ito sagutin. Hindi pa siya nakahuma sa kaiisip sa larawan ng babae. Sa halip na sagutin ito ay nilampasan lamang niya at bumalik sa upuan.

Hindi
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status