Evie's POV Hindi ko alam kung totoo ba ang naririnig ko o nagha-hallucinate lang ako. Ngumiti ang doktor sa reaksyon ko. Siguro sanay na siya sa mga ganitong reaksyon. Sinampal ko ang sarili ko. Baka kasi panaginip lang ang lahat. Baka nananaginip lang ako. Pero hindi napa-aray ako sa sakit ng pisngi ko. Kung bakit naman kasi napalakas ko pa ang sampal ko sa sarili ko. Napansin kong pinagtitinginan ako ng mga tao dito. Iniisip siguro nila na nababaliw na ako. Sino ba naman kasi ang hindi matutuliro sa ganitong balita. May baby na sa sinapupunan ko sa loob ng isang buwan hindi ko man lang napansin! Heto pa ang malala nakaratay ngayon sa operating room ang tatay nitong baby. O di ba ang saya?! Kung bakit ba kasi active na active kami ni Keith sa jugjugan nung nakaraang buwan eh! Hindi nga ako nagkakamali ng isipin ko na baka may nabuo na sa ginagawa naming milagro. Napakamot ako sa ulo ko na hindi naman talaga makati. Trip ko lang siyang kamutin dahil stress ako! "You should start t
Evie's POVDumating na sina Madame Kassandra at ang Daddy ni Keith. Tulad ko ay lumuluha din ng tahimik si Madame Kassandra. Inaalo naman ito ni Sir Andrew na halatang nag-aalala din sa kanyang anak base sa ekspresyon na nababakas sa mukha nito. Gusto kong sisihin ang sarili ko sa nangyari. Kung hindi dahil sa akin hindi sana mapapahamak si Keith. Gusto kong ibalik ang oras pero alam kong di na pwede.Hindi ako makalapit kay Madame Kassandra dahil guilty ako. Nakokonsensya ako dahil sa nangyari kay Keith. Wala na akong mailuha pa. Siguro'y dehydrated na ako sa sobrang pag-iyak ko. Nag-alala tuloy ako bigla sa baby ko. Napahawak ako sa puson ko. Hang in there, baby. Daddy will wake up soon! Laking tuwa ko nang dumating sina Owen at Carla. Agad akong niyakap ni Carla. Gumanti naman ako ng yakap sa kanya. Habang si Owen naman ay malungkot lamang na nakamasid sa aming dalawa ni Carla."Kumusta ka, Evie?" Malungkot na tanong sa akin ni Carla habang nakayakap pa din ito sa akin.Bumitaw
(Evie's POV)"Narinig niyo na ba ang balita? Babalik na daw dito sa Pilipinas ang anak ng Chairman." Narinig kong bulung-bulungan ng mga katrabaho ko habang naglalakad ako palabas ng cafeteria.Kagagaling ko lang kasi sa cafeteria para kumain. Awtomatikong napahinto ako sa paglalakad. Totoo nga bang babalik na dito ang anak ni Chairman? Kaya ba parang ipinagbibilin niya sa akin na alagaan ang kumpanya?"Oo, confirm na mga bruha. Babalik na daw dito ang anak ni Chairman. Narinig ko sa kaibigan ng mama ko. Doon kaya siya nagtatrabaho bilang katulong kina Chairman." sabi naman ng isa pang babae."Ano kayang hitsura ng anak ni Chairman? Hindi naman siguro gwapo iyon dahil hindi naman gwapo yung tatay. Sayang balak ko pa namang akitin siya." nanghihinayang namang sabi ng isang babaeng makapal ang make-up.Bahagya akong napalingon sa gawi nila. Wala silang karapatan na lait
(Evie's POV) "My son, where on earth are you? Hindi ba natuloy yung flight mo?" Madame Kassandra ask to her son over the phone. Mantakin mo ba namang apat na oras na kaming naghihintay. Wala pa din yung damuhong niyang anak! Napanis na lang yung napakalaking banner ni Madame Kassandra na hawak-hawak naming dalawa. Exagerrated na nga yung size ng banner na ito. Iyong parang banner ng school kapag first day of class. Ang ipinagkaiba nga lang ay ang laman ng naturang tarpaulin. Ito yung nakalagay sa banner ni Madame Kassandra. Welcome home, my son. Sarangheo! (I love you!) Madame Kassandra is such a bright person. Iyon bang tipo na nagliliwanag ang mundong ibabaw kapag nandiyan na siya. Her personality is like a ray of sunshine. Kaya kahit sino, puring-puri ang ginang. Hindi lang maganda, mabait pa. Palagi kasi itong nakangiti. Friendly kung baga ang aura nito. Ngunit ang ngiting iyon ay n
(Evie's POV)Kakapasok ko pa lamang ng hotel. Hindi na ako nagpasundo pa kay Janella dahil alam kong busy ang bruha. Tinawagan na din ako ni Mariana. Isa din siya sa kaibigan ko noong highschool. Magkikita daw kami sa coffee shop nitong hotel. Kami kasi ang nagplano ng bachelorette party ni Janella. May kailangan pa daw kaming hanapin na dalawa.Papasok na sana ako ng hotel nang may asungot na sumalubong sa akin. Sino pa ba? Iyong lalaking mapapangasawa ng kaibigan ko. Si Michael Gregory Santos. Isang sikat na idol sa buong Asya. Naka-cap ito at naka-mask pero nakikilala ko pa din siya. Panay ang sulyap sa amin ng mga taong narito. Nakikilala siguro nila ang lalaking ito."Ano bang klaseng disguise yan? Nakikilala ka pa din ng mga tao."Nakapamewang kong saad sa kanya.Napalingon-lingon siya sa paligid. Pinagtitinginan siya ng mga tao. Mukha itong nataranta dahil sa mga babaeng palapit sa amin nga
EVIE'S POVNapalinga-linga ako sa paligid. Mabuti na lang naka-jeans ako. Kung hindi, baka nalaman na nila na maluwag ang panty ko. Kung skirt kasi ang naisuot ko. Malamang nahulog na iyon sa sahig.Bakit kasi ang tanga mo, Genevieve!Hindi ako makapaniwala sa nalaman ko. Siya ba talaga yung bago kong boss! Paano nangyari yun? At saka anak ba talaga siya ni Sir Andrew at Ma'am Kassandra? Bakit parang ang layo naman ng ugali niya sa mga amo ko?"Huwag mo nga akong pagtripan! Hindi ako naniniwala na ikaw ang bago kong boss." naiirita kong sabi sa kanya.He gave me an evil grin. Then he stand up. Habang sapo pa niya ang panga. Si Michael ay nagpalipat-lipat lamang ng tingin sa aming dalawa. Hindi siguro nito malaman kung paano kami aawatin. Sa ngayon kasi ay nag-aapoy na ang mga mata namin habang nakatingin sa isa't-isa.
Evie's POV Nakanganga ko lamang na tiningnan ang bago kong amo. Habang patuloy niyang binubugbog ang lalaki. Wala akong ginawa kundi pagmasdan ang siya pati na iyong malapad niyang likod. Ang sarap sigurong yakapin nito sa likod. Natigil lang ako sa paglalaway ay este pagtingin sa kanya nang awatin sila ni Kuya Genesis. Bugbog sarado na ang lalaki. Siya namang matinis na pagtili ng babaeng nasa likod ko. "Guys, what the hell are you doing?! Bakit niyo siya binubugbog?!" Awtomatikong napabaling ako sa babae sa likod ko. Si Mariana Jimenez, matalik na kaibigan naming dalawa ni Janella. Hindi maipinta ang mukha nitong lumapit sa lalaking binugbog ni Sir Keith. Maingat nitong hinawakan ang mukha ng lalaki. Habang napapangiwi ito. Matalim na titig ang pinakawalan nito sa dalawang lalaki. "Pambihira naman kayo oh! Ano bang problema niyo? Sinira niyo na ang plano ko. Paano na ang bachelorette party ni Janella mamaya kung
Evie's POVNakasarado na ang pinto ngunit nakanganga pa din ako sa bago kong boss. Ano ba ang ginagawa niya? Bakit ba siya pumasok dito? Hindi ako natauhan kung hindi niya ako kinalabit."What are you doing? Akala ko ba magbabanyo ka?" tanong niya sa akin.Napangiwi ako habang mapagtanto ang talagang pakay ko sa banyo. Magpapalit ako ng panty kong maluwag! Pambihira naman itong bago kong boss e! Talagang asungot sa buhay! Alangan namang maghalungkat ako ng mga gamit ko habang nandiyan siya!"Iyan nga ang dapat kong itanong sa inyo e! Bakit po kayo pumasok sa silid ko? Di ba dapat nasa kwarto na nakalaan sa iyo ka na? Ano pong ginagawa niyo dito?" nagtataka kong tanong sa kanya.Lumikot ang mga mata niya. Hindi siya makatingin sa akin ng diretso. Napahalukipkip ito habang tumingin na naman sa akin. May kalamigan ang mga mata nito akong tiningnan."Bakit parang pakiramdam ko tinataboy mo ako? May mas mahalaga ka pa bang gagawin k